Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit
Part 10
253. Cun ang baga,i, may nana, na caya naalamang may nana, sapagca cun hipuin ang sibol, ay ga nag-aalon-alon ang nana sa ilalim, at gungmagala doon sa loob, at hindi masaquit na para nang dati ang sibol, cun ganoon ang gagauin, ay hihiuain ang sibol sa dacong ilalim nang macaanod ang nana; at houag tumahan doon; datapoua cun minsan ay siyang cusang pumuputoc pag natapalan nang man~ga bilin sa itaas sa párrafo 248. Pag nacaputoc na ang sibol, ay masamang palabasing minsanan ang maraming totoong nana, at ang maysaquit ay manghihinang totoo, maliliyo, at mamamatay tuloy cun minsan. Ang calaquihan nang hiua,i, ibinabagay sa calaquihan nang baga, at masama naman ang totoong unting hiua maca magtago sa ilalim ang nana, at mababahao ang sibol, na hindi maiguing pagcabahao, at cun gayon ay isa pang cailan~gang hiuain, cun malauon-lauon.
254. Ang butas nang sibol, ay doroonan nang _micha_ nang hilas, na gayon ang pag-gaua. Ang isang caputol na munti nang _lienzong_ luma ay naninitnit, at ang pinagnitnitan ay guinagauang parang cigarillong munti, na yao,i, ang tinuturang _micha;_ ang micha,i, ibinababad sa _pulot poquiotan,_ ó cun ualang pulot, na sa pula nang itlog; bago isoot sa butas nang sibol. Ang ibabao nang sibol ay tapalan nang isang lienzong malaqui pa sa sibol, na may dalaua ó tatlong suson. Ang sibol ay minsan lamang gamutin arao-arao, at touing gagamutin ay papaltan ang micha nang ibang bago, at susumpitin ang butas nang sibol nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang _hagonoy, at macabuhay:_ ang isusumpit sa sibol ay sumpit na cauayan, cun ualang iba. Cun baga may roon pang naquiquitang matigas doon sa baga, na hindi pa lungmalambot, ay tapalan nang man~ga nacacalambot, na yao,i, ang gatas at ang iba, na itinuro co sa párrafo 248.
255. Cun malinis na at munti ang butas nang sibol, ay bahaui,t, papagcalan~gibin tuloy nang hilas nang lienzo na idoroon sa butas.
256. Maalaman nang man~ga mangagamot, na bucod dito sa man~ga itinuro co n~gayon ay mayroon pang ibang man~ga bagay na maigagamot sa saquit na ito; at ang magaling sa lahat ay ang ungüento nang _hagunoy,_ ó ang sa _lantin_ (llantén) para nang turo sa número 62. Cun ang sa _lantin_ ang gagauin ay pinipili ang may malapad na dahon, at limang litid, na doon naquiquita sa tangcay pag nalagot. Alin man doon sa dalauang ungüentong yaon, ay nagagamit sa sinisibulan nang baga, na mula sa bagong pagsibol hangang sa mabahao. Datapoua lalong mabuti sa man~ga ungüentong ito ang sundin ang man~ga itinuro co dito sa capítulong ito.
357. Cun ang baga,i, nadoroon sa loob nang catauan doon sa pinan~gan~ganlang _baga,_ ay gagauin ang man~ga bilin sa capítulo 6 nitong librong ito.
=CAPÍTULO 28.=
_Ang gamot sa bicat sa uicang castila,i,_ lamparónes ó escrófulas.
258. Ang pinan~gan~ganlang _bicat_ ay sungmisibol sa liig ó sa quiliquili; cun minsan hindi doon lamang, cundi sa dibdib at sa lahat na casucasuan nang catauan nang tauo. Cun minsan namamaga ang isang labi nang bibig at ang ilong. Itong man~ga bucol na pinan~gan~ganlang _bicat,_ ay matigas, hindi mainit, hindi masaquit, at tila louag doon sa quinadoroonan, sapagca cun ugain n~g daliri ay ga sungmusunod. Cun ang binibicat ay bata, ay hindi maliuag gamutin; datapoua cun matanda ay malauon bago mauala ang bicat.
259. Ang gamot sa may _bicat_ ay gayon; ang maysaquit ay pupurgahin macalaua touing bouan n~g bilin sa número 21. Datapoua cun minsan nacacasama ang purga. Papambo siyang parati sa tubig na hindi totoong lamig, at houag doon sa m~ga ilog na may malalim na lunas, na dahil doo,i, hindi inaarauan ang tubig. Cacain siyang parati nang _dalandang_ hinog; lalacad siya arao-arao, ó sasacay sa cabayo; houag cumain siya nang marami cun gab-i. Cun babayi ang maysaquit, ay houag magsaquit humabi, ó manahi, ó magdugtong nang _abaca,_ at totoong sama yaon. Houag namang cumain ang maysaquit nang isda, at masama sa ganitong saquit. Cun siya,i, malapit sa dagat ay uminom touing umaga nang isang vasong tubig sa dagat din, na yao,i, isang pinacapurga; at cun malayo siya sa dagat, ang tubig na dinoonan nang asin ay na-aari. Houag siyang cacain nang man~ga cun anoano. Magaling naman sa saquit na _bicat_ ang pag-inom nang tubig na cun bumucal sa lupa ay mainit na, para nang sa bayan nang _Los Baños._ Magaling naman ang pagpambo doon sa tubig na yaon.
260. Ang ganitong pag-aalaga sa catauan cun minsan ay macacauala cun malauon n~g bicat; datapoua bihirang nangyayari yaon. Ang ibang man~ga bagay na nabibilin sa ibang man~ga libro, ay hindi nacacauala noong saquit na yaon. Cun bayuhin mo ang damo na pinan~gan~ganlang _malatinta_ ó _tintatintahan_ ó _tinatinaan_ at itapal sa bicat, ay mauauala. Yaong damong yaon ay guinagamit sa pag-gaua nang _alac_ sa _bigas,_ nang tumapang ang _levadura_. Ang tapal ay papaltang macalaua arao-arao. Ito,i, turo ni P. Santa Maria. Datapoua cun ang maysaquit hindi gungmagaling, ay magpagamot siya sa marunong na médico.
_Ang gamot sa lungmalagui ang liig, na, ang tauag nang castila sa gayong saquit ay_ papera.
261. Sa provincia nang Batan~gan doon sa man~ga bayang malayo sa dagat, ay malimit itong saquit, nang pamamaga nang liig, at marahil dumaan itong saquit sa man~ga babayi. Itong saquit ay hindi maliuag gamutin cun bago; datapoua cun lauon ay hindi na maari.
262. Ang gagauin nang may ganitong saquit ay houag siyang cumain nang marami cun gab-i; houag pumambo sa ilog na ang man~ga lunas ay malalim; at ang man~ga ganoong tubig, sapagca hindi inaarauan ay malamig, at cun sana sa bun~ga nang cahoy, ay man~ga hilao. Datapoua cun ualang ibang mapambohan ay macacapambo rin doon ang tauo, houag lamang tumahan doon nang malauong; sapagca ang pagtahan nang malauon sa man~ga gayong tubig ay yaon ang pinagmul-an nang pamamaga nang liig. Ang tubig nang man~ga ilog na hindi inaarauan ay masama namang inumin; datapoua cun ualang ibang maigban, at capilitang iinumin ang sa gayong ilog, ay mabuti doonan ang tubig nang caunting asin ga calahating taza carami sa isang tapayan. Bucod dito ang liig ay tatapalan nang dahon nang _tabaco_ at _macabuhay,_ na babayuhin muna; itong tapal, ay hindi inaalis sa liig, cundi parating naroon arao at gab-i; macalaua lamang maghapon inaalis, nang mapahiran ang pauis; saca isinasaoli at dinoroonan nang bigquis na hindi louag hindi maigting. Cun bago ang saquit, ay caalam-alam mauauala pagca gauin yaon. Ang maysaquit ay papambo arao-arao, ó macalaua man lamang touing lingo. Datapoua cun yaong gamot na yao,i, hindi nacauauala nang saquit, pag guinaua sa dalaua ó tatlong bouan, ay pahiran ang liig touing icapat na arao nang caunting ungüento nang _mercurio_ ayon sa turo sa número 28. Saca tatacpan ang liig nang isang bigquis na hindi louag hindi maigting. Cun baga naglilintog, ó sinisin~gauan ang lugar na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang _mercurio._ Saca pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong man~ga lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. Ang liig na lungmalaqui, at ang man~ga bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,t, lamasin nang camay, at lungmalaqui pa mandin. Mayroong isa pang pamamaga nang liig sa taguiliran, na ang tauag doo,i, _bayiqui;_ ang gamot doo,i, naituro co na sa párrafo 78.
_Ang gamot sa man~ga bucol na malambot na hindi masaquit, na tinuturang_ lobanillos _nang castila._
263. Bucod doon sa man~ga bucol na sinabi co sa man~ga párrafong natalicdan, ay mayroong isa pang bagay na hindi matigas para nang man~ga _bicat,_ at hindi rin masaquit, na ang pan~galan nang castila doo,i, _lobanillos._ Nagsisisibol sa ulo, sa man~ga camay, sa tuhod, at sa ibang man~ga lugar nang catauan.
264. Ang gamot dito,i, gayon: ang isang malapad na tinga ay itapal doon nang mahabang panahon. Magaling din ang ungüento nang hagunoy ó lantin na bilin sa número 62 N~guni itong man~ga ganitong bucol hindi nacacaano, at cun minsan masamang gamutin.
_Ang gamot sa butlig ó culugo sa uicang castila,i,_ berrugas; _at ang gamot sa bosouang, na ang tauag nang castila doo,i,_ clavos.
265. Maraming bagay ang naigagamot sa butlig at sa bosouang. Ang lalong magaling ay cayurin muna nang sundang ang culugo ó ang busouang, at tapalan nang ungüentong bilin sa número 66, na arao arao papalitan nang ibang bago. Cun baga matatalian ang butlig, ay maigui talian sa puno nang isang buhoc ó sutla nang matuyo at malaglag.
=CAPÍTULO 29.=
_Ang gamot sa sinisin~gauan ang bibig, na ang tauag nang tagalog doo,i, laso ó tola, ó daputac, sa uicang castila,i,_ aftas.
266. Ang pinan~gan~ganlang _aftas, _ay sin~gao nang bibig, na marahil dumaan sa man~ga sangol; at ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayon ay _dinarapulac, _ó _linalaso _ó _tinutula. _Yaong saquit na yao,i, man~ga butil na mumunti, mapuputi, ó ga madilao dilao, na naguiguing sugat na mabibilog, na sungmisibol sa loob nang bibig, sa lalamunan at sa ilalim nang lalamunan; cun minsan naman ay tungmutuloy at ungmaabot hangang sa _baga, _at sa man~ga _bituca _Dinaraanan naman cun minsan noong saquit na yaon ang man~ga matatandang tauo.
267. Itong sin~gao sa bibig cun minsan di man gamutin, ay nauauala; datapoua cun minsan ay nalalagnat, napupuyat at nananab-ang nang pagcain ang nagcacasaquit nang gayon. Ang man~ga sangol ay sungmisigao, at aayo sumuso dahil sila,i, nasasactan nang gatas cun dungmaraan sa bibig.
268. Cun baga malaqui ang lagnat, pati nang pagsaquit nang bibig, at mahirap ang paglon-oc ay sasangrahan sa camay ang maysaquit. Ang ipacacain doo,i, ang linugao. Paiinumin naman nang malimit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang _alagao,_ na dinoonan nang cauntin _salitre,_ ga timbang saicapat sa sampuong tazang tubig Macaapat maghapon, ay paiinumin nang bilin sa número 61, timbang calahating saicaulo ang isang inom, na isasama sa isang cuchara noon ding tubig na pinaglagaan nang alagao. Touing icatlong arao ay pupurgahin ang maysaquit cun matanda nang bilin sa número 58; ó cun aayao siya noon, ay ang sa número 63 siya ang ipupurga sa caniya. Bucod dito ang man~ga sugat ay babasaing maminsan-minsan nang isang caputol na lienzong ibinabad sa gata nang _siempreviva,_ ang lienzo ay tinatalian sa dulo nang patpat. Magaling dito sa saquit na ito (ani P. Santa María) ang tubig ó dagta na tungmutulo sa ouay na pinan~gan~ganlang _talula,_ na yaon ang ibabasa doon sa man~ga sugat ó sa sin~gao nang bibig nang man~ga bata, at bihira ang hindi gungmagaling. Cun minsan ang iquinapagcacasaquit nang man~ga sangol nang gayong saquit ay ang gatas nang nagpapasuso doon. Caya cailan~gang usisain cun yaon cayang nagpapasuso ay guinagalis, ó binubuni, ó cun mabaho ang hinin~ga, ó cun masama ang damdam nang caniyang sicmura; at uala man siyang saquit ay mabuti painumin nang bilin sa número 2, ó nang tubig na dinoonan nang caunting _suca_ ó gata nang dayap; ó nang man~ga cajelada ó limonada número 33.
269. Cun baga hindi sangol cundi matanda na ang sinisin~gauan sa bibig, ang pag-gamot doo,i, para nang pag-gamot sa man~ga sangol, na itinuro co sa párrafo 268 na sinundan nito. Datapoua ang ipupurga doon ay ang bilin sa número 23, at ang ipagmumumog ay ang bilin sa número 19.
270. Cun tila maitim yaong sungmisin~gao sa bibig, at yao,i, casama nang ibang saquit, ó lagnat na malaqui, lalo na cun mahirap ang pacaramdan nang may saquit na parating nagsisin-oc, at dungmoroal, at hindi lumagay, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat ó cahati nang bilin sa número 14; at ang caniyang ipagmumumog ay ang turo sa número 76. At pag nauala na ang sin~gao sa bibig, cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin nang malacas ay purgahin nang bilin sa número 23, at painumin naman nang bilin sa número 12, ó sa número 13, at ito rin ang caniyang ipagmumumog. Cun totoong hindi macalonoc ang maysaquit dahilan sa sin~gao nang bibig, ay ang gatas na tinutubigan ay isama sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa caniya.
=CAPÍTULO 30.=
_Ang gagauin sa nahulog sa mataas ó sa_ _pinalo, ó sa naipit, ó sa nahulog sa_ _cabayo ó sinicaran._
371. Ang man~ga pasa sa catauan gaua nang pagcahulog sa cabayo o sa mataas na lugar, ó dahil sapagca ang may catauan ay pinalo, ó naipit, ay yaong dugong nadoroon sa casangcapang nasactan, na na-bobobo,t, napapacalat sa ilalim, sapagca napupunit ang pinaca alulod, ó ugat na dinaraanang parati nang dugo, at yaon cun minsan ang biglang pagcamatay nang may catauan. Caya marami ang biglang nan~gamatay dahilan sa sila,i sinapoc sa sicmura, na yao,i, ang iquinaputoc nang _pali_ sa loob.
272. Ang magaling sa man~ga pása ay ang man~ga basahang babad sa _suca_, na dinoroonan nang dalauang gayong tubig na malacuco, cun baga matapang ang _suca_. Cun mayroong sugat, ay hindi bagay doon ang suca, cundi ang dahon nang _pandacaqui_, na babayuhin munang maigui bago itapal doon. Magaling pa sa _pandacaqui_ ang dahon nang _hagunoy_ sa binayo. Na-aari naman ang sa número 68. Masama sa ganoong saquit ang _alac_, ang aguardiente at ang man~ga tapal na dinoroonan nang taba, sapagca yaong man~ga yaon ay nacacalapot sa dugo. Ang maysaquit ay paiinuming agad nang bilin sa número 1, na yao,i, magaling pa sa _sapang_, atsa ibang datihan ipinaiinom nang mangagamot sa ganoong saquit; datapoua cailan~gang lahucan nang _salitre,_ timbang saicapat sa apat na taza. Itong ganitong painom ay itinutuloy hangang sa gumaling ang maysaquit. Ang man~ga pasa ay hindi sucat hiuain, sapagca cun gauin ang man~ga turo sa itaas, ay siyang cusang mauauala. Ang maigui namang gauin nang tauong masipag mag-alaga sa caniyang catauan ay gayon. Cun siya,i, pinalo, ó tinamaan nang bato, ó nahulugan nang anomang mabig-at, ó sinicaran nang cabayo, at uala siyang magamit na gamot doon sa oras na yaon, pagcaraca siya,i, umihi ang caniyang ihing mainit ay ibabasa nang ibabasa sa lugar na nasactan; at cun minsan pati saquit ay mauauala pagca guinauang tambing yaon.
273. Datapoua cun mahirap ang lagay nang maysaquit sapagca siya,i, pinalo nang malacas ó malalim ang quinahulugan, at malaqui ang tagupac, ó malaquing bato ang tungmama sa caniyang catauan, ó sinicaran nang hayop nang malacas at dahil doon ay hindi nacaalam tauo pagcaraca, ó siya,i, nalauon lauong tila patay, ó linabasan nang dugo sa _ilong_, ó sa tain~ga, ang gagauin doon, ay sangrahang madali; ang maysaquit ay masamang quibui,t, ugain, at mabububo pa mandin ang dugo, at cun mabig-at ang caniyang ulo, ó siquip ang dibdib, ó cun namamaga ang tiyan, ang cahulugan noon ay may nabubong dugo sa ulo sa dibdib ó sa tiyan. Cun totoong cailan~gan ang pagsasangra, nang magyaring cunan nang maraming dugo; saca gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 272 na sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao-arao ang bilin sa número 5 ó 6 Cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, ó sa tiyan, ó sa bay-auang, ó sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang _palay,_ ó linugao lamang. Ang boong catauan nang maysaquit ay mabuti doonan n~g damit na babad sa tubig na sinucaan; at cun baga ang saquit ay nadoroon sa ulo, ay houag basain nang suca, cundi nang _alac_ sa misa na tinubigan. Pag nacaraan ang ilang arao, ay magaling purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 11 ó 23, ó 32, ó 49. Cun minsan ang maysaquit ay magaling-galing sa man~ga unang arao nang masangrahan. Saca cun nacalalo ang ilang arao, ay sungmasama uli ang pagcaramdam, at ang pulso,i, tungmitigas; cun gayo,i, cailan~gang sangrahang uli. Cun ang nasactan ay tauong matanda na, cun siya,i, malacas pa, at marugo, ay cailan~gang sangrahan, nang macunan n~g ga timbang tatlo, ó apat na pisong dugo. Ang ipaiinom doo,i, ang bilin sa párrafo 272. Cun ualang marunong sumangra, ay ipacagat sa linta ang piling nang lugar na nasactan. Itong pagcuha nang dugo ay totoong capilitang gauin agad dito sa saquit na ito; at pagca nacunan na nang dugo ang maysaquit, ay caalam-alam totoong daling guminhaua ang caniyang pagcaramdam. Maraming tauo ang sinibulan sa loob nang catauan, at nan~gamatay nang biglang pagca matay dahil sa pinabayaan ang saquit, at hindi tambing guinamot.
=CAPÍTULO 31.=
_Ang gamot sa masaquit ang camay ó paa, dahil sa narapilos ang may catauan ó cun nagcasala ang caniyang pagdampot nang anoman, na ang tauag nang castila doo,i,_ relajación ó recaldura; _at ang gamot naman sa may lungmingsad na buto: ang tauag nang castila doo,i,_ dis locación ó luxación.
_Nota._ Cun minsan dahil sa narapilos ang tauo, ó dahil sa siya,i, nahulog, ó binatac ang caniyang paa ó camay, ay sungmasaquit yaong man~ga casangcapang yaon; at caya gayon, sapagca napacabanat ó napacaunat ang litid. Cun minsan namamaga naman ang casangcapang nasactan. Ang gamot doon ay gayon. Ibababad pagdaca ang paa ó camay na nasactan sa malamig na tubig. Saca cumuha ca nang dalauang puti nang itlog (houag ang pula) at ihulog mo sa pingan ó planchang _estaño._ N~gayon ang isang caputol na _tauas_ iyong icuscos nang icuscos sa pingang _estaño_ na may puti nang itlog; pagca malapot na ang puti nang itlog; ay yari na ang ungüento. Maglatag ca nang caunti noon sa isang damit, at itapal mo sa masaquit, na yao,i, gagauin mong macalaua maghapon. Itong mabuting gamot ay turo ni Rozier. Hindi ma-aari ang pingang tinga, cundi ang _estaño_ yaon bagang inahihinang sa _hojas de lata._ Caya magaling ang maghanda ca nang isang plancha noon, at itago mo sa bahay.
274. Ang man~ga dulo nang buto nang tauo ay mabilog ó masubong na sungmusoot, at pungmipihit sa hucay na mabilog din at malucong; at cun ang mabilog na dulo nang buto, ay ungmaalis doon sa hucay na dating quinasosootan, ang pan~galan sa ganoon ay lungmingsad ang buto. Cun gayon ay cailan~gang isaoli agad ang buto doon sa caniyang lugar, sapagca cun pinabayaan nang malauong panahon ay hindi na maisaoli, at ang hucay na talagang pipihitan noon, ay nagcacalaman, at caya hindi na maaring sumoot doon.
275. Pag nasaoli na ang buto sa caniyang lugar, ay cailan~gang tapalang parati ang casangcapang nasactan cun namamaga pa nang damit na babad sa tubig at _suca;_ at pagca nauala na ang pamamaga ay samahan nang caunting _aguardiente._ Saca bibigquisang maigui, at houag quiquibuin nang mahabang panahon. Na-aari rin ang _puti_ nang _itlog_ at ang inciensong binayo na hinahalo capoua, at itinatapal sa masaquit.
276. Bago isauli ang buto sa caniyang lugar cun baga lauon nang lungmilingsad, ay namamaga yaong casan~gcapang nasactan, ay sasangrahan ang maysaquit bago tapalan nang _tinapay_ na durog at _suca,_ na ito,i, gagauing ilang arao, bago atuhin ang pagsasauli nang buto sa caniyang lugar. Ang pag-gaua nito,i, hindi lubhang maliuag, babayi man ang umato. Binabatac lamang nang dalaua catauo ang dalauang casangcapang pagtatamaan, at saca ang isang tauo ay caniyang pinatatama ang dulo nang buto sa caniyang susuutan; cun minsan ay hindi cailan~gan ang tatlo catauo, at na-aari ang isa, cun maalam alam humipo,t, tumin~gin. Cun baga hindi lamang lungmilingsad ang buto cundi nabali pa, ay gagamutin muna ang pagcalingsad, bago gamutin ang pagcabali. Ang gaua nang tagalog sa ganitong saquit ay ipinahihilot sa marunong ang casangcapang lungmingsad; datapoua maliuag gumaling sa ganoong paraan, cun yao,i, lungmingsad na totoo.
_Ang gagauin cun lungmingsad ang sihang._
277. Ang maysaquit ay pinalulucloc sa sahig nang bahay, at ang gungmagamot sa caniya,i, lungmalagay na tindig sa licod nang maysaquit; ipinapasoc sa bibig nang maysaquit sa ibabao nang bag-ang ang dalauang hinlalaqui nang camay, at ang ibang man~ga daliri inilalagay sa ilalim n~g sihang; pagca gayon na ang taya nang dalauang camay nang gungmagamot, ay idiniriin ang sihang na pailalim, at sa dacong licod n~g maysaquit, hangan sa sungmoot sa lugar niya. Saca tapalan nang turo sa párrafo 275.
_Ang gagauin sa lungmilingsad ang cayang liig._
278. Cung lungmingsad ang liig nang tauo, ay mamamatay pagcaraca, cundi gamuting madali; caya ang gagauin doo,i, pahihigain nang patihaya sa sahig, at ang mangagamot ay lulucloc doon din sa sahig sa ulunan nang maysaquit; saca hahauacan nang caniyang dalauang camay ang ulo nang maysaquit, at pagcaraca caniyang babataquin, at pipihitin nang caunti nang mangyaring tumama sa datihang quinasusuutan. Saca tapalan nang bilin sa párrafo 275.
_Ang gagauin cun lungmingsad sa dacong quiliquili ang isang bias nang camay,_
279. Cun minsan ang isang bias nang camay, yaon bagang buto na nangagaling sa balicat na patuloy sa sico, ay ungmaalis doon sa dating quinadoroonan. Ang gagauin cun gayon, ay tatalian ang camay sa ibabao nang sico, at hihilahin nang dalaua catauo ang magcabilang dulo nang tali; ang maysaquit ay pinalulucloc sa lupa, ó sa sahig nang bahay. Saca ang gagamot doo,i, cucuha nang isang servilleta, ó paño man; na pararaanin sa ilalim nang camay nang maysaquit, at ang dalauang dulo nang paño ay bubuhulan. Ang gagamot sa maysaquit, ay isusuot ang caniyang ulo hangan liig sa loob nang paño, at cun hungmihila yaong dalaua catauo, ang mangagamot ay itinataas na magpilit ang caniyang ulo; at cun gayo,i, madadala niya tuloy paitaas ang camay nang maysaquit, at saca itinutulac niya nang camay ang dulo nang butong lungmingsad, at pinatatama sa caniyang hucay sa dacong balicat. Cun ang maysaquit ay bata ó babaying mahina, ang isa catauo lamang ay macacapagpaanyo nang butong lungmingsad; hinihila lamang nang caniyang isang camay yaong butong sala, at ipina-aanyo tuloy noong isang camay. Magaling naman (ani D. Martín Martinez) palucluquin ang maysaquit sa isang luclucang mababa, parang latoc sa halimbaua; pag-gayon na ang taya nang maysaquit, ay tatalian sa ibabao nang _sico_ nang isang malapad at matibay na tali yaong caniyang camay na sala sa isang baytang nang isang hagdan; saca inaalis ang luclucan, at pag pinatalon ang catauan nang maysaquit, ay magsasaoli ang buto sa caniyang lugar. Saca tatapalan nang bilin sa párrafo 275.
_Ang gagauin pag lungmingsad ang camay sa sico, ó sa galang-galan~gan, ó ang man~ga daliri nang camay, ó cun lungmingsad ang paa doon sa tuhod._
280. Cun ang camay ay lungmilingsad at ungmaalis doon sa caniyang quinasosootan sa sico ó sa galang-galan~gan, ó cun lungmilingsad ang paa doon sa tuhod, ó cun nagcacasala ang man~ga daliri nang paa ó camay, ang guinagaua doon, ay hinihila lamang, bago patamain sa lugar ang butong nagcasala; saca tinatapalan nang bilin sa párrafo 275.
_Ang gagauin cun lungmingsad ang buto nang hita._
381 Cung ang buto nang hita ay lungmilingsad sa dacong pig-yi at ang paglabas nang buto ay sa licod nang may catauan, ay ungmiicli ang paa, at hungmaharap nang caunti sa loob; datapoua cun ang paglingsad nang buto ay sa harap, ang paa ay hungmahaba, ang tuhod ay cungmiquiling, at ang paa ay hungmaharap sa dacong labas.
282. Cun ang buto nang hita,i, lungmingsad sa licod nang may catauan, ay cailan~gang parapain ang maysaquit, at talian ang hita sa dacong ibabao nang tuhod nang isang malapad at matibay na tali. Saca hihilahin ang man~ga tauong catulong sa magcabilang dulo nang tali, at ang mangagamot ay caniyang patatamain ang dulo nang buto sa caniyang lugar. Datapoua cun baga ang paglingsad nang buto nang hita ay sa harap nang may catauan, ay pahigain nang patihaya ang maysaquit, saca hihilahin nang malacas ang buto at isasaoli sa caniyang totoong quinalalag-yan. Saca tapalan nang bilin sa párrafo 275.
=CAPÍTULO 32.=
_Ang gagauin sa tauo na may butong nabali, at sa nabasag ang ulo._