Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

Part 6

Chapter 6 4,048 words Public domain Markdown

Sa catapusa,y, nacatanao nang ilang man~ga halaman na inacala niyang nararapat lapitan at siyasatin. Totoong nagcacalapitlapit na naguing parang isang cagubatan, at namasdan niya na ang iba,y, may bulaclac na mapulapula, ang iba,y, mapuputi, at ang iba,y, ualang bulaclac cundi man~ga bun~gang mapupusiao na casinglaqui nang bayabas natin dito sa Filipinas. Quinagat niya capagdaca ang isa; datapoua,t, naquilala niyang di sucat macain, at totoong nagalit siya, na capagdaca,y, binunot niya ang halaman, at ihahaguis na sana, ay siyang pagcaquita niya sa man~ga ugat ay may nabibiting tila man~ga tugui na malaqui,t, munti. Inacalà niyang iyon ang tunay na bun~ga nang halaman: tinicman niya, at nang caniyang malasahang masaclap at matigas ay itinapon na sanang lahat. Datapoua,t, sumilid sa caniyang pagiisip yaong cahatulang, na di dapat nating acalain na ualang casaysayan ang ano mang bagay, sa pagca,t, di natin naquita agad ang cagalin~gan nila. Itinago na n~ga sa caniyang supot yaong man~ga bun~gang tila tugui, at ipinatuloy na ang caniyang paglacad.

Si Juan. Natatalastas co na cung ano yaong man~ga tila tuguing yaon, cung ano ang n~galan.

Ang ama. Tingnan natin cung ano ang isip mo.

Si Juan. Yaon po,y man~ga patatas, na gayon n~ga cung tumubò para nang sinabi ninyo.

Ang ama. Sa catunaya,y, ang patatas, na cung sabihin nang iba ay papas ay caraniuang tumutubò sa América, at sinasabing doon quinuha nang isang inglés na ang pan~gala,y, si Francisco Drakne.

Si Teodora. Datapoua,t, malaquing han~gal yaong si Robinson, na hindi nacaquiquilala nang man~ga patatas.

Ang ama. ¿At icao ay baquit mo naquiquilala?

Si Teodora. Sa pagca,t, aquing naquita at quinain cong madalas, namamatay aco sa pagcain nang man~ga patatas na yaon.

Ang ama. Datapoua,t, si Robinson ay hindi nacacain at di nacaquita marahil nang man~ga patatas.

Si Teodora. ¿Diyata po,t, hindi?

Ang ama. Hindi, sa pagca,t, ualà pang dumarating sa Alemania. Hindi pa nagdaraan ang maraming taon nang tayo,y, magtanim dito, at nauna pang nabuhay si Robinson.

Si Teodora. Cung gayo,y, patauarin ninyo aco, cung aco,y, nagcasala sa caniya.

Ang ama. ¿Naquita mo na, Teodora, na totoong lihis sa catuiran ang biglang pagpintas sa iba? Ang caunaunahang dapat nating gauing palagui ay ang lumagay tayo sa lagay nila, at masdan natin cung sa gayong calagayan ay macagagaua tayo nang higuit sa canila. Sabihin mo sa aquin: cung cailan ma,y, hindi ca nacaquita nang patatas, na hindi mo narinig na cung paano ang guinagauang paglulutò, ¿di caya matutulad ca rin cay Robinson na di mo mapagquiquilala na yao,y, quinacain?

Si Teodora. Cung gayon pò ay hindi co na gagauing mulî.

Ang ama. Nagpatuloy si Robinson; datapoua,t, nagdarahandahan at tila totoong may pinan~gin~gilagan, at houag di may cumaluscos ay natatacot siya, pati sa man~ga cahoy na hinihipan nang han~gin, at pagdaca,y, tinatangnan ang caniyang palacol na ipagtatangol cung baga,t, cailan~gan. Datapoua,t, sa touîtouî na,y, palagui niyang napagquiquilala na ualang cabuluhan ang caniyang quinatatacutan.

Sa catapusa,y, dumating sa isang bucal, na sa tabi niyao,y, inibig niyang magpahin~galay nang tanghalì; at umupò siya sa piling nang isang cahoy na totoong mayabong, at humahandà nang cumain, di caguinsaguinsa,y, bigla siyang nacarinig nang isang cain~gayan sa dacong malayò na iquinagulat niyang panibago. Tumin~gin siyang quiniquilabutan sa magcabilabila at sandaling oras ay naquita niya ang isang cauan....

Si Nicolás. ¿Nang man~ga tauong bundoc caya...?

Si Teodora. ¿Ó nang man~ga tigre at man~ga leon?

Ang ama. Capouà di cayo tumamà, yaon ay isang cauan nang man~ga hayop sa bundoc na ang laqui ay para nang usa. ¿Ibig ninyong matalastas cung anong man~ga hayop yaon?

Si Juan. Oo pô; sabihin ninyo sa amin.

Ang ama. Iyan ay ang tinatauag na llama, at ang canilang tinatahanan ay ang América Meridional, na tinatauag na Perû, na nasasacop hangan sa man~ga huling taon nang man~ga castilà. At tauag nila sa man~ga hayop na yaon ay carnero ó tupa, sa Perû, baga ma,t, lalong natutulad sa man~ga maliliit na camello. Bago napagsiyasat ni Varró at ni Almagro yaong man~ga daquilang lugar na yaon, ay ang man~ga peruleros na tumatahan doon ay nacapagpaamò na nang llama: na guinagamit nila na parang man~ga calabao sa pagdadala nang ano mang bagay, at ang canilang balahibo ay guinagauang cayo.

Si Juan. ¿Cung sa bagay, ay ang man~ga perulero ay hindi totoong man~ga tauong damó na para nang ibang man~ga indio?

Ang ama. Oo n~ga; sila at ang man~ga americano na na sa América setentrional ay totoong man~ga sivilisado, at may maliuanag na pagiisip, ang tinatahanan nila,y, man~ga bahay na mabuti ang pagcayari, at bucod dito,y, nacapagtayò sila nang man~ga simbahan at man~ga daquilang palacio at ang namamahala sa canila ay man~ga Gobernadores sa lugar nang man~ga hari.

Sa maquita n~ga ni Robinson yaong caramihan nang man~ga hayop, na magmulà n~gayon ay tatauagin nating man~ga llama, ay nagcaroon siya nang malaquing pagcaibig na macacain nang carne ó lamang cati, sa pagca,t, matagal nang panahon na di siya nacacatiquim nito. At dahil dito,y, nagtagò siya sa punò nang cahoy, na dala niya ang caniyang palacol na bató, at sinucuban niya, na cung mayroong magdaraan doong hayop ay caniyang papalaculin.

Gayon n~ga ang nangyari; sa pagca,t, lumalacad nang ualang bahalá ang man~ga hayop na yaon na nahihirating lumalacad nang ualang nacalilin~gatong sa canila, at napatutun~go sa bucal, at sila,y, iinom, ay sa pagdaraan sa tabi nang cahoy na doon ay nagtatago si Robinson, ang isang pinacamaliit na totoong napalapit sa caniya, ay inabot niya nang palacol sa sandocsanducan na biglang namatay at nahandusay sa caniyang man~ga paa.

Si Luisa. ¡Laquing catampalasanan ang guinaua niya sa caauaauang hayop!

Ang ina. ¿At baquit hindi gagauin ito?

Si Luisa. Cung ualang guinagaua sa caniyang anomang masamâ ang hayop, ¿ay baquit niya pinatay?

Ang ina. Mangyari, ay quinacailan~gan niya ang laman at nang caniyang macain. ¿At di mo natatalastas na tayo,y, pinahihintulutan nang Dios na gamitin natin ang man~ga hayop, cung ating quinacailan~gan?

Ang ama. Ang pumatay nang hayop nang ualang cailan~gan, ang caniyang pahirapan, ó gambalain naman, ay maliuanag na isang catampalasanan, at sino mang may mabuting pusò ay dili gumagauà nito: datapoua,t, ang paquinaban~gan natin ang isang hayop na ualang caloloua, at patayin natin nang ating macain ang caniyang laman, ay ito,y, hindi ipinagbabaual. At cung naaalaala mo pa ang ipinahayag co sa iyo niyong isang arao, ay matatalastas mo na isang cagalin~gan pa sa man~ga hayop cung sila,y, patayin natin.

Si Juan. Mangyari pò; sa pagca,t, cundi natin pinagcacailan~gan ang man~ga hayop, ay hindi natin sila aalilain, at hindi bubuti ang canilang lagay na para n~gayon. ¡Ilan ang mamatay gutom sa panahon nang taglamig!

Si Enrique. At lalò pang magdaralità, cung di natin patayin ay mamamatay sa saquit ó sa catandaan, sa pagca,t, sila,y, hindi nacapagtutulun~gan na para nating man~ga tauo.

Ang ama. At bucod dito,y, houag nating acalain na ang pagpatay sa man~ga hayop ay totoong nacapagbibigay sa canila nang totoong malaquing cahirapan, para nang sapantahà natin. Hindi nila natatalastas na sila,y, papatayin, ay sila,y, payapang payapà at natotouâ hangan sa huling sandali; at ang casaquitang dinaramdam nila cung sila,y, pinapatay natin ay hindi naglalaon.

Hangan sa mapatay ni Robinson ang isang hayop na llama, ay hindi naisipan ang paglulutò nang caniyang laman.

Si Luisa. ¿Baquit di niya mailulutò?

Ang ama. Ibig n~ga niya; datapoua,t, ang casamaan ay salat na salat siya sa lahat nang bagay; ualà siyang ihauan, ualà siyang palayoc, at cauali man; at ang lalò pang masama,y, ualà siyang apuy.

Si Luisa. Cung ualà siyang apuy ay magpanin~gas siya.

Ang ama. Hindi mahirap, cung mayroon siyang isang binalol, isang bató at lulog. At natatalastas mo nang ualà siyang ano man.

Si Juan. Natatalastas co ang dapat cong gauin.

Ang ama. ¿Ano?

Si Juan. Pinagpuyos co sana ang dalauang cauayang tuyò, para nang guinagauà nang man~ga tauong bundoc; at sa historia nang man~ga paglalayag ay binasa pô ninyo sa amin.

Ang ama. Ito rin ang naisipan ni Robinson. Pinasan sa balicat ang hayop na yaon na caniyang pinatay, at nagbalic sa caniyang tinatahanan.

Sa pagbalic niya ay nacaquita pa nang isang bagay na iquinatouâ niya nang labis. Nacaquita siya nang pito ó ualong punò nang dayap, at nalalaglag na ang ilang bun~gang hinog. Pinutol niya, at pagcatapus ay nilag-yan niya nang tandâ ang lugar na yaon na quinalalag-yan nang man~ga punò nang dayap, at nagmadaling omouî sa caniyang tahanan.

Ang unang guinauà nang siya,y, dumating doon ay inanitan niya yaong hayop, at ang naguing casangcapan niyang sundang ay isang matalas na batô; at saca ibinilad niya ang balat na inaacalà niyang balang arao ay caniyang paquiquinaban~gan.

Si Juan. ¿At ano ang gagauin niya sa balat?

Ang ama. Maraming bagay: ang una,y, napupunit na ang caniyang sapin at medias; at caya n~ga pinagcurò curò niya na cung sacaling di na niya maisoot, ay ang balat nang hayop na caniyang napatay ay itatali na lamang niya sa caniyang paa, at nang houag siyang totoong mahirapan sa caniyang paglacad. Ang icalaua,y, totoong iquinatatacot niya ang pagdating nang taglamig; at caya n~ga totoong iquinatotouâ niya ang pagcacaroon nang capisang na balat na maitaquip niya sa catauan at nang houag siyang mamatay sa lamig. Tunay n~ga na hindi na dapat siyang maghandà nang ganito, sa pagca,t, sa man~ga lugar na yaon ay hindi malabis ang lamig na para rito.

Si Teodora. ¿Sa bagay ay ualang taglamig?

Ang ama. Hindi, cailan man ay hindi nararanasan ang totoong calamigan sa man~ga bayan ó lugar na maiinit na na sa calaguitnaan nang dalauang trópico. Hindi pa nalalaong sinasabi co sa inyo. ¿Di baga ninyo nalilimutan ang tauag sa man~ga lugar na ito?

Si Enrique. Tinatauag pong zona tórrida.

Ang ama. Gayon n~ga; datapoua,t, sa man~ga lugar na yaon naman ay palagui ang ulan sa loob nang dalaua ó tatlong buan.

Ang ating Robinson ay hindi nacatatalastas nang ano man sa man~ga bagay na ito, sa pagca,t, sa caniyang cabatáan ay ayao siyang magaral nang ano man; na sa macatouid ay ang Historia, Geografia at ang lahat ay quinacayamutan niya.

Si Juan. Datapoua,t, tila pò minsang nabasa namin na ang bundoc na totoong matataas, na para nang Pico de Tenerife sa Canarias, at para naman nang iba pa sa Perú, ay nacucubcob nang nieve ó namumuong tubig sa boong taon. Quinacailan~gang doo,y, palagui ang taglamig, at gayon man ay na sa calaguitnaan ang dalauang trópico.

Ang ama. May catouiran ca, Juan. Ang man~ga totoong matataas na lugar at man~ga bundoc ay hindi nasasaclao nang regla, sa pagca,t, sa canilang cataasan ay caraniuang mayroong nieve. ¿Natatandaan mo naman ang sinabi co sa iyo noong isang arao tungcol sa man~ga lugar nang India Oriental, niyong ating pinagmamasdan ang mapa?

Si Juan. ¡Aha! Oo n~ga pô ... Sa ibang man~ga lupà doon ay sa lumacad ca lamang nang dalaua ó tatlong leguas; sa invierno ó calamigan, ay lumilipat ca sa verano ó cainitan; para sa pulò nang Ceilan, na nasasacop nang man~ga holandeses; at gayon naman sa ibang lupa na tinatauag na ...

Ang ama. Tinatauag na Peninsula Citerior ó sa daco rito nang Ganges. Dian, capag sa tabing dagat nang Malabar, sa isang bahagui nang man~ga bundoc na tinatauag na Gates ay invierno, ay sa cabilang parte, sa Costa nang Coromandel, ay verano, at cung verano sa cabila ay dito,y, invierno. Ganito rin naman ang nangyayari sa isla de Ceram, isa sa man~ga islas Molucas, na sa pagcalayong tatlong leguas ay nararanasan ang taginit at taglamig.

Datapoua,t, ¿ilang leguas ang iquinalayò natin cay Robinson? Hindi sucat pagtac-han na sa cabilisan nang ating pagiisip ay ualang caliuagang macalipat tayo sa isang sandali sa ilan mang libong leguas. Magmulà sa América ay lumucso tayo sa Asia, at n~gayo,y, biglang naparito na naman tayo sa América sa pulò ni Robinson.

Bahagya na lamang napapacnit ang balat nang hayop na llama, at nahahan~go ang man~ga lamang loob, ay hiniuà niya ang capirasong laman tangcang iihao. Ang una niyang guinauà ay naghanda siya nang isang iihauan, na bumunot siya nang isang punong cahoy na munti, inalisan na niya nang balat, tinulisan niya ang dulo, at saca humanap nang dalauang san~gang capua may salalac, na caniyang pagsasalalacan nang caniyang duruan. Tinulisan naman niya ang dulo; at nang matapus na niyang maibaon sa lupa na magcatapat; nang tinuhog na niya ang laman nang hayop, at inilagay nasasalalac, ay totoong malaqui ang caniyang caligayahan sa pagcaquita niyang lumabas na magaling ang caniyang guinagauà.

Ang quinuculang lamang sa caniya ay ang lalong cailan~gan, ang apuy baga; at dahil dito,y, inisip niya ang pagpupuyos, pumutol siya nang dalauang san~gang tuyò, at pinasimulang ualang caliuagan ang pagpupuyos nang boong pagpipilit, na sa capagura,y, naligò sa pauis, gayon ma,y, hindi niya nasunod ang nasà, sa pagca,t, capag ang man~ga cahoy ay nagiinit na,t, naguusoc, ay siya,y, totoong napapagod na, at napipilitang itiguil na sandali ang pagpuyos; at sa pagca,t, lumalamig ang puyusan sa caniyang pagpapahin~ga, ay hindi mangyaring macacuha nang apuy at nasasayang lamang ang caniyang capaguran.

Dito napagquilala niya ang totoong casalatan nang tauong nacaisa isa, at cung gaanong cagalin~gan ang quinacamtan natin sa paquiquisama sa ibang man~ga tauo; sa pagca,t, napagcucurò na ninyo na cung may isa siya sa caniyang siping na pagcapagod niya,y, halinhan siya, ay marahil ay macacacuha sila nang apuy. Datapoua,t, dahil doon sa hindi matiis niyang pagpapahin~ga ay nasasayang ang caniyang pagod.

Si Juan. Inaacalà cong ang man~ga tagabundoc ay nacacacuha nang apuy sa pagpupuyos.

Ang ama. Tunay n~ga,t, nacacucuha nang apuy, n~guni,t, bucod sa sila,y, malalacas sa atin, dahil sa tayo,y, hindi nararatihan sa mabibigat na gagau-in, ay sila,y, bihasa pa. Pumipili sila nang dalauang baac na cauayan; ang isa,y, malambot at ang isa,y, matigas; ang matigas ay siyang ipinupuyos sa malambot hangang di magcaapuy ang yamuang inilalagay nila sa ilalim.

¿Anong mapapaquinabang ni Robinson cung hindi siya marunong nang paraang ito? Sa catapusa,y, inihaguis niya ang dalauang san~gang caniyang pinupuyos; at nalulumbay na umupò sa caniyang pinacabanig na damo, nan~galumbaba at humilig; at manacà naca,y, tinitingnan ang masarap na laman nang hayop na masasayang, sa pagca,t, di maihao. Naalaala niya ang pagdating nang taglamig, na nalalapit na; at pinagcucurocurò niya na cung ano ang masasapit niya sa gayong ualà siyang apuy, ay sinalacayan siya nang isang malaquing calumbayan, na iquinapagban~gon niya at iquinapagpasial sa pagca,t, siya,y, totoong nababalisa.

Sa pagca,t, naramdaman niya na parang hinahalò ang caniyang dugò sa malaquing cabalisahan, ay isinaloc niya nang malamig na tubig sa batis ang caniyang bauo, at pinigan niya nang catás nang dayap; na yao,y, totoong mabuting inumin at lunas sa caniyang calagayan.

Totoong ninanasa niyang maihao ang capisang na laman nang hayop na llama; n~guni,t, di n~ga mangyari. Datapoua,t, naalaala niya ang isang salitâ na ang man~ga Tártaro, baga ma,t, tauong para natin, ay ang guinagaua,y, ang laman nang hayop ay inilalagay sa ilalim nang siya nang cabayo, saca sinasac-yan at saca sa capapatacbo ay lumalambot: ¿sinong nacaaalam, ang uicà sa caniyang sarili, cung mapalalambot co naman ang laman nang hayop sa ibang paraan?

Capagcauicà nito,y, humanap nang dalauang batong malalapad na para nang caniyang palacol at ipinaguitna ang laman nang hayop sa dalauang bató, at pinasimulang pinucpoc sa ibabao. Nang lima ó anim na minuto na sa caniyang capupucpoc ay nahalata niyang nagiinit ang bató. Dito lalò niyang inululan ang capupucpoc at sa loob nang calahating oras ay sa cainitan nang bató at sa capupucpoc ay lumambot ang laman nang hayop, na inacalà niyang macacain na. Sucat nang maacalà cung ano ang maguiguing lasa nang gayong linutò sa pucpoc lamang; datapoua,t, sa cay Robinson, na mahaba nang panahong hindi nacacain nang lamang cati, ay inaari na niyang isang masarap na pagcain yaon. ¡O cayo, aniyang man~ga cababayan co, ang uica, na caraniua,y, pinagsasauaan ninyo ang lalong masasarap na pagcain, sa pagca,t, hindi palaguing naaayon sa inyong catacauan! Cung sinapit ninyo ang aquing calagayan na man~ga ualong arao man lamang, ¡marahil ay icatotouà ninyo ang ipinagcacaloob sa inyo nang Dios! ¡At hindi ninyo pauaualang halaga ang lalong mabubuting pagcain, na parang cayo,y, nagpapalamarang lubhà sa auà nang Pan~ginoong Dios na ang lahat ay binubusog!

Nang mangyaring magcaroon nang lasa ang caniyang ulam ay pinigan niya nang catás nang dayap; at nagcaroon siya nang isang pagcain na hindi niya natiticmang mahaba nang arao, dahil dito,y, di niya quinalimutan ang pagpapasalamat sa Pan~ginoong Dios na may gauà nang lahat nang cagalin~gan dahil dito sa tan~ging biyayà.

Nang matapus nang macacain, ay sumanguni siya sa caniyang sarili, cung anong bagay ang cailan~gan niyang gauin, at nang mapasimulan niya capagdaca. Ang pagcatacot niya sa taglamig, ay parang nagtuturò sa caniya na gugulin niya ang ilang arao sa paghuli at pagpatay nang maraming man~ga hayop na llama, at nang magcaroon siya nang maraming balat. Inacalà na niyang marami siyang mahuhuli sa caunting pagod, yayamang maaamò ang man~ga hayop na yaon. Nahiga na si Robinson na ang ninanasa,y, ganito; at nabayaran niya nang isang mahimbing at masarap na pagtulog ang man~ga capaguran sa arao na yaon.

=ICAANIM NA HAPON.=

_Ipinatuloy nang ama ang pagasasalitá nang nangyari cay Robinson._

Ang ama. Nacatulog si Robinson hangan sa matanghali na, at siya,y, napagulat nang maguising at maquitang totoong tanghali na, nagmadaling buman~gon, at ibig lumabas nang parang sa paghuli nang man~ga hayop na llama. Datapoua,t, nahantong ang caniyang nasà; sa pagca,t, bahaguia na lamang casusun~gao ang caniyang ulo sa pintô nang caniyang yun~gib, ay caracaraca,y, iniuglot.

Si Luisa. ¿At baquit gayon?

Ang ama. Sa pagca,t, humahagunot ang ulan, at totoong malalaqui ang patac na ang sinoma,y, di nacaiisip na umalis. Pinasiya niya sa loob na hintin munang tumilà ang ulan; datapoua,t, malayong tumiguil; sa pagca,t, habang lumalaon ay lalong tila ibinubuhos. Itong malacas na ulan ay may casamang totoong madalas na quidlat, na ang yun~gib ni Robinson, baga ma,t, totoong madilim ay tila nagaalab; at ang man~ga quidlat na yaon ay sinusundan nang totoong malacas na culog, na hindi niya naririn~gig cailan man. Nayayanig ang lupa sa caquilaquilabot na pagputoc nang man~ga culog, at tila inuulit nang alin~gaon~gao sa mundo na totoong inihahaba nang ugong. Sa pagca,t, si Robinson ay ualang turò at pinagaralan, ay totoong malaqui ang caniyang tacot.

Si Teodora. ¿Natatacot baga sa man~ga quidlat at sa man~ga culog?

Ang ama. Oo; at totoo siyang quiniquilabutan, na hindi niya maalaman na cung saan siya magtatagò.

Si Teodora. ¿At baquit siya totoong natatacot?

Ang ama. Ito,y, caraniuan, sa pagca,t, ang apuy na nangagaling sa culog ay pinanggagalin~gan nang pagcacasunog at manacanaca,y, nacamamatay.

Si Juan. Oo n~ga, datapoua,t, ang man~ga sacunang iyan ay bihirang nangyayari.

Ang ama. Mulâ nang aco,y, maguing tauo ay ualà pa acong naririn~gig na namamatay sa culog[3]; at ang man~ga sinasalitang nangyari na man~ga sacunà ay totoong bibihirâ. At caya n~ga bihirangbihirang matalà sa man~ga periodico, tulad sa pagbabalità na may isang tauong, umabot na mahiguit sa sandaang taon; isang maliuanag na catotohanan na manacanacang mangyari lamang ang man~ga sacunang ito. Tungcol dito sa man~ga culog ay mayroon ding capan~ganiban; datapoua,t, totoong malayò na di sucat maitulad sa man~ga capan~ganiban nang pagcahulog, sa man~ga biglang saquit, sa man~ga pagcacasunog at sa iba pang sucat na mangyari na masasapit natin sa baua,t, sandalî, at hindi man lamang natin iquinatatacot nang calahati nang pagcatacot ni Robinson, cung ito na lamang ang icamamatay natin nang bigla ay may malaquing cadahilanan na catacutan nating totoo; datapoua,t, ang ating buhay ay totoong marupoc, at sa loob at labas nang ating catauan ay mayroong di mabilang na bagay na iquinapaguiguing sanhi nang isang biglang camatayan, na cung catatacutan nating lahat para nang malabis na pagcatacot nang iba sa culog, ay hindi tayo macalalacad nang isang hacbang at di tayo macagagalao munti man na di magcacaroon tayo nang isang guniguning ualang casaysayan. Ang pagsacay sa cabayo, ang paglulan sa isang carruage, ang pagdaraan sa isang matuling ilog, ang paglalayag, ang pagpanhic at pagpanaog sa isang hagdan, ang pagiiuan nang ilao sa isang silid, ay man~ga bagay na guinagauà natin nang ualang munting catacutan, gayon man ay dapat siglan tayo nang tacot dito sa man~ga capan~ganibang totoong madalas mangyari, higuit sa tacot; na dapat taglayin sa man~ga sacunà na nangagaling sa culog. At tunay n~ga itong culog ay may casamang ugong na nacagugulat, at sa pagquidlat ay biglang nagliliuanag; at caya n~ga inaacalà co na ang man~ga di nagdidilidili, ay pinapasucan nang isang di quinucusang tacot, na hindi caraniuang taglayin sa lalong malalaquing capan~ganiban.

[Talababa 3: Sa Europa ay bihira n~ga ang namamatay sa culog; datapoua,t, hindi gayon dito sa sancapuluan na sa taon taon ay hindi nauaualan nang nababalitang namatay sa culog.]

Si Balisio. Sinabi na ninyo sa amin na ang man~ga masasamang panahon, ang man~ga culog at quidlat ay may malaquing cagalin~gan sa lupà, sa pagca,t, nalilinis ang han~gin nang man~ga masasamang sin~gao na sucat ipagcasaquit nang man~ga tauo, nacagagaling naman sa paglagò nang man~ga halaman, at nacapagbabauas sa totoong malaquing cainitan. Bucod dito,y, naquiquita natin ang isang cahan~gahan~gang bagay sa naturaleza, na ipinaquiquita nang Maycapal, nang tayo,y, magcaroon nang galang at pangguiguilalas sa caniya.

Si Luisa. ¡Totoong mariquit pong bagay ang sinabi ni Basilio! ¿ibig pô baga ninyong aco,y, dalhin sa buquid cung sumasamà ang panahon, nang maquita co iyang lahat na sinabi ni Basilio? At hindi aco magdadala nang tacot.

Ang Ama. Susundin co ang iyong nasà.--Si Robinson, yamang talastas na ninyo, na nagpaualang halaga sa lahat nang sucat matutuhan sa caniyang cabataan, at caya n~ga di niya natatalastas na ang man~ga sigua at masasamang panahon ay man~ga biyayà nang Dios, at baga ma,t, naguiguing sanhî nang alin mang casacunaan (na naaayon sa mataas na adhicà nang caniyang carunun~gan) ay pinanggagalin~gan nang malaquing cagalin~gan, para nang sinalità ni Basilio na nacalilinis nang han~gin, na totoong nacagagaling sa man~ga tauo, sa man~ga hayop at sa man~ga halaman. Habang nacaupò si Robinson sa isang suloc nang caniyang yun~gib, at totoong quiniquilabutan, ay totoong naglalauà ang tubig, nagninin~gas ang man~ga quidlat, umuugong na ualang licat ang man~ga culog; at malapit nang tanghaling tapat ay di pa naglulubag ang casamaan nang panahon.

Hindi siya nacacaramdam nang gutom dahil sa pagcatacot; datapoua,t, naghihinagpis ang caniyang loob sa man~ga calumbaylumbay na guniguni niya. Dumating na ang oras, aniya, na ibig nang Dios na aquing pagbayaran ang man~ga guinauà cong casalanan. Nacaamba na ang caniyang camay sa aquin; mamamatay aco,y, hindi co maquiquita ang man~ga caauaauà cong magulang.

Si Ramon. Tungcol diya,y, di aco umaayon sa catoto nating si Robinson.

Si Nicolás. ¿Baquit?

Si Ramon. ¿Di caya pinagcalooban na siya nang Dios nang di mamagcanong biyayà, at nang caniyang maquilala, na yaong totoong mabuting Ama ay di nagpapabaya sa umaasa sa caniya sa boong pusò, at tunay na nagpipilit na magbagong asal? ¿Di caya siya iniligtas sa pagcalunod sa isang capan~ganibang sucat icalagot nang buhay? ¿Di caya siya tinutunghan, at nang houag siyang mamatay sa gutom? ¡At gayon ma,y, totoong nagpapacahinang loob! ¡Ito,y, hindi mabuting gauà!