# Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

## Part 3

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/ang-bagong-robinson-tomo-1-20858/index.md

Nang marin~gig nang Capitan na siya,y, may nasang maglayag, at totoong dinaramdam nang caniyang loob ang pagbabalic sa Hamburgo, ay itinanong sa caniya cung ibig niyang sumama sa Guinea. Nang bago bago pa,y, quiniquilabutan si Robinson, datapoua,t, nang patutoohanan sa caniya nang Capitan na ang paglalayag nila ay totoong masayá, at ipagsasama siyang ualang bayad, na uala siyang pagcacagugulang anoman: at bucod dito,y, mangyayaring macaquita siya nang maraming salapì; ay totoong naibigan ni Robinson, at totoong nagcaroon nang malaquing nasà, na caracaraca,y, nacalimutan ang lahat na inihatol sa caniya nang may puring Capitan na taga Hamburgo, at gayon din naman ang pinagticahan niya sa loob na pagouî sa bahay nang caniyang man~ga magulang.

Datapoua,t, nang siya,y, macapagisip-isip, ay sinabi niya sa Capitan: «aco,y, ualang salapì cundi tatatlong guinea. ¿Saan co gugugulin itong caunting puhunan sa paghahanap buhay sa bayang paroroonan natin?»

--«Pahihiramin quita nang anim, ang uicà nang Capitan; at mayroon ca nang sucat icapamili nang pagtutubuan nang malaqui sa Guinea, cung tayo,y, sasangayunan nang capalaran.»

--«¿At ano ang nararapat cong bilhin?» ang tanong ni Robinson.--«Ang sagot nang Capitan, ay man~ga sarisaring bagay, para nang man~ga laroan, man~ga abalorio, man~ga sundang, man~ga gunting, at iba pang mumurahin, na totoong naiibigan nang man~ga taga África, na babayaran sa iyo nang totoong mahal; ang ibabayad sa iyo,y, guintò, garing at iba pang bagay.»

Capagcarin~gig nito, ay malaquing touà ni Robinson, at nacalimutan ang caniyang man~ga magulang, ang caniyang man~ga caibigan at bayan, at naguicà nang malaquíng caligayahan: «pinasisiya co na sa loob ang sumama sa iyo, maguinoong Capitan.» Nagcamay sila, tandà nang canilang pagcacasundò sa paglayag.

Si Juan. Natapus na: hindi co na caaauaan, cahit anong mangyaring sacunâ diyan sa hunghang na cay Robinson.

Ang ama. ¿Diyata,t, di mo na caaauaan siyang mulî?

Si Juan. Hindi na pô: yayamang siya,y, totoong tampalasan, na nuling nacalimot sa caniyang catungculan sa man~ga magulang niya, ay nararapat namang parusahan siyang mulî nang Dios.

Ang ama. ¿At inaacalà mo bagang ang isang caauaauang tauo, na nacalimot sa caniyang man~ga magulang, at pinipilit niya ang Dios na siya,y, parusahan, at nang magbago ang caniyang loob, ay di caya dapat cahabagan? Tunay n~ga at siya rin ang naguing dahil nang lahat nang sacunang sucat marating niya; datapoua,t, dahil dito,y, ¿di caya lalò pang iquinapaguiguing cahabaghabag niya? ¡O anac co! Yadia ca nang Dios, at caming lahat naman, sa lalong caquilaquilabot sa man~ga capighatian, ang pagcaquilala baga na ang sinoman ay siyang nagcusang gumauà nang sauì niyang capalaran. Cailan ma,t, macaririn~gig tayo na may caauaauang tauo, ay acalain natin na siya,y, ating capatid na nasisinsay: tan~gisan natin ang caniyang capahamacan, at dalan~ginan natin sa lan~git ang caniyang cagalin~gan.

Sandaling ualang umiimic na sinoman, at pagcatapus ay ipinatuloy nang ama ang pagsasalita.

Nagmadaling lumacad si Robinson sa ciudad, ipinamili ang caniyang siyam na guinea nang man~ga calacal na sinabi sa caniya nang Capitan, at ipinadala sa sasac-yan. Nang macaraang ilang arao, sa pagca,t, ang panahon ay mabuti, ay tumulac na sila, at naglayag na patun~go sa Guinea.

Ang ina. Tila panahon na namang nararapat na tayo,y, lumayag na patun~go sa bahay, at tayo,y, cumain nang hapunan. Matagal náng lumubog ang arao.

Si Teodora. Ualà pa acong ibig na cumain nang hapunan.

Si Luisa. Aco man, lalò co pang ibig ang maquinyig.

Ang ama. Bucas, bucas, man~ga anac co, ipatutuloy natin ang pagsasalità nang nangyari cay Robinson. N~gayo,y, tayo,y, cumaing maaga, na para nang dati.

Ang Lahat. Tayo,y, cumain nang hapunan.

=ICALAUANG HAPON.=

Sa icalauang arao nang hapon, ay sila,y, naparoon sa dating pinagsalitaanan, at pinatuloy nang ama ang pagsasalità:

Itong bagong pagtulac ni Robinson ay totoong mabuti na para nang una. Dumaan na silang ualang munting sacunà sa Calés, sa canal na tinatauag na de la Mancha, at n~gayo,y, na sa sa guitnà na sila nang Océano Atlántico. Dito,y, sinalun~gat sila nang han~gin na mahabang arao at palaguing ipinapadpad sila sa dacong América.

Tingnan ninyo, man~ga anac co: dala co ang malaquing mapa na dito,y, mamamasdan ninyong mabuti ang dapat tun~guhin nang sasac-yan, at sa pagca,t, napilitang malayò dito dahil sa han~gin. Sa dacong ito sana ibig macarating; datapoua,t, sa pagca sinasalun~gat nang han~gin, ay napapatun~go sila sa dacong América. Aquing ilaladlad ang mapa, at cung cailan~gan ay matingnan natin.

Isang gabi ay sinabi nang piloto na may naquiquita siyang apuy sa dacong malayo, at bucod dito,y, may naririn~gig siyang putoc nang cañon sa lugar ding yaon. Ang lahat ay nan~gagaquiatan sa cubierta, at naquita nila ang apuy, at narin~gig nilang maliuanag ang putoc nang cañon, tiningnang magaling nang Capitan sa caniyang mapa; at naquitang sa lugar na yaon ay ualang lupang anoman sa loob nang sandaang leguas, at inisip nang lahat na ang apuy na yaon ay nangagaling sa isang sasac-yang nasusunog.

Caracaraca,y, tinicà nilang umabuloy, at pinihit ang sasac-yan sa lugar na yaon, at di pa nalalao,y, natalastas nila ang catutoohanan na may isang sasac-yang malaqui na nagninin~gas. Pagdaca,y, nagutos ang Capitan na magpaputoc nang cañon, at nang matalastas niyong man~ga caauaauang tauo na nalululan sa sasac-yang yaon, na nalalapit sa canila ang isang sasac-yan na madaling aabuloy sa canila. Di pa nalalaong nagpapaputoc, ay naquita nilang biglang tumapon ang sasac-yang nagninin~gas, casabay ang isang malaquing ugong, at namatay ang apuy. Dapat na matalastas na ang nin~gas ay dumating sa Santa Bárbara, sa macatouid, ay doon sa pinaglalag-yan nang pólvora sa sasac-yan.

Di pa nila naaalaman cung ano ang sinapit niyong man~ga caauaauang tauo. N~guni,t, dapat hinalain na sila,y, nacalipat sa canilang man~ga bangca bago nagputoc ang sasac-yan; dahil dito,y, hindi itiniguil nang Capitan ang pagpapaputoc nang cañon sa boong magdamag, at nang matalastas nang man~ga na sa pan~ganib ang quinalalag-yan nang sasac-yang ibig tumulong sa canila, at ipinasabit naman ang lahat nang man~ga farol at nang maquita nila. Sa quinabucasa,y, naquita nila sa largavista ang dalauang bangcang punó nang tauo na ipinaghahampasan nang alon. Dapat matalastas na ang han~gin ay sual sa canila, at sila,y, nagsisigaod sa boong macacayanan nang macarating sa sasac-yan. Capagdaca,y, ipinagutos nang Capitan na iban~gon ang bandila, at nang matalastas nila na natatalaga sa pagabuloy at pagtangap sa canila. Saca biglang inilapit ang sasac-yan sa canila; at sa loob nang calahating oras ay sila,y, inabutan.

May pitong puo catauo, na babayi,t, lalaqui at man~ga batà, at silang lahat ay pinasacay sa sasac-yan. ¡Anong diquit tingnan yaong man~ga caauaauang tauo, niong mailigtas sa apuy at pagcalunod! ang iba,y, hungmihiguit sa malaquing toua; ang iba,y, sungmisigao na parang hindi pa natatapus ang capan~ganibang canilang pinagdaanan. Mayroong nagsisilucso sa magcabicabilà nang sasac-yan na parang man~ga ulol; mayroong namumutlâ ang muc-hâ na ipinaquiquilala ang malaquing cadalamhatian nang canilang loob. Mayroon namang nan~gagtataua na parang han~gal, nan~gagsasayauan at nagsisigauan sa malaquing touà; ang iba,y, hindi naman macapan~gusap na parang napipi at nan~gaualang diua, na di matutong magsalità cataga man. Cun minsa,y, naniniclohod ang iba sa canila, itinataas ang man~ga camay sa lan~git, at nagpapasalamat nang malacas sa Pan~ginoong Dios, at halos pinaghimalaan sila sa pagcaligtas sa gayong capan~ganiban; cung minsa,y, biglang tungmitindig, pinupunit ang canilang man~ga damit, nananan~gis at nahahapay na parang man~ga patay, at nalalaon bago pagsaolan nang hinin~ga. Ualang marinero, cahit anong tigas nang loob, na sa pagcaquita nang gayong lagay, ay di tumulò ang luhà.

Doon sa man~ga cahabaghabag na tauo ay mayroong isang Sacerdoteng batà, na natutong gumauà nang dapat gauin. Bahaguia na lamang sungmasayad ang paa sa sasac-yan, ay naniclohod at idinamag ang muc-hâ sa lupà, na parang ualang caramdaman. Dinulog siya nang Capitan at aabuluyan, na ang isip ay siya,y, naghimatay datapoua,t, sinabi sa caniya nang Sacerdote nang boong capayapaan: «pabayaan ninyo acong magpasalamat sa May-capal, sa pagca,t, inibig na cami iligtas; pagcatapus ay pasasalamatan cayo namin naman dahil sa malaqui ninyong caauaang gaua sa amin.» Dito na lungmayò ang Capitan nang malaquing galang.

Ang Sacerdote ay lungmagui sa ganitong lagay na man~ga ilang minuto; pagcatapus ay tungmindig na natotouà, hinanap ang Capitan, at ipinaquilalang muli ang caniyang pagpapasalamat. Saca hinanap ang caniyang man~ga casamahan sa paglayag, at pinagsabihan nang ganito: «man~ga catoto co, sumapayapà cayo. Minarapat nang Pan~ginoon nang dilang caauaan na iligtas cayo nang caniyang maauaing camay. ¿Baquit pinaliliban ninyo ang mapacumbabang paggagauad nang pagpapasalamat sa caniya dahil sa di ninyo inaasahang pagcaligtas nang inyong buhay?» Maraming nagsisunod sa cahatulang ito.

Dito minulan ang pagsasalitâ na cung sino sila, at ang sa canila,y, nangyari. Ang nasunog na sasac-yan ay isang malaquing dâong francés na man~gan~galacal, na naglalayang sa Quebec. Tingnan ninyo ang nangyari papatun~go dito sa lugar nang América. Nacaquita sila nang apuy sa cámara, at biglang lungmaganap, na di nacuha nilang patayin, at ang nagaua lamang nila ay ang pagpapaputoc nang cañon, at ang paglipat sa man~ga bangca na di na nila natalastas cung ano ang sasapitin nilang capalaran. Ang lalong daquilang capan~ganiban, na sa caquilaquilabot na sandaling yaon ay ang baca ilubog sila nang han~gin sa dagat, yayamang ang canilang sinasac-yan ay man~ga bangca lamang, ó baca sila,y, mamatay sa gutom at uhao, ay caunting tinapay at tubig lamang na cacanin sa man~ga ilang arao ang canilang dalang baon.

Si Cárlos. ¿At anong cailan~gan nilang magdala nang tubig, cung sila,y, na sa sa ibabao nang tubig?

Ang Ama. Cárlos, ¿nacacalimutan mo na na ang tubig sa dagat ay totoong maalat at masaclap na di maiinom nino man?

Si Cárlos. Oo n~ga pala.

Ang Ama. Dito sa casindacsindac na calagayan ay narin~gig nila ang man~ga putoc nang cañon sa isang sasac-yan; at saca naquita nila ang man~ga nabibiting farol. Nagdaan nang calungcotlungcot ang magdamag sa pan~gin~gilabot at pagasa, na palagui silang sinasalun~gat nang alon, bagama,t, pinagpipilitan nilang totoo na macalapit sa isang sasac-yan. Sa catapusa,y, siyang pagliliuanag na nagbigay hanga sa canilang capighatian.

Sa boong oras na ito ay sinasalaguimsiman si Robinson nang man~ga caquilaquilabot na panimdim. «¡Man~ga lan~git! ang uicà sa caniyang sariling loob. Cung sa man~ga tauong ito,y, dili dapat maualan nang man~ga calolouang totoong mabubuti, ay nacaranas sila nang daquilang casacunaan, ¡ano ang aasahan co na isang palamara sa aquing man~ga caauaauang magulang!» Di siya patantanin nang panimdim na ito, nagdaramdam ang caniyang pusò nang isang malaquing capighatian; at namumutla,t, di macaimic, capara nang isang tauong sinisisi nang caniyang conciencia, ay nacaupong di macaquibo sa isang suloc. Binig-yan nang paginom na icaguiguinhaua ang man~ga tauong sinaclolohan, at nang magsauli ang naualang lacás nang canilang capaguran.

Pagcatapus nito,y, ang pinacapunò sa magcacasamang ito ay cungmuha nang isang supot na punò nang salapi, lumapit sa Capitan, at sinabi sa caniya, na yaon lamang ang canilang nacuha sa lungmubog nilang sasac-yan; na inihahandog sa caniyang parang isang munting tandâ nang canilang pagquilala nang utang na loob sa pagliligtas niya sa canilang buhay. «Houag ipahintulot nang Dios, ang sagot nang Capitan, na aquing tangapin ang ibinibigay ninyo. Ualà acong guinauà cundi ang inihahatol nang pagcacaauang gauà; at inaasahan co naman na siya ninyong gagauin sa amin, cung cami ang nagcaganoon.»

Ualang pinaquinabang ang muli,t, muling pagpipilit nang tauong yaon na tangapin ang ibinibigay niyang salapi; sa pagca,t, ayao na totoong pumayag ang Capitan, at hinin~ging magsalità siya nang ibang bagay. Pinagusapan nila cung saan magsisiahon ang man~ga francés na canilang sinaclolohan. Hindi nararapat na sila,y, dal-hin sa Guinea: ang una,y, sa pagca,t, totoong mabigat sa man~ga caauaauang tauong yaon ang sila,y, pilitin sa isang mahabang paglayag na patun~go sa isang bayan nang ualà silang cailan~gang anoman; at ang icalaua,y, sa pagca,t, sa sasac-yan ay ualang maraming pagcain na quinacailan~gan sa gayong caraming tauo.

Sa catapusa,y, pinasiya sa loob nang magandang loob na Capitan na magpaliguid nang man~ga ilang daang leguas, at nang mapaahon yaong man~ga caauaauang tauong canilang sinaguip sa Terranova, na doo,y, di sila mauaualan nang sasac-yan sa pagtun~go sa Francia, sa alin man sa man~ga sasac-yan nang man~ga francés na nanghuhuli nang isdang bacalao.

Si Luisa. ¿Ano ang panghuhuli nang bacalao?

Si Juan. ¿Di mo natatalastas ang sinasalità nang ating ama sa man~ga bacalao na nanggagaling sa dagat na malamig, hangan sa dumating sa man~ga cababauan sa Terranova na doon sila hinuhuli?

Si Luisa. Oo n~ga naalaala co na.

Ang Ama. Dumating n~ga sila sa Terranova, sa pagca,t, capanahunan na totoong nanghuhuli nang bacalao, ay nacatagpò sila nang man~ga sasac-yan nang man~ga francés na linulanan nila. Di sucat maipahayag nang bibig ang canilang pasasalamat sa magandang loob nang Capitan. Bahaguia na lamang cacalilipat sila sa sasac-yan nang man~ga taga roon sa canila, ay sila,y, nagbalic at napatun~go sa Guinea, sinang-ayunan naman sila nang han~gin. Tungmatacbo ang sasac-yan sa tubig, na para nang ibong lungmilipad sa impapauid: sa sandaling panahon ay naraanan nila ang maraming leguas, at ualang totoong iquinatotouà ang ating Robinson, yayamang siya,y, totoong maiinipin, na para nang madali ang anomang bagay.

Pagcaraan nang man~ga ilang arao, sa pagpapatuloy nila nang paglayag na patun~go sa dacong Timogan, ay biglang naquita nila ang isang sasac-yan na lungmalapit sa canila; at nang macaraan ang ilang sandali ay nacarin~gig sila nang putoc nang cañon na hungmihin~gi nang tulong, at naquita nilang sira na ang palo nang trinquete at ang bauprés.

Si Nicolás. ¿Ano po ang bauprés?

Ang Ama. Inacalà cong di mo pa nalilimutan.

Si Nicolás. Naalaala co na: ang bauprés ay isang palong munti na hindi nacatayo na para nang iba; cundi nacahiga na na sa unahan nang sasac-yan, na para siyang pinaca tucâ nang daong.

Ang Ama. Oo n~ga; lungmapit n~ga sila sa sasac-yang nasiraan; at nang malalapit nang sucat macapagabutan nang salitâ, ay nan~gagsigauan ang man~ga na sa tabi nang sasac-yan nang calumbay lumbay, na ang uica,y, ganito: saclolohan ninyo itong sasac-yang punò nang man~ga caauaauang tauo, na cundi ninyo cahahabagan ay man~gamamatay.

Itinanong sa canila cung baquit sila nagcaganoon; at sungmagot ang isa sa canila nang ganito: cami ay man~ga inglés na napapatun~go sa pulong tinatauag na Martinica na nasasacupan nang Francia. Tingnan ninyo, man~ga anac co: ang Martinica ay na sa sa guitna nang América.) Cami ay maglululan nang café, at nang cami,y, nadodoong na roon at papatulác na, ay umahon ang aming Capitan at ang contra-maestre dahil sa bibili nang man~ga ibang bagay. Habang aming inaantay ay lungmalacas na totoo ang han~gin na may catacottacot na ipoipo, na naputol ang lubid na tali sa sinipete; at cami napatulac sa calautan nang dagat na di namin mapiguilpiguilan. Ang bagyó....

Si Teodora. ¿At anong cahulugan nito?

Ang Ama. Ang bag-yó ay isang totoong malacas na han~gin na hungmihihip na parang ipoipo, at nangagaling sa man~ga nagcacasalusalubong na han~gin.

Tatlong arao at tatlong gabi na di tungmatahan ang mabilis na han~gin; nabali ang tatlo naming palo, at sinoman sa amin ay di marunong magpalacad nang sasac-yan. Siyam náng lingo na cami ay lulutanglutang sa guitna nang caragatan; natapus nang lahat ang aming baon at marami sa amin ang mamamatay sa gutom.

Capagcarin~gig nang salitang ito, ay ang mabuting loob na Capitan caracaraca,y, lumulan sa bangca, at nagdala nang camunting pagcain, saca lumipat sa cabilang sasac-yan na casama ni Robinson.

Naquita nila ang man~ga tauo sa isang calagayang cahabaghabag. Ang lahat ay nan~gagugutom, at ang iba,y, bahaguia na lamang macatayò. Datapoua,t, capagcapasoc sa cámara ... ¡Ó Dios! ¡Caquilaquilabot na bagay! isang ina na may isang anac at isang alilang batà ay nan~gacasubasob, at ayon sa canilang calagayan ay man~ga patay na sa caculan~gan nang pagcain. Ang ina,y, naninigas na nacaupò sa calaguitnaan nang dalauang upuang nagcacatali, at nahihilig ang ulo sa isang panig nang sasac-yan: ang alila,y, nacabulagtâ sa caniyang siping na totoong habà at nacatan~gang mahigpit sa isang paa nang mesa; ang binata,y, nacahilig sa isang hihigan, at naquiquita pa sa bibig ang capisang na balat na quinain na ang calahati.

Si Luisa. Sinasalità pò ninyo sa amin ang man~ga bagay na totoong calumbaylumbay.

Ang Ama. May catouiran ca. Hindi co naalaalang ayao cayong maquinyig nang man~ga bagay na calumbaylumbay. Liligtaan co ang sacunáng ito.

Ang Lahat. Houag pô, houag pô.

Si Luisa. N~gayo,y, masasalità na ninyong lahat.

Ang Ama. Cung gayon ang ibig ninyo, ay sasabihin co muna, cung sino ang man~ga cahabaghabag na nahahandusay sa isang cahambalhambal na calagayan.

Ito,y, man~ga sumacay sa sasac-yang yaong galing sa América na patun~go sa Inglaterra; at ang lahat nang casacay ay nan~gagpapatotoo na totoong mabubuting tauo. Totoong malaqui ang pagibig nang ina sa anac, na ayao cumain nang anoman, at ibinibigay na lahat sa caniyang anac; at gayon din naman itong mabuting anac na ang lahat ay ipinacacain sa caniyang ina. Ang tapat na loob na alilang babayi ay totoong nagpipighati dahil sa caniyang man~ga pan~ginoon na mahiguit sa pagpipighati niya sa caniyang sarili. Inacalang patay na ang tatlong ito; datapoua,t, hindi naglaon at napagtalastas na may natitira pang caunting buhay, sa pagca,t, bahaguia na lamang binusan ang bibig nang caunting sabao ay iminulat na marahan ang canilang man~ga mata. Ang ina,y, totoong nanghihinà na, na hindi macalagoc nang anoman, at ipinaquilala na ang ibig lamang niya ay ang calin~gain ang caniyang anac. Sa catunaya,y, mapamayamaya ay nalagot ang hinin~ga.

Sa pagcacalin~ga at pagbibigay nang cagamutan sa dalaua, ay pinagsaulan, sa pagca,t, man~ga batà pa, ay nan~gabuhay. Datapoua,t, nang maquita nang binatà na ang caniyang ina ay patay na, ay totoong nagpighati siya, na dahil dito,y, siya,y, nalugmoc na muli, at totoong matagal bago siya pinagsaulan. Sa catapusa,y, nabuhay din ang binatà at ang alilang babayi.

Ang guinaua nang Capitan ay cungmuha nang man~ga pagcaing baon na totoo nilang quinacailan~gan sa sasac-yan. Ipinagutos sa caniyang man~ga anloagui na gauin ang man~ga casiraan sa caniyang sasacyan; itinurò sa man~ga tauo ang nararapat gauin nang dumating agad sa man~ga pulóng Canarias na siyang totoong nalalapit doon; at lumayag naman siya na paparoon, at nang siya,y, macacuha nang ilang bagay na sucat dal-hin sa sasac-yan. Ang isa sa man~ga pulóng ito ay tinatauag na Tenerife, para nang natatalastas ninyo.

Si Enrique. Oo n~ga; iya,y, nasasacop nang hari sa España.

Si Juan. Na pinangagalin~gan niong totoong mabuting alac na tinatauag na de Canarias ...

Si Teodora. At ang man~ga tubó na guinagauang asucal ...

Si Luisa. At yaong man~ga ibong totoong maririquit ... ¿Di pò baga catotoohanan?

Ang ama. Totoo n~ga; sa pulóng ito,y, lumunsad ang Capìtan, at diyan umahon si Robinson na casama niya. ¡Gaano ang touà niya sa panonood niong man~ga ubasang totoong maririquit, at sa pagcain niong man~ga ubas na totoong masasarap!

Si Juan. At maquiquita naman niya ang pagyurac sa ubas at nang mapisà at gauing alac ang catás.

Si Luisa. ¿Paa baga ang iniyuyurac?

Si Juan. Mangyari.

Si Luisa. Aco,y, hindi iinum niyan, sa pagca,t, niyuyuracan nang paa.

Si Nicolás. Hindi naman cailan~gan; sa pagca,t, sinabi sa atin nang ating ama na ang alac ay masamâ sa man~ga batà.

Ang ama. Gayon n~ga: ang man~ga batang nararatihang uminom nang alac ó iba pang licor na matatapang ay nanghihinà ang catauan, at pungmupurol ang ulo.

Si Juan. Cung gayo,y, hindi cami iinom nang alac.

Ang ama. N~gayon, naguing cailan~gan nang Capìtan na tumiguil na sandaling panahon sa pulóng yaon, at nang ipagauà ang caniyang sasac-yan na may munting casiraan, ay ang ating Robinson ay nainip caracaraca sa pagtira doon; sa pagca,t, totoong mainipin at salauahan, ay ibig niyang umalis na at magala ang boong mundo. Niyao,y, dumating ang isang sasac-yang portugués na nangaling sa Lisboa, at daraan sa Brasil, caharian sa América meridional.

Si Enrique. _(Itinurò ang mapa at saca tumanong.)_ ¿Ang Brasil pò baga,y, di itong lugar na di pa nalalaong nasasacop nang man~ga portugués, at doo,y, maraming totoong guintô at man~ga batóng mahalaga?

Ang ama. Oo n~ga. Naquipagcaibigan si Robinson sa Capitan nang sasac-yang ito; at bahaguia na lamang narin~gig ang guintô at man~ga batóng mahalaga, ay totoong nagpapacamatay nang pagparoon sa Brasil at nang punoin niya ang caniyang supot nang naturang guintô at maririquit na bató.

Si Nicolás. Datapoua,t, ¿di caya niya naaalaman na sinoma,y, di macacucuha niyong man~ga guintò at man~ga batóng yaon, sa pagca,t, ari nang hari sa Portugal?

Ang ama. Dito mo maquiquita na si Robinson ay hindi nacatatalastas nito, sa pagca,t, sa caniyang cabataan ay ayao bumasa,t, magaral nang anoman. Sa maquita n~gang siya,y, ipagsasama nang Capitang portugués na di papagbabayarin nang anomang, at bucod dito,y, ang sasac-yan nang man~ga inglés ay matitiguil na may labing limang arao, ay hindi na napiguil ang caniyang sariling loob sa pagnanasang macaquita nang man~ga bago,t, bagong lugar; at sinabi niyang tuloy sa mabuti niyang caibigan na Capitang inglés, na siya,y, iiuan, at sasacay siya na patun~go sa Brasil. Itong Capitan, na nacatalastas sa bibig din ni Robinson na siya,y, umalis na ualang pahintulot at di naaalaman nang caniyang man~ga magulang, ay natouang di hamac na mapahiualay sa caniya. Ipinatauad ang salaping ipinautang sa caniya sa Inglaterra, at sa pagpapaalam niya ay siya,y, pinabaunan nang mabubuting cahatulan.

Sumacay na si Robinson sa daong nang man~ga portugués, at naglayag na patun~go sa Brasil at pinatnugutan naman nang mabuting panahon na man~ga ilang arao. Datapoua,t, di caguinsa guinsa,y, hinampas sila nang caquilaquilabot na han~gin.

Ang bumubulang alon na bumaban~gon at napaiitaas na parang isang malaquing bahay, ay humahampas sa sasac-yan na ibinababa at itinataas; di nagtatahan ang samà nang panahon sa loob nang anim na arao na ualang licat, na iquinalayong lubhâ nang daong na di na maalaman nang Capitan at nang piloto cung saan sila naroroon. Gayon ma,y, inacalà nila na sila,y, di lubhang nalalayô sa man~ga pulò nang man~ga Caribes, na dito,y, maquiquita ninyo sa mapa na na sa calaguitnaan nang man~ga Antillas menores.

Nang magumaga nang icapitong arao ay nagbigay nang isang malaquing touà ang isang marinero na biglang sumigao nang ganito: lupà, aniya, lupà.

Ang ina. Datapoua,t, bayaan nating sila,y, lumapit sa lupà, at tayo,y, lumapit naman sa pagcain nang hapunan, na nagaantay na. Bucas ay matatalastas natin ang nasapit nila.

Si Teodora. ¡Ay, ina co! pabayaan pô ninyong mapaquingan namin hangang sa umahon man lamang, at cung ano ang sinapit nila roon. Malaqui ang pagcaibig cong cumain na lamang nang caunting tinapay, nang aco,y, matira rito sa paquiquinyig nang salitâ, cung ipatutuloy nang aquing ama.

Ang ama. Mangyayari namang tayo,y, cumain nang hapunan dito sa parang.

Ang ina. Cung siyang ibig mo ay ipaguutos cong dalhin dito ang hapunan: at samantalang hindi dumarating, ay tumahimic tayo at paquingan natin ang salità.

Ang lahat. ¡Cung gayo,y, mabuti!

