# Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

## Part 8

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/ang-bagong-robinson-tomo-1-20858/index.md

Iquinapipighati niya ang pagcagunitâ na ang laman nang pagong, na macacain niya hangang man~ga ualong arao at mahiguit pa, ay hindi na macacain pagdating nang apat na puong oras; datapoua,t, naisipan niya ang paraan nang pagaasin. Ang balat sa licod ó talucab nang pagong ay magagauà niyang sisiglan nang pagaasnan. Datapoua,t, ang uicà niya,y, ¿saan aco cucuha nang asin?... ¡Ah, pagcahan~galhan~gal co! aniya. ¿Sinong macapagaalis sa aquin na busan co nang tubig na maalat sa dagat ang laman nang pagong, at ito,y, para ring inasnan? ¡Mabuting caisipan! ang uícà niya; at sa malaquing catouaan sa pagcaisip niya, ay lalo siyang lumicsi nang pagiihao.

Sa catapusa,y, nang malutò na ang capiraso nang pagong, at maticman na niya ang casarapan, ay nagbuntong hinin~ga at naguicà nang ganito: «¡Oh cung aco,y, magcaroon sana nang capirasong tinapay! ¡Pagcahan~gal co niong aco,y, batà, na di co natatalastas na ang capirasong tinapay ay isang daquilang biyayà nang lan~git! Di co pa iquinatotoua niyon ang tinapay lamang, cung ualang cahalong mantequilla ó queso, at n~gayo,y, aariin cong isang malaquing caparalaran, cung magcamit aco nang maiting na tinapay na ibinibigay sa asong nagbabantay sa halamanan.»

Sa pagiisip niya nito,y, naalaala niya ang man~ga patatas na caniyang iniuan sa umaga sa ilalim nang abó. Tingnan natin, aniya, cung ano ang labas; at cumuha nang isang patatas. ¡Bagong caligayahan, at bagong capalaran niya! yaong matigas na bun~ga nang cahoy na matigas ay lumambot at totoong masarap ang amoy nang biyaquin niya, na di na pinagtingnantingnan, at caniya nang isinubò, at naticman niyang totoong masarap.

Magmulà na niyaon ay natalastas ni Robinson na ang bun~gang yaon, bagama,t, nacucuha sa bundoc, ay magagauà niyang parang tinapay.

Quinain na n~ga niya; sa pagca,t, ang sicat nang arao ay totoong masaquit, ay naghilighiligan siyang sandali sa caniyang hihigan, at pinagcurocurò niyang magaling cung ano ang caniyang magagauà, capag nagbauas na ang init nang arao. Totoong cailan~gan, aniya, na hintin cong mabilad sa arao nang tumigas ang aquing man~ga ladrillo, at aquing pasisimulan ang pagtatayô nang pader. Samantala,y, aco,y, lalabas nang panghuhuli nang isang man~ga dalauang hayop na llama. Datapoua,t, ¿anong gagau-in co sa totoong maraming lamang cati? Ang dapat cong gau-in ay aquing tapusin ang cusina co, at nang aquing mapausucan ang anomang ibig cong itingal. ¡Mabuting caisipan ito! ang uicà niya; at caracaraca,y, nagban~gon sa hihigan, napatun~go sa talaga niyang gagau-ing cusina, at nang mapagacaacalà niya doon ang lalong mabuting paraan nang masunod niya ang caniyang ninanasà.

Hindi naglao,t, caniyang natalastas na ang bagay na yao,y, caniyang magagauà; sa pagca,t, bucsan lamang ang pader na caniyang itatayò nang dalauang butas, at isulot niya sa dalauang butas na yaon na magcatapat ang isang cahoy na mahabà, ay ualang caliuagang maisasabit niya ang lamang cating ibig niyang paasuhan, at dahil dito,y, yari na ang chimenea. Dapat na ninyong maacalà na dito sa bago niyang naisipan ay totoo siyang natotouà. Ibibigay niya cahit anoman, houag lamang di tumigas agad ang caniyang man~ga ladrillo, at nang caracaraca,y, mapasimulan na niya ang daquilang bagay na caniyang binabantà. ¿Datapoua,t, anong dapat niyang gau-in? Ang magtiis hangang sa tumigas ang caniyang man~ga ladrillo sa init nang arao, at samantala,y, humanap siya nang sucat magauang paquiquinaban~gan sa hapong yaon.

Sa bagay na ito,y, nagcurocurò siya, at nungò sa caniyang pagiisip ang isang bagay na totoong malaqui sa lahat at siya,y, nagtaca sa caniyang cahan~galan at di niya naisipan agad yaon.

Si Juan. ¿At ano pô yaon?

Ang ama. Ang magalilà sa bahay nang ilang man~ga hayop, na di lamang gagamitin niya sa pagcain cundi naman maguing casama niya.

Si Teodora. ¡Ah! ¿Di pô baga yaong man~ga hayop na tinatauag na llama?

Ang ama. Totoo n~ga: sa pagca,t, yaon lamang ang man~ga hayop na caniyang naquita doon. Sa pagca,t, totoong maaamò ay inacalà niyang hindi siya magcacapagod na humuli nang dalauang buháy.

Si Teodora. ¡Totoong mariquit na bagay! at ibig cong macasama niya, at nang macahuli pa nang dalaua nang man~ga hayop na yaon.

Ang ama. ¿Datapoua,t, ano ang gagau-in mong paraan nang macahuli cang buháy nang man~ga hayop na llama? sa pagca,t, hindi natin dapat na acalain na totoong maaamò na napahuhuli sa camay.

Si Teodora. Cung gayo,y, ¿paanong gagau-in ni Robinson sa paghuli sa canila?

Ang ama. Diyan naririyan ang cahirapan; at ito ang pinangugulan niya nang matagal na pagiisip ó pagcucurò. Datapoua,t, capag ang tauo,y, nagaacalà nang isang bagay na may capangyarihang mayari, ay ang pagpipilita,y, ang catiyagaan at pananatili, sa pagca,t, sa catapusa,y, tatalunin niya ang lahat nang caniyang pagiisip at casipagan. Totoong daquilà ang capangyarihang ipinagcaloob sa atin nang maauaing Cumapal sa atin.

Talastasin ninyo ito; cailan ma,y, houag cayong magaalinlan~gan at malulupaypay ang inyong loob sa anomang bagay na inyong gagau-in, cahit anong hirap, houag lamang di ninyo pagtiticahang matibay hangan sa di ninyo maquitang matapus. Ang casicapan, ang laloong pagcucuro, ang catibayan nang loob, ay siyang iquinayayaring madalì nang man~ga bagay na sa unang paggauà ay inaacalang di mayayarì. Cailan ma,y, houag ninyong pahihinain ang loob, cahit anong cahirapan ang nacahahadlang sa anomang bagay na ibig ninyong gau-in; cundi acalain ninyo na cung lalong malaqui ang pagpipilit na quinacailan~gan sa paggauà nang anomang bagay, ay lalong malaqui ang caligayahan na inyong cacamtan cung maquita ninyong matapus na.

Ganito n~ga ang guinauà ni Robinson nang macatagpò nang paraan sa paghuling buhay nang man~ga hayop na llama; at ito,y, ang paghahandà nang isang silò, magtatagò siya sa alin mang cahoy, at ihahaguis niya ang silò sa unang hayop na lumapit sa caniya.

Dahil dito,y, guinugol niya ang ilang oras sa paggauà nang isang lubid na may catibayan; at nang maicanà na ang silò na cung hilahin ay maghihigpit, ay tinicman niyang madalas at nang caniyang maalaman cung mabuti na, at dumadagusdos cung hilahin.

Inaacalà ni Robinson na malayò ang caraniuang iniinoman nang man~ga hayop na llama, at sa pagaalinglan~gan niya na hindi lalapit nang batis sa dacong hapon, sa pagca,t, cailan man ay hindi niya naquiquitang naparoroon cundi tanghali lamang, ay inaliban ang caniyang paglabas sa icalauang arao, at ang caniyang guinaua,y, naghandâ nang lahat nang babaonin sa paglacad. Sa macatouid baga,y, naparoon sa lugar na quinaquitaan niya nang patatas, at pinunò niya ang caniyang supot. Ang iba,y, ibinaon niya sa abó, at inilagay niya ang natira sa isang suloc nang caniyang yun~gib, at nang caniyang macain sa man~ga arao na susunod. Bucod dito,y, pumutol pa nang capirasong laman nang pagong, na caniyang cacanin sa hapunan at sa quinabucasan nang umaga, sacá dinilig nang tubig sa dagat ang natira nang laman nang pagong.

Pagcatapus ay humucay sa lupà; doon inilagay ang talucab nang pagong na quinasisidlan nang lamang inasnan; sa ibabao inilagay ang capirasong inihao na cacanin sa gabi, at tinacpan nang man~ga san~ga nang cahoy ang bibig nang hucay na yaon.

Nang mangyaring malibang ang caniyang loob, ay nagpasial siya sa tabi nang dagat, na doo,y, masarap ang hihip nang han~gin na nacapagbabauas sa malaquing cainitan.

Minamalas niya ang calauacan nang dagat, at iquinatotouâ niya ang pagcaquit nang mahihinhing alon, na marahang naghahalihalili, ay bahaguia na lamang nagagalao ang capatagan nang dagat. Datapoua,t, nang maibaling ang man~ga matá sa lugar na quinalalag-yan nang caniyang bayang ninanasang sapitin ay natulò ang caniyang luhà sa matá, at nanariuà ang pagcagunità niya sa caniyang man~ga iniibig na magulang. «¿Anong guinagauà caya n~gayon, ang uicà niyang lipos nang capighatian, anong guinagauà caya nang man~ga magulang cong ualang caaliuan? Cung hindi namatay sa carahasan nang mapait na capighatiang ibinigay co sa canila, ¡laquing calungcutan ang canilang quinasapitan! ¡laquing pagbubuntong hinin~ga sa di pagcacaroon cundi iisang anác, at ang anac na ito na tantong iniibig nila, ay nagasal nang totoong masamâ, na nacapan~gahas iuan sila! Patauarin ninyo, mapalayao cong man~ga magulang, patauarin ninyo ang palamara at naualà ninyong anac, na nagbigay sa inyo nang labis na capighatian. At Icao, mapagpalang Maycapal, nacaisaisa cong Ama, at nacaisaisa cong casama sa iláng na ito, at tagapagcupcop at caaliuan co, hulugan mo ang man~ga iniibig cong magulang nang iyong man~ga mahalagang biyayà, at nang lahat nang man~ga capalaran at caguinhauahang itinatalaga mo sa aquin, at dahil sa casucaban co,y, di aco naguing dapat tumangap nang man~ga biyayang yaon; ipagcaloob mong lahat, Pan~ginoon co, sa icaguiguinhaua nila, nang mabayaran ang man~ga capighatian na dahil sa aquin ay canilang dinalitâ. Magcapalad nauà sila, yayamang sila,y, ualang casalanan; at sa pagca,t, aco ang sucaban ay titiisin co nang boong pag-ayon sa iyong calooban ang man~ga capahamacan, na sa icapagbabago cong asal ay iniibig ipahatid sa aquin n~gayon nang di malirip mong carunun~gan.»

Sa murang balat nang isang cahoy na nalalapit sa caniya, ay iguinuhit nang sundang ang man~ga cagalanggalang na n~galan nang caniyang ama at ina, tumutulô ang luhang caniyang hinahagcan, at ganito rin naman ang guinaua sa ibang punò nang cahoy na caniyang sinusulatan nang n~galan nang caniyang man~ga magulang, na ang nasà niya,y, maalaala sa lahat nang oras.

Si Teodora. Si Robinson ay totoong naguiguing mabuting tauo. Tingnan pô ninyo,t, n~gayo,y, tila panahon na na siya,y, han~goin nang Dios sa man~ga cahirapan sa pulong yaon, at siya,y, dal-hin sa bahay nang caniyang man~ga magulang.

Ang ama. Ang Dios lamang na nacatatalastas nang lahat nang bagay, at nacaalam nang nararapat cay Robinson, ay siyang magtatalaga nang maguiguing capalaran niya. Ang man~ga nangyari sa binatang ito, ay siyang parang nagpunlà sa caniyang puso nang binhi nang cabanalan; datapoua,t, ¿sinong nacatatalastas, cung ang man~ga ibang bagay ay macasasamang muli sa caniya? Cung n~gayo,y, macaaalis sa pulô, cung macapagbabalic na muli sa bahay nang caniyang man~ga magulang, ¿sinong macatatalastas cung ang isang masamang halimbauà, ó ang man~ga caguinhauahan at man~ga catamasahan, ay macapagpapasamang muli nang caniyang man~ga caugalian? Tunay n~ga, man~ga anac co, yaong cahatulan na: ang nacatayo,y, magin~gat nang houag marapâ.

Habang si Robinson ay nagpapasial, para nang sinabi co na sa tabi nang dagat, ay naisipan niyang mabuti ay maligò, yayamang siya,y, batà pa ay natutong luman~goy. Hubad siya; datapoua,t, ¡gaanong laqui nang caniyang panguiguilalas nang maquita niya ang lagay nang caniyang barò, at baquit ualà na cundi yaon lamang! sa pagca,t, siyang nacasoot sa caniyang mahaba nang arao, baquit totoong mainit sa pulòng yaon, ay hindi na maquilala cung ano ang culay. Linabhan n~ga niyang mabuti bago siya naligò; iniyangyang niya sa isang cahoy, at nang matuyò, bago lumusong siya sa tubig.

Luman~goy siyang napatun~go sa isang pulò na lumilitao sa dagat, at cailan ma,y, di pa niya dinarating.

Ang pagpatun~gong ito ni Robinson sa pulòng yaon ay totoo niyang pinaquinaban~gan; sa pagca,t, natalastas niya na sa man~ga oras na pagsulong nang tubig ay lumulubog ang pulòng yaon, at sa pagurong ay naiiuan doon ang maraming man~ga pagong, man~ga talaba, man~ga cabibi at iba pang macacain. Ualà siyang hinuling anoman nang arao na yaon, at niyon naman ay di niya quinacailan~gan. Sa pagca,t, niyon ay saganà siya; datapoua,t, iquinatouà niyang totoo ang pagcatalastas nito.

Ang pulòng yaon na caniyang linalan~guyan, ay totoong masaganà sa isdâ, na halos ay caniyang mahuli sa camay; at cung mayroon siyang lambat, ay sucat macahuli nang isang libo mang isdâ. Totoo n~ga,t, ualà siyang lambat; datapoua,t, sa pagca,t, siya,y, totoong mapapalarin sa lahat nang caniyang guinauà magpahangan n~gayon, ay inacalà niyang sa calaunan nang panahon ay matutumpac siyang gumauà nang isang lambat na ipan~gisdâ.

Malaqui ang caniyang touà sa man~ga bagong bagay na caniyang naquita, umahon na nang macatapus na siya,y macapaligò na mahiguit na isang oras; at yayang tuyò na ang caniyang barò dahil sa hihip nang han~gin, ay isinoot niyang maligaya, sa pagca,t, niyon lamang nagcaroon siya nang malinis na damit.

Datapoua,t, sa pagca,t, nagaui na siya sa pagcucurò, ay bumunggò sa caniyang pagiisip na di maglalalong lubhá ang caniyang barong yaon; sa pagca,t, laguing siyang na sa sa caniyang catauan, ay cung magcadurogdurog na ay hindi niya maaalaman cung paano ang pagcacaroon niya nang damit. Sa pagcagunità nito,y, parang natubigan ang lahat nang quinamtan niyang caligayahan; datapoua,t, pinapanghinapang niya sa boong macacayanan, at nagtuloy sa caniyang tahanan, puspos nang pagasa sa Dios na siya,y, hahan~goin sa lahat nang caguipitan.

Si Luisa. Totoong naiibigan co nang totoo itong si Robinson. Totoong icaliligaya co na siya,y, maparito at dumalao sa atin.

Si Teodora. Cung aco po,y, bibig-yan ninyo nang isang pliegong papel, ay totoong malaqui ang pagcaibig cong sulatan ang señor Robinson.

Si Nicolás. Aco naman.

Si Juan. Di co rin naman calilimutan ang pagsulat sa caniya.

Si Luisa. Cung aco,y, marunong sumulat, ay maquiquita ninyo ang ipadadala co sa caniya.

Ang ina. Hindi cailan~gan; sasabihin ninyo sa aquin ang ibig ninyong sabihin sa caniya, at susulatin co.

Si Luisa. Ganoon n~ga pô, inang.

Ang ina. Cung gayo,y, pumarito cayong lahat. Bibìg-yan co ang baua,t, isa sa inyo nang papel. Nang macaraan ang calahating oras ay isa,t, isang dumarating ang man~ga batà na naglulucsuhan, at ipinaquiquita sa canilang ama ang ipadadalang sulat nang baua,t, isa cay Robinson.

Si Luisa. Narito pò ang aquing sulat, at mangyaring basahin ninyo.

Ang ama. (_Binasa niya sulat ni Luisa_.[4]

«Iniibig cong Robinson: pagpilitan mo ang paguiguing mabuting tauo at pagpapacasipag, sa pagca,t, ito,y, calulugdan nang man~ga tauo at nang iyong man~ga magulang naman. Tangapin mo ang aquing pacumusta. Naquita mo na na ang pagcacailan~gan ay nacapagpapagauà nang maraming bagay. Si Teodora at si Juan ay nagpapacumusta sa iyo, at gayon din si Enrique at si Nicolás. Dalauin mo cami ritong isang arao, at bibig-yan quita nang ibang man~ga cahatulan na lalò pang magaling.

_Luisa_.»

[Talababa 4: Pinatotoohanan nang autor aleman na ang man~ga sulat na ito,t, gayon din naman ang caramihan nang man~ga tanong at sagot nang man~ga batà na natalatà sa librong íto, ay tunay at sinaling magaling sa man~ga sinasabi nang man~ga batang tínuturuan.]

Si Teodora. N~gayo,y, tingnan pô ninyo ang aquin.

_Binasa nang ama_. «Caibigan co: ninanasà namin sa iyo ang lahat nang cagalin~gang aming macacayanan, at capag aco,y, binig-yan nang cuarta ay ibibili quita nang anomang bagay. At pacain~gatan mo ang pagpapacabuti nang caugalian para nang pinasimulan mo na. Tangapin mo ang caunting tinapay na ipinadala co sa iyo, at pagin~gatan mong houag cang magcasaquit. ¿Ano ang lagay mo n~gayon? Mabuhay cang magaling, caibigan cong Robinson, na bagama,t, hindi quita naquiquilala, ay totoong iniibig quita, at aco ay ang tapat mong caibigan na si

_Teodora_.»

Si Nicolás. Ito pô ang aquin, maicli pò lamang totoo.

_Binasa nang ama_. «Minamahal cong Robinson: iquinalulumbay cong totoo ang pagcaquita cong icao ay totoong caauaauà. Cung icao ay na sa sa bahay nang iyong man~ga magulang, ay di mo masasapit ang ganiyang man~ga cahirapan. Iquinaliligaya co ang icao ay ualang damdam, at mabalic cang madali sa bahay nang iyong man~ga magulang. Á Dios. Ang iyong caibigan na si

_Nicolás._ _Hamburgo 7 de Febrero._»

Si Juan. Ang aquin naman.

_Binasa nang ama._ «Sr. Robinson: quinaaauaan co cayong totoo, sa pagca,t, cayo,y, nahihiualay sa lahat nang tauo: inaacalà cong sa oras na ito,y, totoo cayong nagsisisi na. Houag cayong magcacaramdam; at ninanasa co sa boong pusò, na balang arao ay maquiquita namin cayo, cung cayo,y, papabalic na sa bahay nang inyong man~ga magulang. Houag ninyong pabayaan ang pagasa sa Dios mulà n~gayon hangan sa man~ga haharaping arao, at cayo,y, pagpapalain niya. Sinasabi cong muli, na cayo naua,y, houag magcacaramdam. Ang inyong tapat na caibigan na si

_Juan._ _Hamburgo 7 de Febrero._»

Si Enrique. Ualà acong guinauà cundi isinulat cong madali ang borrador na ito, at nang aco,y, macapagbalic agad dito.

_Binasa nang ama._ «Totoong minamahal cong catoto at señor Robinson: ¿ano pò ang lagay ninyo sa pulóng iyan? Nabalitaan co na totoong maraming cahirapan. Hindi pa ninyo natatalastas na cung ang pulóng inyong quinalalaguian, ay tinatahanan ó hindi, at icatotouà cong maalaman. Natalastas co naman na cayo,y, nacacuha nang isang malaquing guintô; datapoua,t, hindi ninyo magamit sa anomang bagay sa pulóng iyan.»

Ang ama. Idinagdag mo sana ito: «Dito man sa Europa ay hindi iquinapaguiging mabuti at iquinapaguiguing mapalad nang man~ga tauo ang guintô.» «Lalò pa ninyong paquiquinaban~gan cung sa lugar nang guintô ay nacacuha cayo nang capirasong patalim na magagauang sundang, palacol at iba pang casangcapan. Houag nauà cayong magcacasaquit at pagutusan ninyo ang tunay ninyong catoto na si

_Enrique.»_

Si Teodora. At n~gayo,y, ¿paanong gaga-uin natin na ang man~ga sulat na ito,y, dumating sa caniya?

Si Luisa. ¿Mayroon pa bagang sucat gau-in para nang ibigay natin sa Capitan nang alin mang sasac-yan napatutun~go sa América? At cung gayo,y, mapadadalhan naman natin nang anomang bagay si Robinson. Ibig co siyang padalhan nang pasas at almendras; ¿bibig-yan baga ninyo aco, inang?

Si Ramon. _(Binulun~gan ang canilang ama.)_ Ang isip nila,y, totoong buhay pa si Robinson.

Ang ama. Pinasasalamatan co cayong ualang hangan, man~ga anac co, sa n~galan ni Robinson dahil sa magandang loob ninyo sa caniya; datapoua,t, hindi ninyo maipadadala sa caniya ang man~ga sulat na iyan.

Si Teodora. ¿At baquit hindi?

Ang ama. Sa pagca,t, malaon nang panahon na ang caloloua ni Robinson ay na sa cabila nang buhay, at ang caniyang catauan ay naguing lupà na.

Si Teodora. ¿Baquit pò mamamatay, cung n~gayo,y, bagong capaliligò lamang?

Ang ama. Nalilimutan mo, Teodora, na ang sinasalitâ co cay Robinson, ay nangyari nang may limang puo nang taon. Datapoua,t, n~gayo,y, isinusulat co ang caniyang Historia, at diya,y, isasama cong ipalilimbag ang inyong man~ga sulat. Cung caniyang matangap ang man~ga sulat na iyan sa cabilang buhay, ay inaacala cong icalulugod niyang lubhâ ang pagcatalastas nang daquilang pagmamahal ninyo sa caniya.

Si Luisa. Datapoua,t, houag pò ninyong di ipatuloy ang lahat nang man~ga bagay na nangyari sa caniya.

Ang ama. Oo. Sasabihin co pa sa inyo ang man~ga nangyari sa caniyang buhay, na totoong icatotoua ninyo. N~gayo,y, tila sucat na.

Si Robinson ay nang matapus nang macapaligò, ay nagbalic sa caniyang tahanan, cumain nang hapunan at nagpahin~gang lubhang mahinahon. Tularan naman natin siya.

=ICAUALONG HAPON.=

Si Cárlos. Inang, inang.

Ang ina. ¿Ano ang ibig mo, Cárlos?

Si Càrlos. Ang uicá pò ni Juan ay mangyaring padalhan ninyo siya nang ibang barò.

Ang ina. ¿At baquit?

Si Cárlos. Hindi pô macaalis sa paligoan sa pagca,t, linabhan niya ang caniyang barò, at hangang n~gayo,y, basà pa. Ibig pong tumulad cay Robinson.

Ang ina. Cung gayo,y, mabuti. Bibig-yan co siya nang ibang barò. Abutin mo; itacbo mo sa caniya at pagcatapus ay pumarito cayong lahat, sa pagca,t, sasalitin sa inyo nang inyong ama ang historia ni Robinson.

Ang ama. _(Si Juan na casama nang ibang man~ga batà ay pinagsabihan nang ganito:)_ ¿nacapaligò ca bagang magaling, catoto cong Robinson?

Si Juan. Totoo pong magaling, hindi pò lamang natuyò ang aquing barò.

Ang ama. Dapat mong pagcurocuroin na dito sa lugar na ito ay hindi totoong mainit na para sa pulò ni Robinson. Datapoua,t, ¿saan tayo natiguil?

Si Enrique. Sa pagtulog ni Robinson. ¿N~gayo,y, tingnan natin cung ano ang guinauà quinabucasan?

Ang ama. Quinabucasan ay nagban~gon, at humandâ sa paghuli nang man~ga hayop na llama, pinunò ang caniyang supot nang maraming patatas na inihao, at nang isang malaquing pirasong laman nang pagong na binalot niya sa dahon nang niyog. Quinuha ang caniyang palacol; itinali sa catauan ang lubid na may silò na guinauà niya sa paghuli nang man~ga hayop na llama; dinala ang caniyang payong, at lumacad na. Sa pagca,t, totoo pang maaga, ay pinasiya sa loob na siya,y, magpaliguid, na ang ibig niya,y, malibot ang man~ga lugar na di niya nararating sa caniyang pulò. Dito sa caniyang paglibot na ito ay nacaquita siya nang di mabilang na man~ga ibon na nacadapo sa man~ga san~gá nang cahoy, at may man~ga loro na totoong maririquit ang balahibo. ¡Gaano ang pagnanasà niya na macahuli nang isa nang man~ga ibong yaon, at nang caniyang mapaamò at macasama niya! datapoua,t, ang man~ga matatandang loro ay totoong maiilap na na di sucat madaquip, at saan man siya pumaroon ay ualang maquitang pugad na macunan nang inacay; caya n~ga pinabayaan niya sa ibang arao ang panghuhuli nito.

Datapoua,t, gayon ma,y, nacaquita siya nang isang bagay na lalò pang cailan~gan sa man~ga loro; sa pagca,t, siya,y, umaquiat sa isang burol na nalalapit sa dagat at tumin~gin siya sa man~ga lubac nang man~ga bató, ay naquita sa lupà ang isang bagay na totoong napansin niya. Bumabà siya na gumagapang, at natalastas niya nang boong caligayahan na ang caniyang naquita ay may halagang bagay. ¿Ano cayang bagay yaon?

Si Enrique. ¿Perlas pô baga?

Si Juan. ¿Icaliligaya baga niya ito? Marahil ay bacal. ¿Ano caya yaon? Sinabi pò ninyo sa amin doon sa lugar na maiinit ay ualang naquiquitang bacal. ¿Marahil ay isang buntong guintó?

Si Luisa. Hindi aco macapaniniualà niyan. ¿At ano ang paquiquinaban~gan niya sa guintò?

Ang ama. Hindi ninyo natumpacan. Cung gayo,y, sasabihin co sa inyo. Ang caniyang naquita ay asin. Tunay n~ga na hangan niyon ay ang guinagauà niyang asin ay ang tubig na maalat sa dagat; datapoua,t, ¡laquing caibhan niyon! ang tubig sa dagat ay masaclap at mapait; at bucod dito,y, nagcacamali si Robinson nang paniniualà, na ang lamang cating asnan nang tubig sa dagat ay hindi masisirà, sa pagca,t, ang tubig sa dagat, para naman nang tubig sa batis at sa ilog ay nasisirà cung magtagal sa alin mang sisidlan. Caya n~ga, nagcamit nang di mumunting capalaran sa pagcaquita nang tunay na asin, at ang guinauà niya,y, pinunong magaling ang bulsa nang caniyang casaca, at caracaraca,y, caniyang dinala sa caniyang yun~gib itong bagay na totoo niyang quinacailan~gan.

Si Teodora. At ang asing ito ¿saan caya nangaling?

Ang ama. Ualang pagsalang nalilimutan mo na ang ipinahayag co sa inyong isang arao tungcol sa pinangagalin~gan nang asin.

Si Juan. Hangan n~gayon hindi co quinalilimutan. May asing quinucuha sa lupà; at saca mayroon namang asing guinagauà sa tubig na maalat, na tumutubò sa alin mang batis; at mayroon namang guinagauà sa tubig na maalat.

Ang ama. Gayon n~ga; at ang man~ga nangagaling sa tubig sa dagat, ay guinagauà nang man~ga tauo, ó sa init caya nang arao.

Si Teodora. ¿Baquit pò sa arao?

Ang ama. Oo, sa pagca,t, capag lumaqui ang tubig at umurong, ay ang tubig na natitira sa lupà ay natutuyong untiunti, at ang natitira sa lugar na yaon, ay siyang naguiguing asin.

Si Luisa. ¡Tingnan ninyo ang bagay na yaon!

Ang ama. Dito matatalastas ang cagalin~gan nang Dios sa pagcacalin~ga sa atin; na sa man~ga bagay na totoo nating quinacailan~gan, ay siyang lalong humihin~gi nang munting capaguran, at siyang ipinagcacaloob nang lalong casaganaan.

Lumacad na n~ga si Robinson nang boong casayahan sa lugar na caniyang panghuhulihan nang man~ga hayop na llama; datapoua,t, isa ma,y, ualang naquita. Totoo n~ga,t, may caagahan at di pa dumarating ang catanghalian, ang guinauà niya,y, naupò sa tabi nang isang cahoy, na doon niya quinain ang pagong at man~ga patatas, na sa pagca,t, may asin na ay totoong nasarapan niya.

