# Ang Katipunan

## Part 2

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/ang-katipunan-14205/index.md

At cun di matacot silang calahatan sa aquing calicot na cahahañgaan ito namang cuaco siyang sususuhan hangang sa umalis at mañgagtacbuhan.

DÁMASA.--(_Papasoc ng papatacbó at acay ang mga bata_) Dañgan ito! (_babatucan si Chito_)

CHITO.--¿Baquin?

DÁMASA.--Dahil cay Cundendeng at cay Lusinong nagtago sa bañgin na di mailayo at casiping-siping tulad sa pistola at sa pasang pusil (_Si Chito ay mapapatañga_)

Sa pagcahiga co sa pinagtaguan aquing naquiquita lahat ng mag daan caya n~ga marami ang dami ng hilang ng mga sundalong pauang sandatahan.

Sa bagay na yaon aco'y umaasa di na mabubuhay, di na magquiquita n~guni si Lusino ang na ala-ala cung aquing maiua'y ¡pano caya baga!...

CHITO.--¡Si Lusino! ¡at si!... (_taua_) caya di lumapit sa inyong mag ina na na sa pañganib dahil cay Cundendeng sininta ng labis at di mailayó sa caniyang titig.

Caya ñga cagabi siya ang casama at doon nañgubli sa puno ng manga at pagcacamulat ng canilang mata ang unang ininom ay gatas ng vaca.

DÁMASA.--Tunay ñguni baga ang iyong sinaysay

DORAY.--¡Aba! oo!... aba! at sa catunayan hindi naquihamoc ng nag puputucan, cami ni Kalintong ay pinabayaan.

Caya ng maubos ang aming municion aming hinahanap laguing liniliñgon yaong si Cundende ang cacandong-candong pagcat umi-iñget at luluñgoy-luñgoy.

ICALIMANG DIGMA

Sila rin.

KALINT.--(_Papasoc ng papatacbo_) ¡inyo ñgang tanauin mga casi't ibig at tila caauay itong nagbabalic.

DORAY.--¡Jesús co!

DÁMASA.--Jesus co! anong masasapit naming mag-iina?... ¡mataas na lañgit!...

DORAY.--¡Huag cang maiñgay!--¡huag cang cumibo!... ¡aquing tanauin! ... (_tutuntong sa isang bato_).

DÁMASA.--(_Magugulat_)--¡Cami'y mag tatago sa gubat, sa bañgin at sa dacong hulo ng bañgin ñgang itong maraeng lagulo!

DORAY.--¡Halica at hindi!... at ang na sa una ang iyong Lusino at ilang casama na pauang may pasang pusil at sandata at ang iba naman bitbit ay muhara.

DÁMASA.--Salamat cun gayon.

ICAANIM NA DIGMA

Papasoc si Lusino at si Beteng ay naca mambisa.

JOSEFO.--(_sa cay Lusino_)--¡Catoto't caibigan! mula sa malayo'y aquing natanauan sinta mong asaua ay na hintacutan sa mga sacuna at ating pagdatal.

LUSINO.--¿Cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay hindi mahapis?

JOSEFO.--Marahil malunos at sucat maamis ang puso't panimdim na calong ng dibdib.

LUSINO.--¡Cung gayo'y ilihim!... ¡huag isalita ang boong nangyari sa lilim ng lanca.

ICAPITONG DIGMA

Si Dámasa'y dudulog cay Lusino at cay Kalingtong

DÁMASA.--¡Catoto at casi!... ¡batis ng biyaya ¡aco ay haguisan ng ilang balita!...

Ng tungcol sa digma na nacalingatong sa parang at bundoc at loob ng nayon na dili umano cayo'y nañga gahol at nañgahirapan ... caya nag si urong.

Sa bulaos, sapa at ibang cublihan ng usang mailap na tubo sa parang caya may nagtago sa gubat-gubatan at lubhang pañganib nasapit ng buhay.

LUSINO.--Cung yao'y totoo! ñguni ng magalit ang lahat ng cawal ay muling nag balic at saca hinabol ang mga balauis hangang sa S. Juan sila'y inihatid.

At sa catunayan ay aquing nacuha reló ng capitan, at sable ni Peña gayon ang patupat, mariquit na pipa saca ang bursigueng macapal ang suela.

BETENG.--Lahat mong sinabi'y ualang cabuluhan sa aquing na cuha na sadyang mainam tigni at mambisa ang na sa catauan puno ng galletas ibang cabuhayan.

Ang lahat ng bulsa na paliguid-liguid sa aquing catauan ay siguic na siguic tignan at may lata, tinapay, matamis at may medalla pang sa dibdib pang sabit.

Bucod pa ang pipa, itso't cigarillo tabacong _Insular_ at anis del mono bucod ang salapi at papel de Banco bucod ang peseta't bucod ang mamiso.

DÁMASA.--Cung gayon catoto aco'y balatuhan ng mabibili sa pabañgo,t, suclay saca sa banquete postiso,t, pamaypay.

BETENG.--Ayaw aco, ayaw!

DÁMASA.--Aco'y iyong bigyan.

BETENG.--Ayaw aco, ayaw!

LUSINO.--Bigyan na

KALINT.--Bigyan na

BETENG.--Bigyan co ng ano

LUSINO.--Bigyan mo ng cuarta

BETENG.--Ayaw! ayaw! ayaw aco

LUSINO.--Ayaw ca ñga ba

BETENG.--Aba at nagalit ... toma!

DÁMASA.--Ayaw co na.

(_Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na_)

ICAWALONG DIGMA

Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Tomás ang mañguñguna sa caramihan ng mga bahay na na sa itaas.

RICO.--Tomás! (_Hindi madidiñgig_)

PEÑA.--Tomás! (_Sasagot mula sa malayo_)

TOMÁS.--Señor! (_saca lalapit_)

PEÑA.--¿Cañginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa caliua at na sa sa canan?

TOMÁS.--Sa cay Juan Haring quilala ng tanan.

Isa'y alilisan malaquing camalig dalawa ay bañgan ng palay at guilic caya ñga sagana ang mga himacaic at di magugutom cahit ang masapit.

Abutin ng buan, bumilang ng taon at gumala-gala sa bañgin at burol.

PEÑA.--Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy ng ualang siluñga't di macapag pulong. At ualang macain sa bundoc at parang ang mga himacsic lilong katipunan.

RICO.--Hayo na ... suluñgi!

TOMÁS.--Cung gayon ang saysay sa isang pósporo sunog na ñgang tunay (_bubunutin ang pósporo at saca lalacad_)

RICO.--Maghintay ca! Tomás! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di na maquita ang iyong urilat at bacas ng paa.

TOMÁS.--Di po na gulubat ng sa gayong lamang.

RICO.--Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng sundang.

TOMÁS.--Capag sa castila ay mahihiualay.

Aco'y matatacot sa magcacapatid noong katipunan na pauang balauis na uala ñgang gaua sa parang at buquid cung hindi mag nacaw at mag-umit-umit.

Dañgan at ang culay tunay na tagalog di maicaila at dito sumipot tatalicdan co na't itulad sa hayop tanang cababayan na pauang balacyot.

Caya ñga po aco'y nagcacamit hiya tauaguing tagalog, tubo sa Maynila.

RICO.--Cun gayon ay ¡Bravo! (_tatapiquin_)

PEÑA.--(_tatapiquin_)--Uala cang camuc-ha!

RICO.--¡Bravo! ¡bravo!

PEÑA.--¡Bravo! ito ñga ang bata

RICO.--Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at tacsil.

(_Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni tininteng Isiong at ilang capit bahay_)

ICASIYAM NA DIGMA

Samantalang sinusunog.

JUAN.--Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic ng mga sucabang mahiguit sa ganid.

Quinuha sa caban cuartang naiipon ang guinto'y sa pitac noong aparador ang papel de Banco ay sa isang cahon at ang mga pilac sa lalagyang baul.

At saca sinunog damit na pangbahay hinacot ang bigas na na sa bigasan ang bañga'y inabó, at sa alilisan hinacot ang pilon ng mga asucal.

Saca ang calabaw, buo't mga guya sa buquid at parang nag laboy, nag-gala hinuli, inacay at ang boong nasa iowi sa bayan, dalhin sa Maynila.

ISIONG.--Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing ng corona.

GORIA.--Di magcacagayon cun ang nañguñguna na tenienteng Tomás ... (_aagauin ang pagsasalita_)

JUAN.--¡Sucat na! ¡sucat na!...

Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin abuhin ang bañga't calabaw'y lipulin cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil lahat ng lalaqui huli't patayin.

Caya ñga nag tago lalaqui sa bahay cumubli sa galás at gubat-gubatan ng hindi abutin ng mga sucaban na sadyang humanap ng icabubuhay.

GORIA.--Sa bahay co naman guinanang pagpanhic aquing mga carmen na na sa sa liig dinurog, linuray, pinagpunit-punit gayon ang estampang sa dinding nag sabit.

Saca ng macuha ang aquing postiso sa pinit ng silid, maliit na cuarto guinuso't guiniic saca ibinató sa dapugang calan na punó ng abó.

Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa blanquete co naman ang siyang nacuha at inahilamus sa mukha at taiñga at di co malaman ang naguing figura.

ICASAMPUONG DIGMA

Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang.

URBANO.--May apat na puo calabaw na acay si tiniente Tomás ang na sa unahan.

GORIA.--Ayun ñga ang mga ... (_Ituturo_)

JUAN.--(_Ituturo din_)--At nag tatauanan dahil sa marami canilang na nacaw.

ISIONG.--At may naaancás na maraming saco ng palay at bigás, darác, ipá't abó at ang madaanang guya, bulabó't aso ay inaacay din at itinatacbo. (_Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig_)

JUAN.--Ang lahat ng bagay ating matitiis sa pagcat linoob ng nunuñgong lañgit subali capagca Dios ang nagsulit na magbubunga na mabuig na lansones.

Tanda't mag-aani sa nayon at bayan ang magcacapatid nitong katipunan saca magsisisi ang lahat ng hunghang gaya niyang lilong ating cababayan.

At pacaasahang ualang pagbubula itong sasabihin sa bató itaga yamang di nasupil ng mga castila ang bugsong nagdaan na camunsing baha.

Di na maa-auat ang baha ng dugo hangang sa umapaw sa luasan at hulo at ang kalayaan na nasa ng puso di na masusupil sa caniyang paglago.

Caya cun ang aquing bañga't alilisan inabó't sinunog ng mga sucaban at ang pag aari sa loob ng bahay quinuha, guinagá at canilang sinamsam.

Hindi isasama niyaring aquing loob at di dadalawin camunsi man lungcot at cahit inacay ang lahat ng hayop at quinacain pa ñga ang itlog ng manoc.

Ñguni ang puso co'y walang pagpalagyan galit sa nagnacaw na mga sucaban caya ñga ... caya ñga ... ang subali lamang ang canilang samá ay baka tañgisan.

O caya'y magsisi araw cung dumating ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil sa pagcat di taus sa puso't panimdim ang guinaua nila na nacalalaguim.

Laman ng catauan higuit sa quinurot at di mangyayaring malibing sa limot baca ang masapit matimbang sa hayop ang canilang buhay na iimbog-imbog.

ISIONG.--Sa aquin mga bulo dapat mag alala si Rico't si Tomás capua palamara pagca't ang panaho'y di maquiquita cun saan hihimpil at saan hahanga.

URBANO.--Gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa tahanang cubo.

GORIA.--Gayon din sa aquing blanquete'y postiso na sinunog nila at guinauang abó.

JUAN.--Caya ang marapat huag ng habulin lahat ng ninacaw guinagá sa atin itac na mahaba ang siyang alamin ng upang idiglay canilang quinain.

URBANO.--Cung gayon ang uica ¡abata casuyo! atin ng idamay dalisay na dugó sa mga himacsic na sadyang nag bubo ng yaman at buhay na pamimintuho.

Sa nasang maalis sa caalipinan at hañgad tamuhin yaong kalayaan na atas ng Dios sa tauong sinoman at cahit cañgino na caniyang quinapal.

=Uacas nang ikatlong kasulatan=

End of Project Gutenberg's Ang Katipunan, by Gabriel Beato Francisco

