Part 7
Ang Ina. Gayon din ang acalà co, Ramon, datapoua,t, caauaan natin ang binatang ito. Di pa nalalaong siya,y, nagmumulimuli, at caya n~ga di pa sucat masulong na totoo sa landas nang mabuting asal, na para nang ibang mulà sa cabataan ay tinuruan na.
Ang Ama. Mabuti ang sabi mo, at pinasasalamatan quita, sa pagca,t, quinaaauaan mo ang aquing Robinson. Untiunting lalong naiibigan co siya, sa pagca,t, naquiquita cong nagbabago na nang asal. Samantalang siya,y, sinasalacay nang catacutan at cabalisahan, ay tila naglulubag ang samâ nang panahon. Habang humihinà ang culog at nagbabauas ang ulan, ay sumisibol na muli sa pusò ni Robinson ang pagasa. Inacalà niyang maipatutuloy ang caniyang paglacad; at nang quinuha na ang caniyang supot at ang caniyang palacol ay bigla siyang nagulantay at napasubasob sa lupà.
Si Juan. ¿Ano pô ang nangyari sa caniya?
Ang Ama. Bigla niyang narin~gig sa ibabao nang caniyang ulo ang isang caquilaquilabot na culog, nan~ginig ang lupà, at si Robinson ay nanigas na parang bangcay. Sa pagca,t, pumutoc ang isang culog sa cahoy na nasa ibabao nang yun~gib, at sa pagcabali ay lumagapac nang malacas, na ang acalà ni Robinson ay siya,y, tinamaan. Malaong oras na di siya pinagsaulan nang loob; datapoua,t, nang caniyang matalastas na di siya naaano ay nagban~gon; at ang una niyang naquita sa malapit sa pintò nang caniyang yun~gib ay isang malaquing cahoy na ibinual nang culog. Isang bagong caralitaan ni Robinson. Sa pagca,t, ¿saan isasabit ang caniyang hagdan, cung nabual na boô ang cahoy, para nang inaacalà niya?
Nang caniyang maramdaman na tumilà na ang ulan, at ualà na siyang naririn~gig na culog, ay nan~gahas na lumabas. Datapoua,t, ¿ano caya ang caniyang naquita? Isang bagay na biglang iquinapagpasalamat sa Dios, iquinapuspos niya nang pagibig, at iquinahiya niya dahil sa caculan~gan nang caniyang pagasa. Sa macatouid ay ang san~ga nang cahoy na tinamaan nang culog ay nagnini~gas, na dahil dito,y, ualà sa caniyang gunitâ ay nagcaroon siya nang lalò niyang quinacailan~gan; cung sa bagay ay nang iniisip niyang siya,y, na sa sa lalong malaquing casacunaan, ay hindi gayon, cundi lalong inaampon siya nang Dios nang isang tan~ging biyayà.
Puspos nang di malirip na pagquilala at catouaan na iquinaiiyac niya, ay nagpasalamat siya nang boong pagibig sa mapagpalang Ama nang man~ga tauo, na cahit nagpapahintulot na mangyari ang man~ga caquilaquilabot na bagay, ay dili ang hindi gumagauà siya nang puspos na carunun~gan at catuiran. ¡Oh! ¿gasino ang tauo, aniya, hamac na ood sa lupà, at gaano ang caniyang naaalaman, at man~gan~gahas lumaban sa man~ga ipinagtatalaga nang Dios na di sucat malirip nang sinoman?
Magmulà na niyaon ay nagcaroon siya nang apuy, na di niya pinaghihirapan ang pagpapanin~gas; magmulà na niyaon ay di niya pinaghirapan ang pagiin~gat; nabuhay na siyang di lubhang nasisindac at naliligalig tungcol sa paghanap nang cacanin sa pulóng yaon.
Inaliban niya ang paghuli nang man~ga hayop na llama, na siyang pinacausá cung baga dito sa Filipinas, at ang caniyang pinan~gasiuaan lamang muna ay ang pagiin~gat nang caniyang apuy at ang paglulutò nang hayop na yaon, na magmulà sa unang arao ay iniuan niya sa ihauan.
Sa pagca,t, ang apuy ay hindi umabot sa dacong ibaba nang san~ga, na quinabibitinan nang caniyang hagdang lubid, ay mangyayaring siya,y, macasampa nang ualang pan~ganib. Ganito n~ga ang caniyang guinauà; cumuha siya nang isang san~gang nagninin~gas, saca nanaog siya sa harapan nang pinapasucan sa caniyang tahanan at nagsigâ siya sa calapit nang laman nang hayop at muli siyang umaquiat nang ualang caliuagan at pinatay niya ang apuy na nagaalab sa cahoy, at caracaraca nama,y, namatay.
N~gayo,y, si Robinson ay naguing cosinero na, at hinahaguisan nang yaguit ang caniyang sigâ nang houag mamatay, at nagpapalibidlibid sa caniyang ihauan. Totoo siyang nauiuili sa panonood nang apuy; at inaari niyang isang mahalagang biyayà nang Dios na ipinagcaloob sa caniya, hindi lumilicat nang pagdidilidili nang daquilang capaquinaban~gan na quinacamtan nang tauo sa apuy.
Si Ramon. Tunay n~ga at ang apuy ay isang larauan nang cadiosan; siyang pinacamahal sa man~ga elemento.
Ang ama. Caya n~ga sa man~ga bulag na gentil ó di binyagan ay isang caraniuang caugalian ang pagsamba at paggalang sa caniya. Sa Roma ay laguing iniin~gatan ang apuy sa templo nang diosa Vesta, sa Atenas ay sa templo ni Minerva, sa Delfos ay sa templo ni Apolo; at nabasa mo na cung paano ang guinagauang paggalang sa caniya sa Persia.
Si Ramon. Oo n~ga, datapoua,t, tayo na, sa auà nang Dios, ay naliliuanagan nang tunay na aral, ay natatalastas natin na ang apuy ay hindi dios, cundi isang biyayà nang Dios, na para naman nang tubig, nang lupà at nang han~gin, na nilic-hà at nang paquinaban~gan natin.
Ang ama. Sa pagcain nang nacaraang arao, niyong sinasalità co sa inyo, na ang iquinabusog ni Robinson ay ang laman nang hayop na llama na pinalambot sa capucpoc ay hindi niya inalumana ang caualan nang asin, at inaasahan niya na sa calaunan nang panahon marahil ay matatagpuan niya doon sa pulò; datapoua,t, n~gayon ay iquinatouà na niya ang pagparoon sa tabi nang dagat, at sumaloc siya nang isang bauo nang tubig na maalat, at siya niyang ibinasà sa laman nang hayop na llama, sa pagca,t, ualà siyang ibang asin.
Nang inaacalà niyang lutò na ay gaano caya ang caniyang catouaan sa unang pagputol at pagsubò nang caniyang ulam, ualang sucat matalastas cundi ang para niyang hindi nacatiquim na apat na lingo nang anomang pagcaing inalulutò sa apuy, at inaacalà niyang ualà siyang sucat asahan na macacain pa nang gayong pagcain.
Ang malaquing bagay na dapat matalastas n~gayon, ay cung paanong sucat niyang gau-in, at nang houag mamatay ang apuy.
Si Teodora. Iyan ay lubhang madali. ¿Mayroon pa cayang sucat gau-in para nang touî na,y, lag-yan nang cahoy?
Ang ama. Totoo n~ga; ¿datapoua,t, sa gabi at cung habang siya,y, natutulog ay biglang bumacsac ang malacas na ulan, ay anong magagauà natin?
Si Luisa. Talastasin pô ninyo ang aquing sinasabi. Ang guinauà co sana,y, ang sigà ay pinanailalim co sa loob nang yun~gib, na houag macapasoc ang tubig.
Ang ama. Hindi masamang caisipan iyan; datapoua,t, ang cahirapan ay ang yun~gib na yaon ay totoong mahigpit na bahaguia na niya matulugan. At saca ualang butas na lalabasan nang usoc, na di niya icahihin~ga.
Si Luisa. ¡Ay! tunay n~ga. Sa caguipitang iyan ay hindi co siya maaalis.
Si Juan. ¡Tingnang ninyo ang cahirapang ito! ¡diyata,t, sa touitouî na ay siya,y, na sa isang caguipitan! di mamacailang inaacalà natin na ang caauaauang si Robinson ay nacaalis na sa cahirapan; datapoua,t, hindi ... Caguinsaguinsa,y, magcacaroon nang isang bagay na macapagpipighati sa caniya.
Ang ama. Diyan mo maquiquita ang laquing cahirapan sa isang tauo na matacpan niyang magisa ang lahat nang cailan~gan, at cung gaanong capaquinaban~gan ang ibinibigay sa atin nang paquiquisama. Oo, man~ga anac co; tayong lahat ay totoong cahabaghabag, cung ang baua,t, isa sa atin ay mabuhay nang nagiisa, at ualang tulong na maaasahan sa ibang capouà tauo. Ang sanglibong camay ay hindi macagagauà at macapaghahandà nang quinacailan~gan nang baua,t, isa sa arao arao.
Si Juan. ¿Ano pang uica ninyo? ¿Sanglibong camay ay di macagagauà nang quinacailan~gan nang baua,t, isa sa arao arao?
Ang ama. ¿Hindi ca naniniualà, Juan? tingnan natin ang quinailan~gan mo n~gayong arao na ito. Unauna,y, natulog ca hangang sa lumabas ang arao; at sa isang hihigang magaling; ¿dili caya gayon?
Si Juan. Sa isang colchon at sa isang cumot at sa isang unan.
Ang ama. Ang colchon na lamang ang ating sabihin. Ito,y, quinasusulutan nang lana ó balahibo nang tupa, na ang unang una,y, naguing cailan~gan ang pagaalilà nang tupa, at ang isa,y, pumutol nang caniyang balahibo; ang isa,y, naglaba; ang isa,y, tumimbang at nagbili; ang isa,y, naghatid sa bahay nang lanero; at muling ipinagbili nito sa colchonero, na nang mangyaring maguing colchon, ay inihanay sa isang balotan nang liensong may guhit na tinatauag na terliz. ¿At saan nangaling ang terliz?
Si Juan. Guinauà nang manghahabi.
Ang ama. ¿At anong naguing cailan~gan paghabi?
Si Juan. Ang sinulid, at isang habihan, at iba,t, iba pa.
Ang ama. Sucat na. At sa paggauà nang habihan at lahat nang man~ga casangcapan, ¿ilang camay ang naguing cailan~gan--Saca ang manghahabi ay hindi macahahabi cung ualang hinahabi; datapoua,t, ¿saan nila quinuha?
Si Juan. Sa man~ga hilandera ó lumulubid nang hinahabi.
Ang ama. ¿At natatalastas mo cung ilang camay ang pinagdadaanan nang lino bago mahabi, na pasisimulan sa pagtatanim nang linasa ó cañamones?
Si Juan. Magdaraan sa apat ó limang camay.
Ang ama. Hindi lamang sa apat ó lima cundi sa dalauang puong camay. Datapoua,t, sabihin mo sa aquin: ¿ang carayom na ipinanahi sa colchon, ay hindi baga patalim? at ang patalim ¿ay hindi baga quinucuha sa mina? At magmulà nang macuha sa mina han~gan sa maguing carayom, ¿ilang tauo ang naguing cailan~gan? ¿Ilang man~ga casangcapan at man~ga máquina ang naguing cailan~gan sa paggauà nang carayom? ¿At ilang man~ga tauo ang naguing cailan~gan sa pagtatayò nang maquina?...
Si Juan. ¿Saan pô tayo hahanga?
Ang ama. N~gayo,y, pagpisanpisanin mo at pagbilangbilan~gin ang guinugol na paggauà sa pagtatanim nang cañamo ó lino, at ang man~ga ararong quinailan~gan nang magsasacá bago naitanim; ang sarisaring paggauà na quinacailan~gan sa paghabi; ang man~ga naguing cailan~gan sa paglilinis nang lana, at sa paggauà nang carayom, tila ualang cabuluhang bagay; at saca n~gayo,y, sabihin mo sa aquin, cung natantò mo na na sa paggauà nang isang hihigan na tutulugan niyang mahinusay ay naguing cailan~gan ang sanglibong camay.
Si Teodora. Tingnan n~ga pô ninyo na di macasasapat ang sanglibong camay sa quinacailan~gan natin sa arao arao.
Ang ama. Saca pagcurocuroin mo ang man~ga ibang bagay na quinacailan~gan mo sa arao arao; bago mo sabihin sa aquin, cung sucat mong pagtachan na si Robinson ay palagui nang na sa isang malaquing caguipitan, yayamang ualang ibang camay na macatulong sa caniya, at niyong nagcacailan~gan na dito,y, iquinatatapus niyang madali nang anomang gagau-in.
Ang totoo niyang iquinaliligalig, ay ang paghanap nang paraan na magcaroong mulî nang apuy cung sacali,t, mamatay ang caniyang sigâ. Cung minsan ay quinacamot ang ulo sa pagpipilit nang pagcucurò nang mabuting paraan; cung minsa,y, biglang ilacpac ang camay sa pagcapagod nang caiisip; cung minsa,y, nagpapasial, na di maalaman cung ano ang caniyang gagau-in. Datapoua,t, sa catapusa,y, nailin~gap lamang niya ang caniyang mata sa man~ga batong nacaliliquid sa isang munting burol ay naisipan na niya ang caniyang gagau-in.
Si Enrique. ¿At ano caya yaon?
Ang ama. May isang batong malaqui na ang taas ay mahiguit na isang vara sa lupà.
Si Cárlos. ¿Gaano caya ang laqui?
Ang ama. Inaacalà cong may dalauang vara ang habà, isang vara ang luang at gayon din ang capal.
Baga ma,t, umulan nang malacas, ay tuyô rin ang ilalim nang batong yaon, na parang mayroong bubun~gan sa ibabao. Saca naquita ni Robinson na sa ilalim nang batong yaon ay macagagauà nang isang tahanan na totoong nababacuran; at napagmasdan pa na madaling macagauà doon nang isang cosina na may lalabasan nang usoc. Pinasiya n~ga sa loob na caniyang pasimulan agad. Sa ilalim nang bató ay hinucay niya nang caniyang asarol ang lupà na mahiguit sa isang vara, at inaacalà niyang sarhan ang dalauang panig hangan sa umabot sa bató sa itaas.
Si Teodora. ¿At paanong gagau-in niya sa pagsasara sa dalauang panig?
Ang ama. Siya,y, nahirati nang pagmalasin ang lahat nang bagay na caniyang naquiquita, at itinatanong niya sa caniyang sarili: ¿ano caya ang cagagamitan co nito? caya n~ga di niya inalintana ang pagcaquita nang isang lupang malagquit na caniyang napagmasdan sa isang lugar nang pulô; at magmulà niyao,y, sinabi niya sa caniyang sarili: ¿sinong nacatatalastas, cung maaalaman co ang paggauà sa lupang ito nang ladrillo at nang macapagban~gon aco nang isang pader ó isang dingding? napagisip niya ang bagay na ito; at nang caniyang mahucay na ang lahat nang lupà sa caniyang cusina, ay dinampot niya ang caniyang asarol, quinuha niya ang caniyang sundang na bató, at siya,y, lumipat sa quinalalaguian nang lupang malagquit, ticang ipatutuloy ang bago niyang guinagauà.
Sa calacasan nang ulan ay lumambot ang putic na hindi niya pinaghirapan ang paggauà sa lupang yaon na maguing parang ladrillo, at pagcatapus ay maputol niyang magcaparapara. Nang caniyang magauà sa sandaling oras ang man~ga ladrillong ito, ay inihanay niya sa isang lugar na tatamaan nang arao sa maghapon, at inaliban niya sa icalauang arao ang pagpapatuloy nang caniyang guinagauà, nagbalic siya sa caniyang tinatahanan, ticang cacanin niya ang natira niyang inihao, sa pagca,t, sa caniyang casipagan ay nagdamdam siya nang cagutuman. Nang mangyaring siya,y, macacaing magaling sa arao na yaon, ay dinagdagan niya ang caniyang pagcain nang laman nang niyog na caniyang natira, at dahil dito,y, totoong sumarap ang caniyang pagcain.
¡Ah! ang sigao ni Robinson na nagbubuntong hinin~ga sa caibuturan nang pusò, sa caligayahan at calumbayan. ¡Ah, laquing capalaran co, aniya, n~gayon, cung aco,y, magcaroon nang isa man lamang caibigan, cahit isang tauong lalong maralità sa lahat nang salantâ na sumama sa aquin; isang may pagiisip, na mapagsabihan cong siya,y, aquing iniibig, at masabi naman niyang aco,y, iniibig niya! ¡Ó magcamayroon man lamang aco nang isang hayop sa bahay, isang aso, ó isang pusà, na aquing magauan nang magaling, at umamò at maman~ginoon sa aquin! Dito na tumulò ang caniyang luhà, sa pagala-ala nang panahon na sucat niyang macamtan ang cauilíuiling paquíquísama sa caniyang man~ga capatid at caibigan, na caniyang quinaauay. ¡Ay! ang sigao niya, sa malaquing capighatian nang pagcaalaala niya nang bagay na ito: ¡hindi co aniya napagaalaman noon ang cahalagahan nang isang caibigan! ¡Totoong mahirap pala ang ualà tayong caulayao, cung ninanasa nating mabuhay nang maligaya! Cung n~gayo,y, mangyayaring aco,y, magsaulì sa batà, ¡gaanong cagandahan nang loob ang ipaquiquita co sa aquing man~ga capatid at man~ga capouà batà! ¡Gaanong pagtitiis co sa mumunti nilang caculan~gan! ¡At gaanong pagiin~gat co at pagpipilit na macasundo ang lahat sa aquing mabuting caugalian, nang sila,y, mapilitang umibig sa aquin! ¿Baquit, Dios co, di co natalastas ang malaquing cagalin~gan nang paquiquipagcaibigan sa di co na macamtan, at di co macacamtan magpacailan man?
Nang caniyang masabi ito, ay nagcataong nailin~gap niya ang mata sa isang suloc nang mahigpit niyang tahanan, at nacaquita siya nang isang gagamba na doo,y, gumauà nang bahay. Nacaramdam si Robinson nang isang malaquing caligayahan sa pagcaisip lamang na siya,y, matutulog na may isang casama, na di na napagcurò na yao,y, isang hayop na totoong ualang halaga. Tinicang humuli arao arao nang lan~gao nang maibigay sa gagamba, at nang caniyang maipaquilala sa hayop na yaon, na siya,y, na sa sa isang lugar na ualang sucat catacutan, at doo,y, siya,y, pinacacain nang boong pagibig at casaganaan, at nang mangyaring siya,y, umamò cung mangyayari.
Yayamang hindi pa guinagabi, at ang han~ging humihihip ay malamig at maguinhaua dahil sa nagdaang unós, ay ayao si Robinsong matulog, cundi gugulin pa ang sandaling panahon sa isang bagay na may casaysayan; dahil dito,y, hinauacan ang caníyang asarol, at mínulan ang paghucay nang lupà nang caniyang cusina. Datapoua,t, tinamaan niyang nagcataon ang isang bagay na matigas na nababaon sa lupà, at halos nasirà ang caniyang asarol. Inacalà niyang yao,y, isang bató: datapoua,t, ¡gaano ang caniyang pagtataca nang caniyang buhatin ang bagay na yaon na totoong matigas at mabigat, at naquita niyang yao,y, guintong dalisay!
Si Juan. ¡Totoong mapalad naman yaong si Robinson na ualang cahalimbauà!
Ang ama. Mangyari; siya,y, anac nang capalaran. Ang guintong caniyang nacuha ay totoong malaqui na cung caniyang gagau-ing salapî ay lalabasan nang sandaang libong piso. Tingnan mo at totoong mayaman na at macapangyarihan si Robinson. ¡Ilang bagay caya ang caniyang mabibili at ilang tauo caya ang caniyang mauutusan! mangyayaring siya,y, macapagpatayò nang isang Palacio, magcacaroon siya nang man~ga salamin, man~ga palamuti sa bahay, man~ga carruage, man~ga cabayo, man~ga alilà, at sarisari pang bagay.
Si Teodora. Oo n~ga pò, datapoua,t, ¿saan siya cucuha sa pulong yaon nang man~ga bagay na iyan, cung doo,y, ualà isa mang tauong magbili sa caniya nang anomang bagay?
Ang ama. Totoo n~ga ang salitâ mo: hindi co naalaala ang bagay na yaon. Datapoua,t, si Robinson ang siyang nacapagdilidili niyan, sa pagca,t, bucod sa di niya iquinaligaya ang pagcaquita nang cayamanang iyan, ay caniyang sinicaran at pinaguicaan nang ganito: «Diyan ca matapon, hamac na guintò, na caranìua,y, totoong pinipita nang man~ga tauo, at di miminsang sa pagcacamit sa iyo ay nacagagauà nang cahiyahiyà at cung minsa,y, nagcacasala pa. ¿Anong mahihitâ co sa iyo? ¡Oh! cung ang naquita co sana,y, isang pirasong bacal, marahil ay magagauà cong isang palacol ó isang sundang! ay ualang caliuagang ipagpapalit quita sa isang dacot na pacò, ó sa alin mang casangcapang paquiquinaban~gan.» Iniuan niya sa lupà yaong mahalagang bagay, at pagcatapus ay bahaguia na niya matingnan cung siya,y, napaparaan sa quinalalaguian.
Si Luisa. Natatalastas pô ninyo na ang caniyang guinauà ay para nang guinauà nang manoc.
Ang ama. ¿Ano ang guinauà nang manoc?
Si Luisa. ¿Baquit pô? ¿Nalilimutan na baga ninyo ang fábula na inyong sinalitâ sa amin isang arao? minsa,y, ang isang manoc ay nagcucutcot sa lupà; at di caguinsaguinsa,y, nacaquita siya nang isang mahalagang bagay...... ¿Ano cayang mahalagang bagay?
Ang ama. ¿Isang margarita baga?
Si Luisa. Oo pô, isang margarita na ang pahayag ninyo sa amin ay isang perlas. At ang sinabi nang manoc ay ganito: «¿Anong mahihitâ co sa iyo cahit anong diquit mo? mabuti pa sa aquin ang aco,y, nacaquita nang isang butil na palay.» At dahil dito,y, pinabayaan ang margarita sa lupà, at hindi na niya inalaala minsan man.
Ang ama. Totoong mabuti ang pagcacatulad mo sa fábula. Ganito n~ga ang guinauà ni Robinson sa guintong caniyang nasumpun~gan.
Samantalang nalalapit naman ang gabi, sa pagca,t, matagal nang ang arao ay sumusucsoc na sa dagat.
Si Teodora. ¿Baquit pô sumusucsoc sa dagat?
Ang ama. Ganito n~ga ang acalà nang man~ga nagsisitahan sa capuluan, ó as alin mang lugar na ualang naquiquita cundi dagat. Ang tin~gin nila,y, capag lumulubog ang arao, ay tila totoong napaiilalim sa dagat; at dahil dito,y, sinasabi natin na cung minsan ay napaiilalim sa dagat; sumicat na maliuanag ang bouan sa cabilang ibayo nang lan~git, na naliliuanagan ang yun~gib ni Robinson nang isang cauiliuiling liuanag, na sa caligayahan nang pagmamasid ay nalaon bago natulog.
Datapoua,t, nang mahaguisan na niya nang man~ga malalaquing cahoy ang apuy nang lumagui ang nin~gas, ay siya,y, natulog na.
Tayo naman ay liniliuanagan n~gayon nang banaag nang bouan, ay nagbibigay liuanag sa lupà. Habang tayo,y, napatutun~go sa bahay ay ating pagmalasing magaling. Tingnan ninyo at totoong mariquit at cauiliuili; at handugan natin nang pasasalamat ang lumic-hâ sa caniya, at nang magbauas ang calungcutang inihahandog sa atin nang cadiliman nang gabi.
=ICAPITONG HAPON.=
Sa icalauang arao nang hapon ay si Juan, si Nicolás at si Teodora, ay nan~gahas na binatac sa camay ang canilang ama at sa dulo nang caniyang casaca, na ang nasa,y, dal-hin siya sa buquid. Ang lahat ay naquitulong sa canila, at napilitan siyang umalis nang bahay.
Ang ama. ¿Anong laquing pagpipilit ninyo? ¿Saan ninyo aco ibig dal-hin?
Si Juan. Sa buquid, sa ilalim nang punò nang mansana.
Ang ama. ¿At baquit?
Si Nicolás. Nang ipatuloy ninyo ang sinapit ni Robinson.
Si Teodora. Oo pô, ang historia ni Robinson natin.
Ang ama. Oo n~ga; datapoua,t, inaacalà cong hindi iquinaaalio ninyo ang aquing Robinson na para nang una.
Si Juan. ¿Baquit pô? ¿sino ang nagsabi sa inyo?
Ang ama. Cung hindi aco nagcacamalî, ay naquita co cahapon na ang ilan sa inyo ay naghihicab, at ito,y, caraniuang isang tandâ na quinayayamutan na ninyo.
Si Teodora. Hindi pô. Cami po,y, napagod sa cahuhucay sa halamanan, at talastas na ninyo na pagcatapus nang paghucay sa boong hapon, ay sapilitang magaantoc nang caunti.
Si Nicolás. N~gayo,y, ualà caming guinagauà cundi ang magbunot nang damó, at dinilig namin ang ensalada lamang, caya cami hindi nagaantoc.
Si Luisa. Tingnan ninyo ang paglucso co. ¿Paanong aco,y, magaantoc?
Ang ama. Sasalitin co, yayamang siya ninyong iniibig; datapoua,t, capag cayo,y, napapagod na sa paquiquinyig nang historia ay sabihin ninyo sa aquin.
Si Juan. Hindi pô cami mapapagod, caya salitin na ninyo.
Ang ama. Sa pagca,t, sa pulò ni Robinson ay hindi matiis ang init cung arao ay napipilitan siyang cung may anomang gauà ay pinasisimulan niya sa umagang umaga, at pagtaas nang arao caniyang itiniguil, bago niya pinagbabalican capag dacong hapon na. Nagban~gon na n~gang maagang maaga, dinagdagan nang gatong ang apuy, at quinain ang calahati nang niyog na caniyang natira. Inibig namang ihao ang capirasong laman nang hayop na llama, datapoua,t, sa pagca,t, may amoy dahil sa labis na cainitan, caya hindi siya nacacain nang lamang cati sa arao na yaon.
Sa oras nang caniyang pagcuha nang caniyang supot na ticang dadal-hin sa caniyang pinaggagauan nang man~ga ladrillo, ay naquita niya ang man~ga patatas na caniyang isinilid doon na may dalaua nang arao. Naisipan niyang ilagay ang man~ga patatas na ito sa ilalim nang abo nang caniyang sigâ, at nang maalaman niya cung ano ang maguiguing lasa cung malutò, at capagcatapus nito ay lumacad na.
Dinalidali niyang totoo ang paggauà, na bago tumangahali ay naquita niyang mabuti na ang lagay nang caniyang man~ga ladrillo, na inaacala niyang cailan~gan sa pagbabacod sa caniyang cusina. Saca napatun~go sa tabing dagat sa paghanap nang man~ga ilang talaba; totoong cacaunti ang caniyang naquita, datapoua,t, doo,y, nasumpun~gan niya nang boong caligayahan ang isang pagcaing lalò pang mahalaga.
Si Juan. ¿At ano pô yaon?
Ang ama. Isang hayop na cailan ma,y, hindi niya nacacain; datapoua,t, narin~gig niya na ang laman niyon ay totoong mabuti at masarap.
Si Juan. At sabihin ninyo ¿cung anong hayop yaon?
Ang ama. Isang pagóng na totoong malaqui, at bihirang maquita ang ganoong calaquing pagóng sa man~ga lugar na yaon. Ang bigat ay may isang quintal.
Si Teodora. ¡Caquilaquilabot na pagóng yaon! ¿At mayroon pang lalong malalaqui?
Si Juan. Oo, at totoong malalaqui. ¿Hindi mo naaalaala ang sinasabi sa atin nang ating ama sa historia nang man~ga biaje niong man~ga tauong lumibot sa paliguidliguid nang mundo, at nacaquita sila sa dagat nang dacong timugan nang ilang man~ga pagóng na ang timbang ay may tatlong daang libra?
Si Teodora. ¡Catacottacot!
Ang ama. Pinasan ni Robinson sa balicat yaong malaquing pagóng, ó pauican, at dahandahan niyang dinala sa caniyang yun~gib. Diya,y, pinagpupucpoc niya ang balat sa licod nang pagong hangan sa nagputoc ang bandang ibabâ; at sacá quinuha ang laman at caniyang pinatay, pumiraso nang laman na caniyang iihao. Sa caniyang capaguran ay nagcaroon siya nang gustong cumain; at habang caniyang iniihao, ay pinagiisipisip niya cung ano ang caniyang gagau-in sa natitirang laman nang pagóng at nang houag masirà, sa pagca,t, siya,y, ualang asin at sisiglang pagaasnan.