Part 5
Pinasimulan na n~ga ang pagbunot nang man~ga cahoy, bagama,t, totoo siyang nahihirapan, at camay lamang ang caniyang inahuhucay, at malilipat niya sa inaacalà niyang tatahanan. Dito,y, quinacailan~gang hucayin niya nang camay ang pagtataniman; at sa pagca,t, quinacailan~gan nang mahahabang panahon sa pagtatanim na ito, sa pagca n~ga,t, ualà siyang naitanim cundi lima ó anim na punong cahoy lamang han~gan sa lumubog ang arao. Sa cagutuma,y, napilitan siyang nagbalic sa tabi nang dagat sa paghanap nang ilang talaba; datapoua,t, nagcataon naman sa paglaqui nang tubig, ay ualà siyang naquita, at napilitan siyang natulog na di humahapon, at ang caniyang tinulugan ay yaon ding cahoy na caniyang quinahulugan, hangan sa di mayari ang inaacalà niyang tahanan. Diyan na n~ga siya natulog, at nang houag siyang mahulog ay tinali ang caniyang catauan sa san~gang caniyang hihiligan; at nang matapus nang maipagtagubilin niya ang caniyang buhay sa Maycapal ay matahimic nang natulog.
Si Juan. Natuto siya sa pagtatali nang caniyang catauan sa san~gá.
Ang ama. Ang pagcacailan~gan ay ina nang mabuting caisipan; at cundi dahil dito ay ilang bagay ang matututuhan natin. Caya n~ga nang macapangyarihang Maycapal na ang lupà at tayo naman, habang tayo,y, nagcacaroon nang sarisaring cailan~gan, ay binig-yan tayo nang pagcucurò, at nang matacpan natin ang man~ga cailan~gang yaon sa pamag-itan nang mabubuting paraan, at caya n~ga parang naguiguing utang natin sa man~ga pagcacailan~gang ito ang ating pagcatuto at casipagan; sa pagca,t, cung isusubo na lamang nating sa ating bibig ang man~ga cacaning lutò na, cung ang man~ga bahay, cung ang man~ga hihigan, man~ga cacanin, at ang lahat nang quinacailan~gan sa ating icabubuhay ay lumabas sa lupang yari na; ay cung sa bagay ay ualá tayong gagau-ing anoman cundi cumain, uminom at matulog, at hangan sa camatayan ay ualà tayong namumuan~gan anoman na parang man~ga hayop. Tingnan ninyo ang daquilang carunun~gan nang Dios, na ating namamasdan sa lahat nang caniyang guinagauà na icalalagui nang sangsinucuban.
Datapoua,t, sucat na n~gayon, man~ga anac co, tayo,y, magpasial dito sa cauiliuiling caparan~gan, at bucas ay tingnan natin cung ano ang guinagauà ni Robinson.
=ICAAPAT NA HAPON.=
Ang ama. N~gayon, man~ga anac co, ¿saan natin iniuan cahapon si Robinson?
Si Juan. Natutulog sa cahoy na para nang uac sa fábula.
Ang ama. Oo n~ga. Cung gayo,y, dapat mong maalaman na siya,y, nacatulog nang matahimic sa gabing yaon, na di nahulog at di naalimpun~gatan. Nang quinaumagaha,y, napatun~go pagdaca sa tabing dagat sa paghanap nang man~ga talaba, at ang nasa,y, madaling magbabalic siya at ipatutuloy ang caniyang pagbabacod; datapoua,t, sa pagca,t, naiba siya nang daan, ay nagcapalad siyang nacaquita nang isang cahoy, na may isang bun~gang totoong malaqui, na di pa niya naquiquilala cung ano yaon. Ang laqui nang naturang bun~ga ay humiguit cumulang sa ulo nang isang tauo, na cung alisin ang unang balat ay may lumalabas na bunót; datapoua,t, ang loob ay totoong matigas na para nang talucap nang pagóng, caya n~ga pagdaca,y, inacala ni Robinson na magagauà niyang mangcoc. Ang pinacaubod ay malambot at masarap. Sa nagugutom na para ni Robinson ay totoong masarap na pagcain ito; datapoua,t, nang hindi magcasiya sa caniya ang iisa, ay pumitas pang mulî at cumain nang isa pa; at sa malaquing ligaya,y, natulô ang luhà dahil sa pagcaing caniyang napalaran, itinaas ang caniyang mata sa lan~git, tandà nang caniyang pagpapasalamat.
Totoong malaqui ang cahoy na yaon; at humihilic nang bun~ga, datapoua,t, ang casam-an lamang ay nacaisaisa sa lugar na yaon.
Si Teodora. ¿At anong bagay na cahoy yaon na dito sa atin ay ualà?
Ang ama. Yaon ay niyog, na ang caraniuan ay tumutubò sa India Oriental, at totoong mararami rin naman sa man~ga pulô sa América.
Totoong naligaya si Robinson sa pagquita nito; datapoua,t, hindi pinabayaan ang pagparoon sa tabing dagat, at tiningnan niya cung may talaba. Nacaquita nang ilan; datapoua,t, hindi macasasapat na caniyang canin; at caya n~ga totoong nagpasalamat sa Dios, sa pagca,t, pinagcalooban siya sa arao na yaon nang ibang cacanin. Itinagò niya ang man~ga talaba na talagang tatanghalian, at ipinatuloy ang caniyang pagbabacod.
Siya,y, nacaquita sa tabi nang dagat nang isang malaquing talaba, na nagamit niyang panghucay, at iquinadaling lubhà nang caniyang pagbabacod. Nacaquita naman siya nang isang halaman na may maraming totoong maliliit na baguing na parang abacá. Cung sa ibang panahon niya naquita disin, ay pauaualang halaga; datapoua,t, sa pagca,t, niyon ay ang lahat ay minamalas niya at sinisiyasat na magaling, pati nang lalong caliitliitang bagay na sucat paquinaban~gan. Sa pagasa niyang magagamit niya ang baguing na yaon, ay cumuha siya nang marami at caniyang tinalian at ibinabad. Napagmasdan niya nang man~ga ilang arao naquita niyang lumalambot sa tubig ang pinacabaloc; at ang guinauà niya,y, inihalayhay sa arao. Sacá nang matuyo,y, caniyang pinucpoc nang isang punong cahoy at lumabas ang tila abacá. Nang siya,y, matumpac sa gauang ito, ay pinasimulan na ang paggauà nang lubid na, baga ma,t, hindi totoong pilí sa pagca,t, ualà siyang gantala; gayon ma,y, totoong matibay na sucat niyang maitali ang caniyang talaba sa dulo nang capisang na cahoy; at caya n~ga nagcaroon siya nang isang casangcapan sa paghucay. Ipinatuloy niya ang caniyang pagbabacod hangan sa caniyang nasarhan ang boong palibot nang inaacalà niyang tatahanan. Datapoua,t, sa pagca,t, ang isang hanay lamang nang man~ga cahoy na yaon ay totoong mahinà, ay pinagpilitan niya, cahit anong pagod, na magcaroon pa nang isang hanay na para nang nauna. Sacà pinagtalitali ang man~ga san~ga nang dalauang hanay na bacod; at naisipan pa niya na pataasin ang lupà sa pag-itan nang dalauang bacod; dahil dito,y, totoong tumibay, na lubhang mahirap maibual.
Dinidilig niya sa umaga,t, hapon nang tubig sa malapit na batis ang caniyang tanim, na guinauang pandilig ang cabaac na bauo. At di pa nalalaong lubhà ay naquita niya nang malaquing touà na nanariuà at umusbong na ang man~ga halaman na caligaligayang tingnan.
Nang mayari na ang caniyang bacod, ay guinugol ang boong maghapon sa pagpili nang lubid na malaqui, na quinauà niyang hagdan na totoong pinacaigui.
Si Enrique. ¿At an-hin baga niya ang hagdanan?
Ang ama. N~gayon mo maaalaman. Ang caniyang adhicâ ay houag magcaroon nang pintuan ang caniyang tahanan, at babatbatin niya nang bacod ang munting bucás na caniyang pinapasucan.
Si Enrique. Datapoua,t, ¿paanong gagauin niya ang pagpasoc at paglabas?
Ang ama. Ito n~ga ang iguinauà niya nang isang hagdang lubid. Dapat nating acalain na ang pinacaburól nang caniyang tinatahanan ay ang taas may dalauang lampas tauo, at sa ibabao ay may isang punong cahoy. Dito itinali ang caniyang hagdan; at pinalauit hangan sa loob nang ang pagpanhic at pagpanaog; at nang maquitang lumabas na magaling, ay caniyang linuan~gan ang lubac nang buról, nang maguing pinacasilid niya. Caniyang pinagcurò na ang man~ga camay niya lamang ay hindi maaari sa gauang ito; datapoua,t, ¿ano ang caniyang gagauin? Naguing cailan~gan na pagpilitan niyang humanap nang isang casangcapan; dahil dito,y, siya,y, naparoon sa isang lugar na caniyang quinaquitaan nang maraming man~ga batong verde, na yao,y, totoong matitigas. Pumili siya, at nacatagpò siya nang isa na totoo niyang iquinatouà, sa pagca catulad nang palacol na may talim, at ang lalò pa,y, sa pagca,t, may butas na pagsosootan nang tangcay. Namasdan niyang mangyayaring gamitin niyang parang palacol, cung caniyang mapalaqui nang caunti ang butas; at dahil dito,y, cumuha siya nang isang batong munti at mahabà na siyang isinusulot niya at ipinagpapalaqui nang butas; sacá sinulutan niya nang capisang na cahoy na matibay na naguing tangcay; at caniyang tinalian na pinacahigpit niyong baguing na sinabi na natin.
Pagcatapus ay caniyang tinicmang pinalacol ang isang munting cahoy, at sa pagca,t, naquita niyang nabual ay natouà siyang di hamac. Sa sanglibo mang piso,y, hindi niya maibibigay ang caniyang palacol dahil sa malaquing capaquinaban~gang caniyang inaasahan.
Nacacuha siya sa man~ga bató nang dalaua pa, na maacalà niyang paquiquinaban~gan at magagamit sa anomang gagauin. Ang isa ay natutulad sa man~ga pamucol, at ang isa,y, maicli n~gunit,t, malaqui at matulis sa dacong dulo na parang tanat. Capouà dinala ni Robinson sa caniyang tahanan, na ang nasà niya,y, ipatuloy ang caniyang guinagauà.
Nauastong totoo siya nang paggauà, na ang batóng tagadulo ay ibinabaon niya sa lupà at pinupucpoc niya nang pamucol ay naaalis at nahuhucay niya ang man~ga bató na nababaon doon; at sa ilang arao lamang ay caniyang nalinis at napaluang yaong lubac na inaacalà niyang gau-ing silid. Sacá siya humacot nang maraming damó at ibinilad niya sa arao. Nang maquita niyang natuyò na ay ipinasoc sa caniyang lungâ at guinauà niyang parang banig; at dito sa caniyang naisipang ito ay nacatulog siya nang pahiga na parang tauo, at di para nang man~ga naunang gabi na siya,y, natutulog sa man~ga san~ga nang cahoy na parang ibon. ¡Laquing caguinhauahan, ang mangyaring maihilig ang pagod na catauan sa isang hihigang damó! ¡O cung matalastas, aniya, nang aquing man~ga cababayan cung anong hirap ang umupong magdamag sa san~ga nang cahoy gabigabi! ¡Gaanong pagpapahalaga ang gagau-in sa canilang capalaran na nacacatulog nang matahimic sa malalambot na hihigan at ualang pan~ganib na mahulog! Hindi pararaanin marahil ang isang arao na di nagpapasalamat sa Pan~ginoong Dios dahil dito at sa man~ga iba pang caguinhauahan nila.
Sa sumusunod na arao, sa pagca,t, lingong pan~gilin, ay guinugol niya sa pananalan~gin, na habang oras siyang nacaluhod, at nacataas sa lan~git ang caniyang luhaluhaang mata, at hinihin~gi niya sa Dios na siya,y, patauarin sa caniyang man~ga camalian, at pagpalain at aliuin ang caniyang cahabaghabag na man~ga magulang. Inuulitulit niya sa Maycapal na macapangyarihan ang catunayan nang caniyang pagquilala sa man~ga cahan~gahan~gang tulong na ipinagcaloob sa caniya sa gayong calunoslunos na caguipitan, para nang pagcaualay niya sa lahat nang tauo; at ipinan~gan~gaco niyang muli,t, muli ang pamimintuhong parang masunuring anac.
Si Luisa. ¡Aba, at bungmubuti na si Robinson!
Ang ama. Natatalastas nang Dios na iya,y, magbabago nang asal, cung macaranas siya nang man~ga cahirapan; at caya n~ga pinaticman sa caniya. Tingnan mo n~ga ang inaasal sa atin nang Amang na sa lan~git; hindi dahil sa cagalitan cundi dahil sa malaquing caauaan, caya pinadadalhan tayo manaca naca nang man~ga cahirapan, na sa caniyang maauaing camay ay mabibisang lunas, at natatalastas niyang quinacailan~gan sa icagagaling nang man~ga saquit nang ating man~ga caloloua. Natatacot si Robinson na macalimutan ang pagcasunodsunod nang man~ga arao sa sanglingo, ay inisip na gumaua nang isang calendario.
Si Juan. ¿Ano po? ¿isang calendario?
Ang ama. Oo, isang calendario, na bagama,t, hindi maipalimbag, at hindi naman totoong mabuti para nang atin dito sa Europa; datapoua,t, sucat icabilang nang man~ga arao.
Si Juan. ¿At paano ang guinauà?
Ang ama. Yamang ualang papel at iba pang cailan~gan sa pagsulat, at pumili nang apat na punong cahoy na malilinis ang balat at hindi nagcacalayolayo. Ang pinaca malaqui sa man~ga cahoy na ito ay guinuguhitan touing hapon nang isang batóng matulis, tandang nacaraan na ang arao. Pagdating nang icapitong guhit, ay natatalastas na niyang natapus na ang isang lingo; at ang guinauà niya,y, guinuguhitan naman nang isang guhit ang sumunod na cahoy, na ang cahuluga,y, isang lingo. Itong icalauang cahoy ay capag naguhitan na ang macaapat, ay guinuguhitan nang isa ang icatlong cahoy, na ang cahuluga,y, isang bouan; at sa catapusa,y, capag naguhitan na nang labing dalaua ang cahoy, na ito ay lumilipat sa icapat na cahoy na guinuguhitan nang isa, na ang cahuluga,y, isang taon.
Si Enrique. Datapoua,t, hindi ang lahat nang buan ay nagcacapara nang dalang arao: may bouang tatatlong puo, at may bóuang tatlong puo at isa. ¿Paanong matatalastas ni Robinson at dalang arao nang baua,t, isang bouan?
Ang ama. Binibilang sa man~ga daliri.
Si Juan. ¿Pagbilang sa man~ga daliri?
Ang ama. Gayon n~ga; at ituturo co sa inyo, cung ibig ninyong matutuhan.
Ang Lahat. Oo n~ga pò.
Ang ama. Cung gayo,y, paquimatiagan ninyo aco. Iticom ninyo ang caliuang camay, at hipuin ninyo nang isang daliri ang man~ga butó at ang pag-itan lubac; at casabay ninyong sasabihin sa paghipo ang man~ga n~galan nang man~ga bouan na sunodsunod. Ang bouang tumatama sa butó, ay may tatlong puo,t, isang arao; at ang tumatama sa lubac ay tatlong puo; liban na lamang ang Febrero, na cailan ma,y, di dumarating sa tatlong puong arao, sa pagca,t, mayroon lamang dalauang puo at ualo, at minsan sa touing icapat na taon ay dalauang puo,t, siyam na arao.
Pinasimulan na n~ga niya ang pagbilang sa butó nang daliring hintuturò, na siyang lalong nalalapit sa hinlalaqui, at hinipò nang isang daliri sa canan, casabay ang pagsasabi nang unang bouan nang taon, ang Enero baga. Cung sa bagay ¿ilang arao ang dala nang Enero?
Si Juan. Tatlong puo at isa.
Ang ama. Ipatutuloy co ang pagbilang sa butó at sa lubac; at icao, Juan, ay sasagot sa aquin cung ilan ang dalang arao nang baua,t, bouan. Ipatuloy natin. Febrero ...
Si Juan. Ang Febrero,y, dapat magcaroon nang tatlong puong arao; datapoua,t, uala cundi cung minsa,y, dalauang puo,t, ualo lamang, at cung minsa,y, dalauang puo,t, siyam.
Ang ama. ¿Ang Marzo ilan ang dalang arao?
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Abril ...
Si Juan. Tatlong puo ...
Ang ama. Ang Mayo ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Junio ...
Si Juan. Tatlong puo.
Ang ama. Ang Julio ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Agosto ... (Pasisimulang muli ang pagbilang sa butó nang hintuturò)
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Setiembre ...
Si Juan. Tatlong puo.
Ang ama. Ang Octubre ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. Ang Noviembre ...
Si Juan. Tatlong puo.
Ang ama. Ang Diciembre ...
Si Juan. Tatlong puo,t, isa.
Ang ama. ¿Naquita mo na, Enrique, na ualang pagcacamali ang ating calendario? Nararapat matutuhan ang man~ga bagay na ito, na manacânaca,y, totoong cailan~gan.
Si Juan. Hindi co na calilimutan.
Si Enrique. Aco man; at totoong natalastas cong lahat.
Ang ama. Sa paraang ito,y, napagin~gatan ni Robinson ang pagcacasunodsunod nang arao, bouan at taon, at nang matalastas niya ang arao nang lingo, at nang caniyang maipan~gilin, para nang ibang man~ga cristiano.
Sa panahong yao,y, halos naubos na niya ang man~ga bun~ga nang niyog nang nacaisa isang puno na caniyang naquita, at totoong dumadalang na ang man~ga talabá sa tabing dagat na di macabusog sa canya sa touing pagcain, dito na siya sinidlan nang catacutan na baca maualan siya nang pagcain.
Magpahangan niyon ay hindi siya macapan~gahas na lumayong lubha sa caniyang tahanan sa pagcatacot sa mababan~gis na hayop, at man~ga tauong bundoc, na baca sacali,y, mayroon sa iláng na yaon; datapoua,t, sa pagcacailan~gan nang pagcain, ay lumacad siya nang may calayuan, nang macaquita n~ga nang ibang bagay na sucat macain. Pinasiya na n~ga sa loob na maglibot sa icalauang arao sa pamag-itan nang tulong nang Dios; at guinugol ang isang bahagui nang gabi sa paggaua nang payong.
Si Nicolás. ¿At sinong nagbigay sa caniya nang cayo at ballena sa paggauà nang payong?
Ang ama. Ualang cayo, ualang ballena, ualang labasa, ualang gunting, ualang carayom at ualang sinulid na guinamit siya; at gayon ma,y, nayari niya ang payong. Gumaua siya nang isang parang balantoc na baguing nang cahoy at caniyang pinaghalahalambatan na parang bilauo; at sa guitna,y, pinasacan niya nang capisang na cahoy na pinagtibay niya nang tali. Saca cumuha siya nang man~ga talucab nang niyog at siya niyang itinaquip na pinagtalitali sa ibabao nang baguing, at ito ang guinamit niyang payong.
Touing macayayari siya nang anomang bagay, ay nacararamdam siya nang di malirip na caligayahan at caraniuang nasasalita niya sa sarili; ¡totoong pagcahan~galhan~gal co sa aquing cabataan, na sinasayang co ang panahon sa ualang cabuluhang bagay! ¡Ó cung aco n~ga,y, na sa sa Europa, at magcaroon aco sa camay nang man~ga casangcapan na doo,y, murang mura! ¡Gaanong man~ga bagay ang aquing magagaua! ¡Laquing pagcauili co sa paggaua nang sarili cong camay nang man~ga casangcapang quinacailan~gan co!
Sa pagca,t, may caagahan pa ay naisipan niyang gumaua nang isang supot na caniyang mapaglalag-yan nang caniyang masusumpun~gang pagcain, at nang hindi siya mahirapan sa pagdadala. Pinagcurong sandali ang paggauà nito, at sa catapusa,y, naisip niya ang mabuting paraan. Sa man~ga baguing na caniyang binugbog, at naguing parang abacá na sinabi co nang caniyang tinipon, ay guinauà niyang parang lambat, at ito,y, siyang guinauang supot.
Si Teodora. Ibig co namang gumauà nang isang supot.
Si Nicolás. Aco naman, cung tayo,y, magcaroon nang abacá.
Si Luisa. Mabuti ang inaacalà ninyo, man~ga batà. Sa pagca,t, cung cayo,y, mapadpad sa alin mang pulò na para ni Robinson na ualang casamang sinoman, ay maaalaman na ninyo ang dapat gauin. ¿Dili pô baga totoo?
Ang ama. Aco,y, natotouà na magpacasipag cayo nang ganiyan. Datapoua,t, pabayaan nating macatulog si Robinson hangang bucas, at samantala,y, titingnan co cung aco,y, matutumpac na gumauà nang isang payong na casinggaling nang caniya.
=ICALIMANG HAPON.=
Nang magcatipon sa icalauang arao ang man~ga nagsasalitaan sa lugar na canilang quinauiuilihan, ay naquita nilang dumating si Nicolás na totoong natotouà at nagmamagaling, at may dalang isang payongpayon~gan, na siyang pinagtac-han nang lahat. Ang guinauà niyang balangcas ay ang salaan ó calong malaqui na hiniram niya sa cocinero, at linag-yan niya nang tangcay.
Ang ina. ¡Totoong magaling, totoong magaling! camunti náng pagcamalán cong icao ay si Robinson.
Si Juan. Aco sana nama,y, magpapaquita dito nang isang payongpayon~gan, cung magcacaroon pa aco nang sandaling oras na sucat icatapus nang paggauà.
Si Teodora. Ganito rin naman sana ang nangyari sa aquin.
Ang ama. Sucat na lamang ang pagcayari ni Nicolás, at nang mapatotoohanan na tayo nama,y, mangyayaring macagauà niyan. Datapoua,t, hindi totoong malaquing bagay, catoto, ang guinaua mo.
Si Nicolás. Hindi co naman dinala ito rito cundi sa pagcacailan~gan, at sa pagca,t, hindi aco nacagauà sa sandaling panahon nang iba.
Ang ama. (_Quinuha niya sa licod nang bacod ang isang payongpayon~gang guinaua niya, at itinanong niya._) ¿Ano caya? ¿anong tin~gin mo rito?
Si Nicolás. ¡Oh, iyan ang totoong mariquit!
Ang ama. Aquing iin~gatan ito hangang dumating sa catapusan nang Historia, at ang matumpac na tumulad nang man~ga bagay na gagauin ni Robinson, ay siya nating aariing Robinson dito, at ibibigay co sa caniya ang bagay na ito.
Si Teodora. ¿At gagaua baga naman tayo nang isang lungang para niya?
Ang ama. ¿At baquit hindi?
Ang lahat. Cung gayo,y, magaling.
Ang ama. Madaling arao pa,y, nagban~gon na si Robinson at naghanda na sa paglacad, isinabit sa liig ang caniyang supot, nagtali sa bayauang na doon isinabit ang caniyang palacol, pinasan ang caniyang payong, at minulan na ang caniyang paglacad nang boong casiglahan nang loob.
Ang unang guinauà ay nagdaan siya sa punò nang niyog niya at cumuha nang dalauang buco, na isinilid niya sa caniyang supot, at bucod sa baong ito, ay nagdaan pa sa tabi nang dagat at humanap nang ilang talaba. Nang siya,y, macapagbaon na nitong dalauang pagcain at macainom na nang malamig na tubig sa batis, ay minulan na ang caniyang paglacad. Ang umaga ay mapayapa, at habang ang arao ay sumusun~gao sa silan~ganan, na parang umaahon sa man~ga alon nang dagat, ay nababanaagan nang masanghaya niyang sicat ang matataas na san~ga nang cahoy; di mabilang na ibon, malalaqui,t, mumunti at sarisaring balahibò, ay nan~gagaauitan na parang binabati nila at ipinagdiriuang ang bagong paglabas nang arao. Totoong dalisay at cauiliuili ang sandaigdigan, na parang bagong cagagaling sa camay nang Dios; at ang man~ga halaman at man~ga bulaclac ay nagsasambulat nang canilang caban~gohan.
Naramdaman ni Robinson na ang caniyang puso,y, napuspos nang caligayahan at pagquilala sa auà nang Maycapal. Dito, aniya, dito at sa lahat nang lugar ay ilinalathala ang capangyarihan nang Ama nang sangmaliuanag; at naquisamò siya sa pagsasaliuan nang man~ga ibon na caniyang inauit, itong dalit sa umaga:
Daraquilang Dios, sa aqui,y, nagbigay niring pagcatauo,t, boong cagalin~gan, icao ang may ari at nacaaalam nang cabuhayan co at nang camatayan.
Ang arao na ito bagong nagcacalat nang tanglao sa mundo nang masayang sinag iniaalay co nang boong pagliyag sa iyo, daraquilang Poong sacdal taas.
Maamo mong mata ay iyong itunghay sa baua,t, sandali sa aba cong lagay, at iyang camay mong macapangyarihan ay iligtas aco sa capanganiban.
Sa lubhang matamis na aquing pagasa sa caauaan mo, mapagpalang Ama, ay di itutulot aco,y, magcasala sa iyong calac-hang ualang macapara.
Ang caguipitan co,y, iyong mamamalas, caruc-haa,y, sacdal at salat na salat, tangapin mo nauà ang pagod at puyat nitong si Robinson alipin mong hamac.
At tutularan co ang capayapaan nang man~ga lingcod mong loob na hinusay; inaasahan ca habang nabubuhay maguing sa ligaya at capighatian.[2]
Pagca,t, natatantô ang iyong parusa ay hindi sa poot, cundi sa pagsinta; ipinapalit mo ang sandaling dusa sa hirap na ualang catapusa,t, hanga.
[Talababa 2: Dinagdagan pa nang ualong estrofa nang tumagalog]
Ang tauong lagui nang inaalalayan nang saganang touà at caligayahan ay sampo nang Dios nacacalimutan puso,y, nahihilig sa tanang quinapal.
At dili miminsang ang nagugupiling ay pinupucao mo nang dusa,t, hilahil, nang houag magtuloy mabulid na tambing sa dalitang ualang pagasang hihintin.
Pasalamatan ca nang sangcatauohan, pasalamatan ca nang sangdaigdigan, Dios na iisa at ualang capantay, puspos nang pagsinta sa hamac na capal.
At icao, ó Virgen, na linarauanan nang dilág ni Ester at pagtatangcacal sa bayan nan Judio niyong dacong arao ang abang palad co nama,y, alalayan.
At icao, ó Santong lubhang daraquilà, hinirang nang lan~git sa lalaquing madlà na maguing Esposo niyong natimauà at di tinamaan nang sa salang sumpá.
Tunghayan nang iyong mahabaguing mata, mapalad na Joséng Esposo ni Maria, itong si Robinsong nacaisaisa sa guitnâ nang iláng at madlang pan~gamba.
Gayon din sa iyo, daquilang Arcángel, lubhang mapagpalá pan~gala,y, Rafael: iyong patnugutan sa madlang hilahil itong nananaghoy na iyong alipin.
Si Teodora. ¡Ay! ama co, ¿ibig baga ninyong ibigay sa aquin iyang man~ga tulang totoong mariquit, at nang aquing mabasa at macanta touing umaga sa pagban~gon?
Ang ama. Oo.
Si Ramon. Capag natutuhan mo ang letra, ay ituturo co sa iyo ang tono, at nang ating macanta.
Si Nicolás. Oo n~ga, pagaralan nating lahat.
Ang ama. Nagdadalang tacot pa si Robinson sa man~ga hayop sa bundoc at sa man~ga tauong damó, ay pinagin~gatan niya ang pagdaan sa masusucal na gubat, at ang hinahanap niyang lacaran ay ang malilinis na caparan~gan, at nang maquita niyang madali ang ano mang bagay; datapoua,t, ang man~ga lugar na yaon ay siyang lalong salat, na ualang sucat maquitang pagcain, caya n~ga mahaba na ang caniyang nalalacad ay ualang naquiquitang anomang bagay na sucat ma cabayad sa caniyang capaguran.