Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

Part 4

Chapter 4 3,977 words Public domain Markdown

Ang ama. Ang lahat ay umac-yat sa ibabao nang cubierta at titingnan ang sinasabi nang marinero na lupà na inaasahan nilang aahunan. Datapoua,t, sa oras na yaon ay ang boò nilang catouaan ay naguing isang caquilaquilabot na catacutan. Nasadsad ang daong; at ang lahat nang na sa ibabao nang cubierta ay nan~gahapay sa malacas na pagcayugyog nang sasac-yan.

Nasadsad ang sasac-yan na parang ipinacò sa pungtod ó cababauan. Ang man~ga alon ay umaapao na sa cubierta, at nang houag silang malan~goy ay nagtagò sa camara.

Dito,y, nacarin~gig nang man~ga cahambalhambal na pagsisigauan, pagiiyacan at pananaghoy na macadudurog sa isang pusò mang bató. Ang iba,y, nagdarasal; ang iba,y, sumisigao; ang iba,y, linalabnot ang canilang buhoc: marami namang hindi macaquibò na anaqui,y, man~ga patay, at isa rito,y, si Robinson, na hindi maalaman ang caniyang gagauin at cung ano ang nangyayari sa caniya.

Datapoua,t, caracaraca,y, nagsigauang ¡nahati ang sasac-yan! Itong caquilaquilabot na balità ay parang nacaguising sa canila. Ang lahat ay nagsiabuloy sa pagcuha nang bangcà, at ang lahat ay nagsilipat doon. Datapoua,t, totoong maraming tauo ang lumulan, na halos lumubog ang bangcâ; at bahaguia na lamang lumilitao sa tubig nang isang dangcal. Ang lupa,y, totoong nalalayô, at totoong humahagunot ang han~gin, at inacalà nilang isang bagay na dili mangyayari na macasapit sa cati. Gayon ma,y, pinagpilitan nilang guinaod; at nacalalapit na sila nang caunti sa lupà ay caracaraca,y, naquita nila ang isang malaquing alon na parang bundoc. Sa malaquing catacutan ay dili macaquibo, nabitauan ang man~ga gaod at dumating ang caquilaquilabot na sandalî na ang malaquing along yaon ay bumulusoc sa bangcâ, na iquinataob, at linamon nang dagat ang lahat nang nasasacay.

Dito itiniguil nang ama ang pagsasalitâ; ang man~ga batang naquiquinyig ay nan~galulumbay at hindi macaimic; at mayroon pang di mangyaring dili humibic sa malaquing habag.

Sa catapusa,y, dumating ang ina na may dalang hapunan, at siyang iquinalibang nila sa gayong pan~gin~gilabot.

=ICATLONG HAPON.=

Si Teodora. ¡Ay, ama co! ¿Diyata,t, ang caauaauang si Robinson ay napahamac? ¿Tunay pô bagang namatay siya?

Ang ama. Iniuan natin siya cahapon na na sa isang malaquing capan~ganiban nang buhay. Ang bangcâ ay nataob; at hinigop siya nang dagat at ang lahat niyang man~ga casama. Datapoua,t, ang alon ding yaon ang nagpadpad sa caniya sa dacong tabi. Inihampas siya nang totoong malacas sa isang bató, at ang calacasan nang pagcasacsac ay natauohan si Robinson sa caniyang pagcaliping. Iminulat ang man~ga mata, at naquita niya, bagama,t, di niya asahan, na siya,y, nalalapit sa cati, pinagpilitan niyang siya,y, macarating sa lupà.

Dumating n~ga siya sa lupà; datapoua,t, bigla siyang naghimatay, at nalaong oras na di siya nacaalam nang pagcatauo. Sa catapusa,y, pinagsaulan, nagban~gon at nagtin~gintin~gin.... Datapoua,t, ¡laquing saquit! ang daong, ang bangcà, ang caniyang man~ga casamahan ay naualang lahat: ualang natitirang anoman cung di ilang man~ga tablang pisang pisang na ipinapadpad nang alon sa tabi. At siya lamang ang hindi namatay.

Nan~gin~ginig siya, at nalilitó sa guitna nang caligayahan at catacutan, naniclohod siya; at itinaas ang man~ga camay sa lan~git, ay napasalamat nang malacas na tumutulò ang luhà sa Pan~ginoon nang lan~git at lupà, at sa masintahing Vírgen dahil sa tan~ging biyayang pagliligtas sa caniya.

Si Enrique. Datapouà nama,t, ¿baquit iniligtas n~gayon si Robinson lamang, at pinabayaang mamatay ang lahat?

Ang ama. At sabihin mo sa aquin, Enrique, ¿maipahahayag mo sa aquing palagui ang cadahilanan na cung baquit caming man~ga matatandâ na tunay na umiibig sa inyo ay guinagauâ namin sa inyo ang gayo,t, gayong bagay?

Si Enrique. Hindi pò.

Ang ama. Ilagay natin sa halimbauà. Niyong arao na ang panahon ay mabuti at ibig nating lahat na magalio sa halamanan nang man~ga fresas, ¿ay ano ang aquing guinauà?

Si Enrique. Hindi co nalilimutan: si Nicolás ay natira sa bahay; at aco,y, pinaparoon sa Vandesbec, at hindi halamanan nang man~ga fresas.

Ang ama. ¿At baquit nagban~gis aco cay Nicolás, na hindi co pinayagang sumama sa atin?

Si Nicolás. Ah! natatalastas cong magaling, sa pagca,t, sinundò aco ni Roberto at dinala aco sa bahay nang aquing man~ga pinsan, na matagal náng hindi co sila naquiquita.

Ang ama. At ¿di caya lalò cang naalio roon sa cung icao ay sumama sa pagcaroon sa halamanan?

Si Nicolás. Mangyari pô.

Ang ama. Cung gayo,y, tingnan mo: natatalastas cong hahanapin ca ni Roberto; at caya n~ga ipinagutos co na icao ay matira sa bahay. At icao, Enrique, ¿sino ang naquita mo sa Vandesbec?

Si Enrique. Ang aquing ama at aquing ina na naroon.

Ang ama. Ito naman ay naaalaman co, at tingnan mo at inutusan quita sa Vandesbec, at hindi sa halamanan nang man~ga fresas. Hindi ninyo natatalastas ang man~ga cadahilanan at aquing adhicà. Datapoua,t, itatanong ninyo sa aquin, ¿cung baquit hindi co sinabi sa inyo ang man~ga cadahilanang ito?

Si Enrique. Nang lalò caming maligaya, cung maquita namin ang aming man~ga magulang at man~ga pinsan na hindi namin inaasahan.

Ang ama. Ito n~ga ang catotohanan. At n~gayon, man~ga anac co, ¿inaacalà baga ninyong di iibiguin nang Dios ang caniyang man~ga anac, sa macatouid, ay ang lahat nang man~ga tauo, na para nang pagibig man lamang namin sa inyo?

Si Teodora. Tunay n~ga pò, at lalong malaqui pa ang pagibig nang Dios sa pagibig ninyo.

Ang ama. At ¿di mamacailang inulit-ulit co sa inyo, na natatalastas at naquiquilala nang Dios ang lahat na mahiguit sa atin, man~ga hamac na capal, na sa ating mapurol na caisipan ay madalas na di natin naaalaman ang nauucol sa atin?

Si Enrique. Pinaniniualaan co; sa pagca,t, ang Dios ay mayroong isang carunun~gang ualang hangan, at natatalastas ang lahat nang mangyayari; datapoua,t, tayo,y, hindi.

Ang ama. Cung sa bagay ay totoong iniibig nang Dios ang lahat nang man~ga tauo, at baquit totoong marunong, na siya lamang ang nacaaalam nang tunay na nararapat sa atin, ¿baquit caya di niya gagau-in ang icagagaling natin?

Si Teodora. Mangyayari pa na di siyang palagui niyang gagau-in.

Ang ama. Datapoua,t, itatanong cong muli sa inyo: ¿sucat caya nating matalastas na palagui ang man~ga cadahilanan na cung baquit guinagauà sa atin nang Dios ang gayo,t, gayong bagay?

Si Enrique. Sa bagay na iya,y, quinacailan~gan na tayo,y, dumunong na para nang Dios.

Ang ama. Cung gayon, Enrique, ¿ibig mo pa bagang ulitin ang itinanong mo sa aquin, na cung baquit iniligtas nang Dios si Robinson, at pinabayaang namatay ang iba?

Si Enrique. Hindi pò; sa pagca,t, naquiquilala co náng yao,y, isang tauong han~gal.

Ang ama. Paniualaan n~ga natin, na ualang pagsalang may cadahilanang inaadhicâ ang Dios sa pagpapahintulot na mamatay ang lahat nang man~ga tauo, at ualang maligtas cundi si Robinson lamang. Mapaghahacahacà natin cung ano ang man~ga cadahilanang yaon; datapoua,t, houag natin acalaing ating natumpacan ang paghulà. Mangyayari, sa halimbauà, na na tatalastas nang Dios na ang mahabang buhay ay icapapacasamá niyong man~ga tauong inibig niyang man~gamatay; magdaralita nang malalaquing cahirapan, ó magugumon sa pagcacasala; at caya n~ga inibig niyang sila,y, dalhin sa cabilang buhay, at ang canilang caloloua ay inilagay sa isang lugar, na pag nagcataon ay lalò pa silang mapapalad sa cung sila,y, mabuhay dito sa mundo. Tungcol cay Robinson, marahil caya inin~gatan ang caniyang buhay, ay nang ang man~ga cahirapan ay maguing parang maestrong magturò sa caniya: sa pagca,t, ang Dios ay Amang catouidtouiran, ay guinagamit naman niya ang man~ga cahirapan nang icapagbagong buhay nang man~ga tauo, cung hindi macapucao sa canila ang cagalin~gan niyang ualang hangan.

Houag ninyong calimutan ito, man~ga anac cong iniibig: na sa inyong buhay ay mangyayaring dumating sa inyo ang man~ga bagay na hindi ninyo naaalaman. Cung gayo,y, bucod na di dapat ninyong salicsiquin ang pinagcacadahilanan, ay sabihin ninyo sa inyong sarili: «natatalastas nang Dios ang lalong nararapat sa aquin; at titiisin cong maligaya ang pagsuboc na guinagauà niya sa aquing loob. Ang man~ga bagay na ito,y, ipinahahatid sa aquin nang lalò acong bumuti: pagpipilitan co n~gang aco,y, magcagayon, at tutulun~gan aco nang Dios sa pagpipilit na ito.»

Si Enrique. ¿At ito baga ang isinasaloob ni Robinson sa caguipitang yaon?

Ang ama. Oo: nang siya,y, macaalis na sa gayong daquilang capan~ganiban na icalalagot nang hinin~ga, at nang maquita niyang ualà siyang casama sinoman, ay dito dinamdam sa caibuturan nang caniyang pusò ang casam-an nang caniyang caugalian; dito naniclohod at humihin~ging patauad sa Macapangyarihan dahil sa caniyang man~ga casucaban, at nagtiticang totoo nang magbabago nang buhay, at cailan ma,y, di na gagauang muli nang nalalaban sa caniyang conciencia.

Si Nicolás. Datapoua,t, ¿pagcatapus ay anong guinauà?

Ang ama. Nang macaraan na ang unang silacbo nang touà sa pagcalicas nang caniyang buhay, ay pinasimulan ang pagdidilidili sa cahabaghabag niyang calagayan. Pinaglin~gaplin~gap ang titig, ay ualang maquitang ibang bagay cundi man~ga caparan~gang punô nang damó at man~ga punong cahoy na ualang bun~ga, at ualang mapaghalatang anoman na may tumahang tauo sa lupang yaon.

Totoong caquilaquilabot ang caniyang calagayan sa pagtahan doong nacaisaisa sa isang lupang di niya naquiquitaquita; datapoua,t, nan~galisag ang caniyang buhoc, nang caniyang maalaalang doo,y, ualang tumatahang tauo nang mahusay, cundi m~ga ganid na hayop at man~ga tauong bundoc na dahil dito,y, di mapalagay muntî man.

Si Cárlos. ¿Baquit pô? ¿mayroon pô baga namang man~ga tauong bundoc ó bulobundoquin?

Si Juan. Oo, Cárlos. ¿Di mo naririn~gig naman maminsanminsan tungcol sa bagay na iyan? Doon sa malayong malayò ay may man~ga tauong parang man~ga hayop ...

Si Teodora. Ang man~ga tauong yaon ay hubò at hubad: caya n~ga acalain mo cung paano sila ...

Si Enrique. Oo; at ualang naaalaman, na hindi man lamang macagauà nang isang bahay, hindi macapaghalaman at hindi macapagararo nang isang buquid.

Si Luisa. Ang quinacain ay lamangcati at isdang hilao. ¿Hindi pô baga ganoon, ama co, ang salità ninyo sa amin?

Si Juan. Totoo n~ga. ¿At maniniualà ca na yaong man~ga caauaauang tauo ay hindi man lamang naaalaman cung sino ang lumalang sa canila, at ualà namang macapagpahayag?

Si Enrique. Caya n~ga, totoo silang malulupit, na ang iba sa canila ay cumacain nang laman nang tauo.

Si Cárlos. ¡Ay totoong masasamang tauo sila!

Ang ama. ¡Totoong man~ga cahabaghabag na tauo! ang sasabihin mo. Dapat n~ga silang cahabagan sa pagca,t, sa canila,y, ualang magturong sinoman, at nabubuhay silang parang man~ga hayop.

Si Cárlos. ¿Naparirito cayang mamacanacà sila?

Ang ama. Hindi: ang lupang tinatahanan pa nitong man~ga cahabaghabag, na capouà natin tauo, ay totoong malayô, na cailan ma,y, hindi sila macaparirito sa Europa; at sa arao arao ay nababauasan sila, sapagca ang ibang man~ga tauong matalas ang isip ay nan~gagsasadiyang napaparoon sa canila, at tinuturoan sila nang catotoohanan at nang mabubuting caugalian.

Si Enrique. ¿Cung sa bagay ay may man~ga tauong bundoc doon sa lupang quinapadparan ni Robinson?

Ang ama. Ito ang hindi pa niya maalaman; datapoua,t, sa pagca,t, narin~gig niya na may tumatahang tauong bundoc sa man~ga pulò nang bahaguing yaon nang mundo, ay totoong natatacot siya na baca mayroon naman sa tinatahanan niya; at ito,y, totoong nacapan~gin~gilabot sa caniya, na iquinapan~gin~ginig nang boong catauan.

Si Teodora. Pinaniniualaan co: sa pagca,t, hindi biro ang matagpuan ang man~ga tauong bundoc.

Ang ama. Sa pan~gin~gilabot ay hindi siya macagalao: ang camunting in~gay ay quinatatacutan niya, at iquinapan~gan~galisag nang caniyang buhoc; datapoua,t, sa malaquing cauhauan ay napilitan siyang gumalao, at nang totoong hindi na niya matiis ay siya,y, lumacad na nagpalibotlibot sa paghanap nang isang batis, hangan sa siya,y, nagcapalad na nacaquita nang isang bucal nang tubig na totoong masarap at malinao, na iquinapauî nang caniyang cauhauan.

Si Teodora. ¡Ah, gaano ang touà co!

Ang ama. Nagpasalamat sa Pan~ginoong Dios si Robinson, at inaasahan naman na ipagcacaloob sa caniya ang pagcaquita nang macacain. Di, aniya, aco pababayaang mamatay nang gutom niyong Pan~ginoong nagpapacain sa man~ga ibon sa impapauid. Sa catunaya,y, hindi ang gutom ang nacapagpapahirap sa caniya, sa pagca,t, dahil sa capighatian at catacutan ay parang nalilimutan niya ang gauing pagcain. Ang lalò niyang pinipita,y, ang pagpapahin~galay; sa pagca,t, sa totoong panghihinà sa di mamagcanong cahirapang caniyang pinagdaanan, ay bahaguia na lamang macatayò. Gayon ma,y, quinacailan~gan ang paghanap nang caniyang matutulugan sa gabing yaon. Cung siya,y, matulog sa lupà ay di malayong siya,y, lapitan nang man~ga tauong bundoc, ó man~ga halimao, ay siya,y, lamunin. Anino man ay ualà siyang maquita saan man nang bahay, cubo man ó yun~gib. Nananan~gis siyang ualang caaliuan, at hindi niya maalaman cung ano ang caniyang gagauin. Sa catapusa,y, pinasiya niya sa loob na tularan ang man~ga ibon, na humanap siya nang sisilun~gan sa ibabao nang alin mang punong cahoy; at hindi nalaon at nacaquita siya nang isang punò nang cahoy, na malagò at mayabong ang man~ga san~ga, na doo,y, macauupò siya at macahihilig pa; baga ma,t, totoong mahirap. Umac-yat na siya, nanalan~gin sa Dios, humilig na at saca natulog. Sa pagtulog ay napapan~garap niya ang lahat nang caniyang sinapit nang siya,y, mabagbag, balisang balisa sa bun~gang tulog na ito, na parang naquiquita ang matataas na daluyon, at ang pagcalubog nang sasac-yan; tila naririn~gig niya ang pagsisigauan at pananaghoy nang man~ga tauo na nababagbag. Tila naquiquita niya ang canìyang man~ga magulang na sinasalacay nang totoong malaquing hapis at capighatian; na dahil sa caniya,y, nananan~gis at nananaghoy at itinataas ang man~ga camay sa lan~git. Pinagpauisan si Robinson nang malamig, at malacas na napasigao nang ganito: _Narito aco, man~ga magulang co, narito aco_; at capagcauicà nito ay ibig niyang magpatirapà sa canilang man~ga paanan, at naaalimpun~gatan ay gumalao, siya n~gang pagcahulog sa punò nang cahoy.

Si Luisa. ¡Ay! caauaauà si Robinson!

Si Teodora. ¡A Dios! at namatay na, natapus na ang salità.

Ang ama. Nagcapalad siyang hindi nahulog sa caitaasan nang cahoy, at sa lupang caniyang linacpacan ay totoong malagò ang damó, caya hindi totoong nasactan. Ang dinamdam lamang ay ang sangcap nang caniyang catauan na tumamà sa pagcahulog; datapoua,t, inarì niyang ualang anoman ang saquit na ito cung ihahalimbauà sa caniyang napanaguinìp. Muling umac-yat sa punò nang cahoy, doo,y, nagpahin~galay hangan sa namanaag ang arao, at samantalang pinagcucurocurò niya ang paraang icaquiquita nang anomang pagcain. Salat na salat siya sa lahat nang quinacain natin dito sa Europa: ualà siyang tinapay, ualà siyang lamang cati, ualà siyang gulay, ualà siyang gatas; at cahit macaquita nang anomang sucat lutoin sa palayoc ó sa ihauan, ay ualà namang apuy, ualang ihauan at palayoc naman. Ang lahat na punò nang cahoy na caniyang naquita ay hindi namumun~ga, at ang naguiguing cagamitan lamang sa man~ga cahoy na yaon ay ang ilutò sa tubig, at nang maguing tinà.

Nang ualang maalamang gau-in si Robinson, ay nanaog sa punò nang cahoy, at sa malaquing cagutuman, sa pagca,t, hindi cumain nang anoman na maghapon at magdamag, ay nagpalibotlibot cung saan-saan; datapoua,t, ualang maquita cundi man~ga cahoy at man~ga halamang ualang bun~ga. Dito na sinalacay siya nang totoong malaquing capighatian. ¿Sa bagay ay ualà acong casasapitan, aniya, cundi ang mamatay nang gutom? ito ang isinisigao at inahihibic sa lan~git. Gayon ma,y, ang cagutuman din ang parang nagpalacas sa caniyang loob na libutin niya ang tabing dagat, at nang siya,y, macaquita nang anomang macacain. Datapoua,t, ang lahat niyang capaguran ay nauaualang cabuluhan, sa pagca,t, ualà siyang naquiquita cundi man~ga cahoy na ualang bun~ga, man~ga halaman at buhan~gin. Nang nanghihinà na at di macagulapay, at di na macalacad ay nasubsob ang muc-hà sa lupà: at ang luha,y, bumabagalbal, na ninanasang maanong namatay na siya sa dagat, houag lamang niyang sapitin ang gayong caralitaan. Tumatalaga náng antayin sa gayong calagayan ang isang matagal at maban~gis na camatayan, na para nang mamatay sa gutom, di caguinsa-guinsa ay nacaquita siya nang isang ibon na tinatauag na Alcon marino na dumaguit nang isdà at quinain. Caracaraca,y, naalaala niya itong man~ga verso na minsan niyang nabasa:

Yaong Pan~ginoon na lubhang maauain sa man~ga uac man ay nagpapacain: ¿di caya marapat na asahan natin nating man~ga tauo nang boong pagguilio?

Dili mangyaring di parang isinusurot sa caniyang muc-hà ang caculan~gan nang caniyang pagasa sa auà at pagcacalin~ga nang Dios; at pagdaca,y, nagban~gon, na tinicang lumacad hangan sa macacayanan, linibot na sinalicsic ang boong tabi nang dagat, baca sacali ay macaquita siya nang sucat macain.

Sa catapusa,y, nacaquita siya sa ibabao nang buhan~gin nang ilang man~ga talucap nang talaba; at dalidali siyang lumapit at tiningnan cung may talaba doon. Nasunduan n~ga niya nang malaquing caligayahan.

Si Juan. ¿Ang man~ga talaba pô baga,y, na sa sa lupà?

Ang ama. Hindi, anac co; nabubuhay sa dagat, at naniniquit sa man~ga bató.

Malaquing totoo ang caligayahan ni Robinson sa pagcaquita nang icapapaui nang cagutumang nacapagpahirap sa caniya, gayon ma,y, cacaunti ang talaba na di sucat macapauing lubos nang caniyang cagutuman. Ang lalong di niya icatahimic ay cung saan siya magcacanlong sa man~ga haharaping arao, at nang houag siyang tampalasain nang man~ga tauong bundoc at mababan~gis na hayop; sa pagca,t, ang una niyang sinilun~gan ay totoong mahirap, na ang pagcagunità lamang ay iquinapan~gin~ginig niya, cung gayon ang gagau-in niyang pagtulog sa habang panahon. Pinagdilidili niya itong caniyang calagayan, at totoong lipos siya nang cahirapan at casalatan ay ualà siyang matutuhang gauin, at muling napagahis sa calumbayan na para nang dati. ¿Anong nahitâ co, ang uicà sa caniyang sarili, sa pagcaligtas co sa cagutuman, cung sa gabing ito,y, marahil ay lalamunin aco nang man~ga halimao?

Tila totoong totoo (tingnan ninyo ang calacasan nang guniguni) na mayroong lumapit sa caniya na isang maban~gis na tigre, na nacabuca ang bun~gan~ga, at sasacmalin siya. Nang inaacalà nang siya,y, quinagat nang tigre sa batoc ay napasigao siya nang malacas: _¡Ay man~ga magulang co!_ at nahapay sa lupà at naghimatay. Malaong nahahandusay, at naquiquilaban sa isang malaquing capighatian hangang sa caniyang maisipan na dapat niyang ilagay ang caniyang pagasa sa Ama sa calan~gitan na caniyang dinadalan~ginan nang mataimtim na loob. Dahil dito,y, nacaban~gon, at lumacad na humanap nang isang yun~gib na sucat niyang masilun~gan.

Datapoua,t, ¿Alin cayang bahagui nang América ang quinadoroonan niya? ¿Sa panatag cayang lupà, ó sa isang pulò? Ito ang hindi pa niya natatalastas; datapoua,t, nacatanao siya nang isang bundoc na caniyang linapitan, naquiquita niya sa man~ga daang caniyang linalacaran ay ualang halaman na may bun~ga na sucat macain; at sa baua,t sandali ay lalong nauululan ang caniyang capighatian.

Di mamagcanong pagod ang tiniis bago nacarating sa taluctoc nang bundoc, na hindi naman totoong mataas, magmulà doo,y, napapagmasdan ang maraming leguas sa palibotlibot. Naquita niya ang lalò pa niyang iquinababalisa, na totoo n~gang siya,y, na sa isang pulò; sa pagca,t, sa lahat nang naaabot nang caniyang tin~gin ay ualà siyang naquiquita cundi dalaua ó tatlong pulò na lumilitao sa dagat, na ang layò ay may ilang leguas. ¡Sa aba co! ang sigao niya,t, napataas ang man~ga camay sa lan~git. ¿Diyata,t, mabubuhay acong nauaualay sa ibang man~ga tauo, nacaisaisang ualang casamang sinoman, ualà nang pagasang macaalis pa cailan man sa ilang na ito, ualang pagasang maquita co naman ang man~ga nagpipighati cong magulang, at nang macahin~gi aco nang tauad sa aquing casalanan? ¿Di co na caya muling maririn~gig ang cauiliuiling voces nang isa cong catoto, nang isa cong capouà? Datapoua,t, nararapat sa aquin ang capahamacang ito. ¡Cataastaasang Dios! ang idinagdag niyang sabi, ang iyong man~ga caisipan ay catouidtouiran; at dili dapat na aco,y, maghinanaquit; sa pagca,t, aco rin ang nagibig na houag magcamit nang isang magandang capalaran. Capagca uicà nito, ay nagticang tiisin at batahin ang man~ga cahirapan, at humihin~ging auà sa Dios na big-yan siya nang catibayan nang loob sa pagtitiis.

Nagmamacaauà naman sa maalindog at mapagcalarang Virgen na siya,y, calin~gain sa iláng na yaon, na ualang sucat macasamang sinoman; pinagtibay niya ang pag-asa sa Ina nang auà, na siyang lalong malacas na taga pamamaguitan sa caniyang Anac: yayamang ang mapalad na Virgeng ito ang pinacaibig niyang Ina at caramaydamay sa madlang cahirapan nang siya,y, nabubuhay dito sa lupà. Nanauagan naman sa maloualhating cay S. José at sa Arcan~gel S. Rafael na caniyang man~ga pintacasi.

Si Luisa. Totoong magaling ang guinauà ni Robinson sa pagsasacdal sa Pan~ginoong Dios na siya lamang macapagbibigay sa caniya nang caaliuan; sa pagca,t, sa iba,y, ualà siyang mapapaquinabang na anoman.

Ang ama. ¿At anong masasapit niya, cundi niya natatalastas na ang Dios ay siyang Ama nang lahat nang man~ga tauo, na ualang hangan ang cagalin~gan at mangyayaring lahat ang bala niyang ibiguin, at siya,y, sumasalahat na? Ualang pagsalang di siya mamamatay sa tacot at capighatian, cundi siya naturuan nang man~ga catotoohanang ito, na siyang dapat nating paglag-yan nang boong pagasa.

Nang pagsaulan lacas si Robinson, ay ipinatuloy ang caniyang paglibot sa bundoc; datapoua,t, sa gayong catagal ay ualang quinasapitan ang caniyang pagpilit na macaquita nang isang tutulugan at mapan~ganlun~gan. Sa catapusa,y, dumating sa isang mababang burol na ang harapa,y, parang isang cutà, at nang caniyang pagmasdang magaling, ay naquita niya na ualang laman ang loob, n~guni,t, hindi naman totoong malalim, at ang pinapasucan ay may caquiputan. Cung siya,y, may barreta, ay madali niyang mapalalalim ang lubac na yaon, na halos ay batong lahat, at nang maguing tahanan niya; datapoua,t, ualà siya nang man~ga casangcapang ito, at ang quinacailan~gan ay gumauà siya.

Sa catapusa,y, nang siya,y, macapagisipisip na ay nag-uicà siya nang ganito sa sarili. Ang man~ga cahoy na naquiquita co rito ay mangyayaring mabunot at maitanim na muli sa ibang lugar. Cung mangyayaring mahucay co nang camay ang ilang maliliit na cahoy at mailipat co sa harap nitong lubác, na sa macatouid ay nang maguing parang bacod; at cung magsilalaqui ay mangyayari acong matulog sa loob nitong naturang lubác nang boong capanatagan na para acong na sa isang bahay; sa pagca,t, sa dacong licod ay aco,y, macacanlong sa man~ga batóng parang cutà, sa harap ay gayon din naman, at sa magcabilang taguiliran ay macucubcob aco nang itinanim cong bacod.

Naliligaya siyang lubhà sa pagcaquita nang caniyang tutulugan, at pasisimulan na ang ninanasà niyang pagbabacod; datapoua,t, lalong naululan ang caniyang caligayahan, sa pagca,t, may naquita siyang isang batis na ang tubig ay toong malinao, na nalalapit sa lugar na inaacalà niyang tutulugan. Dalidali siyang uminom nang tubig na yaon, sa pagca,t, siya,y, totoo nang nauuhao sa malaquing capaguran nang calalacad niya sa init nang arao.

Si Teodora. ¿Cung sa bagay ay totoong mainit sa pulóng yaon?

Ang ama. Sucat mo nang mapagcurocuró. Tingnan mo ang mapa, sa lugar na ito nalalagay ang pulô nang man~ga Caribes, at isa sa man~ga pulóng iyan tila siyang tinahanan ni Robinson. Malasin mo na ang man~ga pulóng ito ay hindi nalalayò doon sa quinatatapatan at tinatamaan nang matouid na sicat nang arao, at dahil dito,y, totoong catacottacot ang init nang arao doon.