# Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

## Part 10

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/ang-bagong-robinson-tomo-1-20858/index.md

Ang ama. Hindi n~ga ibang bagay, at cung mayroon cayong sucat pasalamatan sa aquin balang arao, ay itong paghihirati co sa ínyo na cayo,y, matutong magtiis, cundi ninyo quinacamtan ang totoo ninyong pinagnanasaan.

Nang macaraan ang man~ga ilang arao na di napagsasalitaan ang tungcol cay Robinson, ay dumating ang ninanasang oras nang ama na big-yang caaliuan ang nagbatang loob nang man~ga batà, at ipinatuloy ang pagsasalitâ nang historia nang ganito:

Gabi na n~ga, para nang sinabi co sa inyo, at si Robinson ay nahihigang matahimic sa caniyang hihigang damong tuyô na casama nang maamó niyang hayop, nanaguinip na para nang nacaugalian niya, anaqui quinacausap ang caniyang man~ga magulang, di caguinsaguinsa,y, nayanig nang malacas ang lupa, at narin~gig ang isang madagundong na ugong, na may casamang malalacas na patac, na parang nagsabaysabay. Naguising si Robinson na quiniquilabutan, at di niya maalaman cung ano ang nangyayari, at cung ano ang caniyang gagau-in. Hindi naghuhumpay ang sunodsunod na culog, at gayon din naman ang isang marahas na sigua na nagpapabual nang man~ga cahoy, at sampo nang man~ga bató, at pinaaalon ang nagn~gan~galit na dagat hangan sa cailaliman. Nalilingatong ang man~ga elementos, at tila nan~gagaauay ang sangsinucuban. Sa malaquing catacutan, ay lumabas si Robinson sa caniyang yun~gib, at ganito rin naman ang guinaua nang man~ga natatacot niyang hayop; datapoua,t, bahaguia na lamang nacalalabas, ay biglang lumagpac ang man~ga malalaquing bató na pinacabubong nang caniyang yun~gib sa tapat nang caniyang hinihigan, na umugong nang caquilaquilabot. Si Robinson dala nang malaquing catacutan ay nagtatacbo sa pintò nang caniyang bacuran, at nagsisunod naman ang man~ga caauaaua niyang hayop.

Ang naisipan niya,y, umaquiat siya sa isang malapit na bundoc, sa isang tabi na inaacala niyang hindi siya malalagpacan nang man~ga nabubual na cahoy, at nang houag siyang mamatay. Nang siya,y, napatutun~go na roon, ay naquita niya nang malaquing catacutan na nabuca ang bundoc at bumubuga ang asó, nin~gas, abo, man~ga bató, at isang bagay na mainit at malambot na tinatauag na _lava_. Cahima,t, lubhang mabilis ang caniyang pagtacbo, ay bahaguia na lamang siya nacaligtas sa capan~ganibang ito; sa pagca,t, ang nagninin~gas na lava, ay lubhang marahas na parang agos, at ibinubuga sa magcabicabila ang man~ga pisang pisang na bató na bumabacsac na parang ulan.

Nagpatuloy siya nang pagtacbo sa tabi nang dagat, at ang acala niya,y, ualang malaquing capan~ganiban doon; datapoua,t, doo,y, siya,y, inaantay nang isang casacunaan. Isang marahas na ipoipo, na humigop nang maraming tubig, na sa cabigatan ay biglang lumagpac, na naguing isang malacas na ulan, na iquinaapao nang tubig sa sandaling panahon sa lupang yaon.

Si Robinso,y, nangyaring nacaaquiat sa isang cahoy nang totoong malaquing cahirapan; datapoua,t, ang man~ga caauaaua niyang hayop ay natan~gay nang marahas na agos. ¡Ah, gaanong pagpipighati nang pusò ni Robinson sa caauaaua nilang pagun~gal! Nang mangyaring houag mamatay ang man~ga cahabaghabag niyang hayop ay ilalagay sana niya sa pan~ganib ang caniyang buhay, cung hindi totoong napalayo, dahil sa catulinan nang agos.

Nagtagal pa nang man~ga ilang minuto ang lindol; at saca biglang tumiguil. Humipá ang sigua, ang pagbuga nang apuy sa nabucang lupa ay untiunting nauauala; tumiguil ang ugong, at sa loob nang calahating oras ay cumati ang tubig.

Si Teodora. ¡Salamat sa Dios at nacaraan na ito! ¡caauaaua si Robinson! ¡Caauaaua ang man~ga hayop!

Si Luisa. ¡Totoong malaqui ang pagcagulat nila!

Si Carlos. ¿At baquit pô lumilindol ang lupa?

Si Juan. Matagal nang panahon sinabi iyan nang ating ama; datapoua,t, uala ca rito niyon.

Ang ama. Ipaaninao mo sa caniya, Juan.

Si Juan. Tingnan mo; sa ilalim nang lupa ay may maraming totoong malalaquing lun~gâ, na parang man~ga yun~gib; at itong man~ga lungang ito ay punò nang han~gin at man~ga init nang lupa, ó man~ga sin~gao. At diyan nama,y, may man~ga asupre, at iba pang man~ga bagay na cung minsa,y, nagiinit at nagninin~gas capag nalamigan.

Si Teodora. ¿At baquit nagiinit at nagninin~gas sa calamigan?

Si Juan. ¿Di mo naquiquita na ang apuy capag binusan nang tubig ay tila cumuculà, at capag mainit ang arao at umulan ay ang isinisin~ga ay mainit? Gayon din naman sa ilalim nang lupa ay nagiinit ang man~ga bagay na naroon, capag inaabot nang tubig, at capag nagiinit na sa man~ga lungang yaon, ay ang han~gin na ibig lumabas ay ualang paglabasan, at sa pagiibig lumabas ay ito ang inililindol nang lupa, na cung minsan ay pumuputoc at nalalahang ang lupa, at sa lahang na ito ay lumalabas ang man~ga asupre at iba pang bagay na nagninin~gas.

Ang ama. Ang dito sa man~ga bagay na nagninin~gas, para nang man~ga bato, man~ga tingâ, bacal at iba pa ay nangagaling yaong tinatauag na _lava_. Nabasa cong minsan sa isang libro, na sino ma,y, macagagaua nang isang bundocbunducan na bumubuga nang apuy. Cung ibig ninyong maquita, ay ating ticmang isang arao.

Ang lahat. Oo pô.

Si Juan. ¿At paano pô ang paggauà nito?

Ang ama. Huhucay sa lupang basà, at bubusan nang asupre at pinagquiquilan nang bacal, at ang man~ga bagay na ito,y, nag iinit na cusà, at dito naquiquita ang pagcatotoo na cung baquit may lumalabas na apuy sa man~ga bundoc.

Samantalang si Robinson ay bumababa sa cahoy ay ang caniyang loob ay totoong nagpipighati at totoong nalulupaypay sa casacunaang sa caniya,y, nangyari, na disi na naisipan tuloy na magpasalamat sa nagligtas sa caniyang muli sa isang malaquing capan~ganiban na sucat icamatay. Tunay n~ga,t, ang caniyang calagayan ay totoong cahabaghabag mahiguit sa dati. Ang caniyang yun~gib, na nacaisaisang tinatahanan magpahangan sa arao na yaon, ay humuhò na, at tila di na niya matatahanan cailan man: ang man~ga maamò at minamahal niyang hayop ay natan~gay nang tubig at inaacala niyang nan~gamatay na ang lahat nang caniyang man~ga gauà ay nasira at naualang cabuluhan ang caniyang inaacalà. Baga ma,t, ang bundoc ay hindi na bumubuga nang apuy, ay sumisin~gao na paitaas ang isang maitim at macapal na asó, na tila magmula niyaon ay ang bundoc na yao,y, naguing volcan. Sa bagay na ito,y, ¿paanong pangyayari na tumaban doon si Robinson nang iisa mang sandali na di quiniquilabutan ang loob? ¿Di caya nasisindac siya na baca cung lumindol na naman ay bumuga ang apuy? Totoong nasira ang caniyang loob sa capighatian; at bago magsacdal sa Dios, na síya lamang batis nang tunay na caaliuan, ay ang caniyang hinaharap lamang ay ang sasapitin niyang caralitaan, na inaacala niyang di na matatapus.

Lumapit sa punò nang cahoy na caniyang binabaan; at doo,y, nanambitan nang calumbaylumbay na man~ga paghibic, na nangagaling sa nagsisicsic niyang pusò at nagpalumagui na ualang munting caaliuan sa gayong calagayan, hangan sa mamanaag ang arao na nagpapaquilala nang paguumaga.

Si Teodora. N~gayon co naquita na may catouiran ang ating ama.

Si Ramon. ¿At baquit?

Si Teodora. Inaacala cong di pa nalalaon na si Robinson, sa pagca,t, nagbago nang asal, ay catouirang han~goin na siya nang Dios sa man~ga cahirapan sa pulóng yaon; at ang sagot nang ating ama, ay ang Pan~ginoong Dios ang siyang nacaaalam sa lahat, at hindi nararapat na ating bulaan ang caniyang calooban. Datapoua,t, n~gayo,y, naquiquita co na si Robinson ay hindi pa umaasa nang dapat sa Dios, at nauucol na houag muna siyang han~goin sa pulóng yaon.

Si Nicolás. Ganito rin naman ang inaacala co, at caya hindi co siya iniibig na para nang dati.

Ang ama. Uastò ang inyong pagdidilidili man~ga anac co, sa pagca,t, naquiquita nating tunay na si Robinson ay hindi pa napupuspos niyong matibay at ualang pagmamalio na pagasang anac sa Maycapal nang matapus nang caniyang matangap ang maliuanag na catotohanan nang caniyang cagalin~gan at carunun~gan. Datapoua,t, bago natin siya sisihin, ay lumagay tayo sa caniyang calagayan, at siyasatin natin ang ating sariling consciencia, na tumanong tayo sa ating sarili, na cung lalong magaling ang ating gagau-in cung tayo,y, nalalagay sa calagayan ni Robinson. ¿Ano ang acalà mo, Nicolás? cung icao baga,y, si Robinson, ¿ay magcacaroon ca caya nang lalong malaquing pagasa na mahiguit sa caniya?

Si Nicolás. _(Sumagot siya nang marahan at pacumbaba.)_ ¿Ano pô ang quinaalaman co?

Ang ama. Alalahanin mo na niyong icao ay magcasaquit nang malubhâ sa mata at naguing cailan~gan ang tapalan nang cantárida, ay ipinagtiis mo nang malaquing hapdi. Maaalaala mo na ang caculan~gan nang iyong pagtitiis at cahinaan nang iyong loob, baga ma,t, ang iyong saquit ay tumagal nang tatlong arao lamang. Inaacalà co na n~gayong icao ay lumalaqui laqui na ay mababatá mo nang lalong malaquing catiisan ang gayong saquit; datapoua,t, ¿magcacaroon ca baga niyong catibayan at capacumbabaan nang loob na quinacailan~gan sa pagbabatá niyong lahat na dinadalita nang caauaauang si Robinson? ¿Ano ang uica mo dito? inaacalà co na ang dimo pagimic ay siyang tunay na casagutan sa itinatanong co sa iyo. Sa pagca,t, (sálamat sa Dios) cailan ma,y, di mo sinapit ang man~ga caralitaan nang caauaauang si Robinson, ay hindi mo masasabi cung ano ang iyong dadamdamin at aasalin cung nagcagayon ca. At caya n~ga ang dapat nating gau-in, ay tayo,y, mahirati sa pagtitiis nang man~ga munting cahirapan, na marahil ay ipagcacamit natin nang catiisan at pagasa sa cagalin~gan nang Dios, at nang cung masanay ang ating loob, ay mangyaring tiisin natin ang lalong man~ga malalaquing cahirapan na minamarapat nang Dios na ipahatid sa atin.

Naguumaga na n~ga; at sinicatan nang bagong liuanag na nagbibigay ligaya sa lahat ang caauaauang si Robinson na nacahilig sa cahoy, at na sa isang cahabaghabag na calagayan na para nang sinabi na natin. Hindi napipiquit munti man ang caniyang mata sa boong magdamag, at ang caniyang iniisip ay cung ano ang caniyang casasapitan.

Sa catapusa,y, lumacad siyang hahapayhapay, na para nang isang tauong nagaantoc, at dumating siya sa gumuhò niyang tahanan. Datapoua,t, ¡laquing caligayan ang dinamdam niya nang caniyang maquita sa tabi nang caniyang bacod!... ¿Ano caya ang caniyang naquita?... Ang caniyang man~ga minamahal na hayop, na mabubuti at malalacas, at nan~gatototouang nan~gaglulucsuhan sa pagsalubong sa caniya. Tila di siya macapaniuala sa caniyang naquiquita; datapoua,t, inalis siya sa pagaalinlan~gan nang man~ga naturan niyang hayop, na lumapit sa caniya, hinimuran ang caniyang camay, at ipinaquiquilala ang canilang catouaan sa pagsisigauan at paglulucsuhan nang siya,y, maquita.

Si Robinson na magpahangan sa oras na yaon ay tila nauaualang diuà, ay caracaraca,y, pinagsaolan; tiningnan ang caniyang man~ga hayop, at pagcatapus ay itinaas ang mata sa lan~git, na lumuluhà, hindi lamang sa catouaan, cundi naman sa pagpapasalamat at pagsisisi sa di niya pagasa sa Dios; at nilarò niya ang man~ga nagsauli sa caniyang hayop, pagcatapus ay tiningnan cung ano ang calagayan nang caniyang tahanan.

Si Enrique. ¿At baquit pò naligtas ang caniyang man~ga hayop?

Ang ama. Ualang pagsalang niyong sila,y, madala nang tubig, ay naanod sila sa isang lugar na mababao, at nang sila,y, dumating doon ay sila,y, nagtacbuhan hangan sa sila,y, dumating sa canilang tahanan.

Siniyasat ni Robinson ang caniyang yun~gib; at malaqui ang panguiguilalas nang caniyang maquita na hindi totoong malaqui ang casiraan, para nang inaacala niya sa caniyang catacutan. Tunay n~ga at gumuhò ang batong pinacabubong, na casama ang lupang quinatatamnan, datapoua,t, hindi niya totoong pagpapaguran na caniyang alisin ang gumuhò sa loob nang caniyang yun~gib, na dahil dito,y, magcacaroon siya nang isang tahanang lalong maluang at maguinhaua na mahiguit sa dati.

Bucod dito,y, may isa pang bagay na nagpapaquilalang maliuanag na di ipinahintulot nang Dios ang sacunang yaon sa pagpaparusa cay Robinson, cundi bagcus pa n~gang sa pagiin~gat at pagcacalin~ga sa caniya; sa pagca,t, nang siya,y, malapit na at mapagsiyasat ang lupang parang quinatatamnan niyong batong malaqui na naguiguing pinacabubong nang caniyang tahanan, ay quinilabutan siya, sa pagcaquitang nalilibot nang lupang buhaghag, na sa calaunan nang panahon ay sapilitang guguhò dahil sa cabigatan nang batong yaon at sa cabuhaghagan nang lupa. At tingnan ninyo rito ang ualang hangang carunun~gan nang Dios na nacatatalastas na cung hindi mahulog ang batong yaon sa paglindol, ay mababacsacan si Robinsong na sa loob na ualang pagsala; at caya n~ga inibig na sa paglindol ay umugong, at sa catacutan ni Robinson ay lumabas, at cundi gayon ay sapilitang mamamatay siya.

Dito matatalastas ninyo, man~ga anac co, na quinacalin~ga siya nang Dios nang tan~ging pagibig sa oras na inaacalà niyang siya,y, pinababayaan at quinalilimutan, at nang mangyaring siya,y, maipagadya ay guinauang casangcapan ang paglindol na caquilaquilabot, na inaacalà ni Robinson na siyang catapusan niya. Mangyayari naman sa inyo sa inyong pamumuhay ang naranasan ni Robinson, cung pagmamalasin ninyong magaling ang man~ga guinagauang paraan nang Dios sa pagcalin~ga sa inyo; at sa alin mang calumbaylumbay na calagayan na inyong sasapitin sa man~ga haharap na arao ay mamamasdan ninyo ang dalauang catotoohanan: ang isa ay ang man~ga tauo,y, nagaacalang palagui na ang canilang man~ga casacunaan ay mahiguit sa catunayan; at ang icalaua,y, caya ipinahahatid nang Dios sa atin ang anomang caralitaan ay dahil sa siyang dapat sa catouiran, na cung sa bagay ay ualang pagsalang mapapanuto sa tunay nating capalaran.

Pagpilitan nating touina,y, igalang ang lihim nang Amang Macapangyarihan, sa pagca,t, ang ating boong capalaran ay na sa caniyang mapagpalang camay.

Ang lahat nang bagay sa sangmaliuanag capurihan niya ang ibinabansag, at sa ating pusò ay humihicayat paglingcoran siya nang boong pagliyag.

Ang lalong mapait sa caralitaan ay isang biyayang tan~gi nang Maycapal, tandang maliuanag na ibig pacamtan sa atin ang touang ualang catapusan.

=ICASAMPUONG HAPON=.

_Ipinatuloy nang ama ang historia._

Nagpasalamat sa Dios si Robinson dahil sa inaligtas siya sa bagong capan~ganiban, at maligaya nang ipinatuloy ang pagaalis niya nang man~ga gumuhong bató sa caniyang tahanan. Hindi niya pinaghirapang totoo ang pagaalis nang lupa at batong maliliit; datapoua,t, sa cailaliman ay natitira ang isang malaquing bató; na baga ma,t, mabigat ay quinacailan~gan tila ang calacasan nang maraming tauo, nang maquilos sa quinalalag-yan.

Tinicman niyang itinulac ang pinacamaliit; datapoua,t ualang quinasapitan, sa pagca,t, quinacailan~gan ang lalong malaquing lacas; at nang matantô niyang ualang casasapitan ang caniyang pagod ay di maalaman cung ano ang caniyang gagau-in.

Si Juan. Cung aco,y, si Robinson ay naalaman co cung paano ang aquing gagau-in.

Ang ama. Tingnan natin cung paano ang iniisip mo.

Si Juan. Guinamit co sana ang isang palanca; para nang guinagaua natin niyong arao, niyong pinagugulong natin ang isang cahoy na mahaba.

Si Teodora. Yao,y, hindi co naquita. ¿At ano caya ang _palanca_?

Si Juan. Isang cahoy na mahaba at macapal, at ipinapasoc ang isang dulo sa tabi nang cahoy ó batong bubuhatin, at ilinalagay sa ilalim ang capirasong cahoy ó bató; at saca pinaglalambitinan na tiniticuas ang cabilang dulo nang cahoy nang paggugulong.

Ang ama. Sa ibang arao ay ipahahayag co sa inyo ang cadahilanan nito. Paquingan ninyo n~gayon ang guinaua ni Robinson.

Nang matapus na siya,y, macapagcurocurò na mahabang oras sa catapusa,y, humun~go sa caniyang isip ang _palanca_; nang maalaala niyang sa caniyang cabataan ay naquiquita niya, na guinagaua nang man~ga tauo ang gayong paraan sa pagbuhat nang anomang bagay na mabibigat, ay pinasiya sa loob na caniyang ticman.

Totoong lumabas na magaling ang caniyang acala, na sa loob nang calahating oras ay nailabas na niya sa caniyang yun~gib ang dalauang bato, na bahaguia na lamang maquiquilos nang dalauang catauo cung sa camay lamang pararaanin; at malaqui ang caniyang catouaan nang maquitang ang caniyang tahanan ay lumaquing di hamac na mahiguit na dalaua sa dati, bucod dito,y, lalong tumibay sa caniyang acala; sa pagca,t, ang naguiguing pinacapader at bubong, ay ang malaquing batóng ualang laman ang loob, na sa magcabicabila ay ualang mahahalatang butas.

Si Nicolás. Datapoua,t, ¿ano pong nasapit nang caniyang gagamba?

Ang ama. Natotoua aco,t, ipinaalaala mo sa aquin. ¡Caauaauang gagamba! at nalilimutan co na. Ang masasabi co lamang sa iyo, ay ualang pagsalang namatay siya sa pagguhô nang bató. Ang tunay ay hindi na naquitang mulî ni Robinson, at iquinatoua na niya ang pagcauala nito dahil siya,y, may casama nang man~ga hayop na llama.

Nan~gahas siyang lumapit sa volcan, na linalabasan nang maitim na asó; datapoua,t, ¡gaano ang caniyang panguiguilalas nang maquita ang caramihan nang man~ga bagay na nan~gatutunao at umaagos sa linibid-libid nang volcan, at hindi pa lumalamig! hindi siya macalapit na totoo, at pinanonood niya sa isang lugar na may calayuan ang caquilaquilabot na pagusoc, sa pagca,t, pinipiguil siya nang caniyang catacutan at nang cainitan na houag siyang lumapit doon.

Nang matalastas niyang ang man~ga bagay na iniaanod nang volcan ay napatutun~go sa lupang tinutubuan nang man~ga patatas, quinilabutan siya sa pagiisip na baca yaong umaagos na apuy ay nacasira sa halamang yaon; at hindi siya natahimic han~gan sa di siya nacarating doon. Pinaronan n~ga niya ang lupang quinatatamnan nang man~ga patatas, at di mamagcano ang caniyang catouaan nang caniyang maquitang hindi naaano; datapoua,t, sa anomang mangyari, ay inaacalà niyang magtanim nang man~ga patatas pa sa iba,t, ibang lugar nang pulò at nang cung anoman ang mangyari ay houag siyang maualan niyong totoong mahalagang bun~ga; at baga ma,t, ayon sa inaacala niya, ay totoong malapit na ang invierno, ó taglamig, ay ang uica niya sa sarili: ¿sino ang nacatatalastas cung ang man~ga halamang ito,y, hindi naaano sa taglamig?[5]

Nang matapus na siyang macapagtanim, ay hinarap niya ang paggauà nang caniyang cusina; at dito naman sa caquilaquilabot na bagay na caniyang naranasan ay naguing dahil nang isang malaqui niyang capaquinaban~gan. Sa pagca,t bucod sa man~ga ibang bagay na ibinubuga nang volcan ay may nacacasamang man~ga bató nang apog. Caraniua,y ang guinagauà sa man~ga batóng ito ay sinusunog muna sa isang horno; datapoua,t, dito,y, di niya quinacailan~gan, sa pagca,t, naguiguing pinacahorno na ang volcang nagninin~gas. Si Robinson ay uala nang sucat gau-ing ibang bagay cundi ang humucay sa lupa nang isang balón, at ilagay doon ang man~ga bató nang apog, pagcatapus ay busan nang tubig sa ibabao, at saca haluin. Capag nagauá na ito ay sucat nang magamit sa paglilichada; at hinaluan nang caunting buhan~gin ni Robinson, at dahil dito,y, naipatuloy ang caniyang gauà nang malaquing caligayahan niya.

[Talababa 5: Sa Europa, cung panahon nang taglamig ay nalalagas ang man~ga dahon nang man~ga halaman na parang patay, at hindi nagsisipamun~ga sa panahong yaon.]

Samantalang siya,y, gumagauà ay tumiguil nang pagusoc ang volcan, dahil dito,y, nan~gahas nang lumapit si Robinson sa bibig niyong volcan, doon niya natalastas na hangang ilalim ay malamig na, at sa pagca,t, ualà nang lumalabas camunti mang usoc, ay inacalà niyang napugnao na ang apuy sa ilalim nang lupà, at ualà na siyang sucat catacutan.

Nanghinayang ang caniyang loob sa bagay na ito, at inisip niya ang paghahandâ nang babaunin sa invierno ó taglamig; dahil ditò,y, humuli siya nang ualong hayop na llama sa paraang guinauà niya nang una. Ang lahat ay caniyang pinatay, liban na lamang sa isang lalaqui na isinama niya sa tatlong maaamò na; at ibinitin sa caniyang cusina ang caramihan nang laman nang man~ga hayop na ito, at nang caniyang mapaasuhan, datapoua,t, ibinabad muna niya sa asing man~ga ilang arao, sa pagca,t, naalaala niyang ganito ang guinaguà nang caniyang ina sa canilang bahay.

Bagama,t, labis na ang inihandâ niyang cacanin sa taglamig, ay natatacot si Robinson na bacá hindi magcasiya sa caniya, cung sacali,t, ang taglamig ay totoong mahigpit at matagal; sucat sanang macahuli nang marami pang man~ga hayop na llama; datapoua,t, humihirap nang humihirap nang paghuli, sa pagca,t, ang man~ga hayop na yaon ay natatacot na sa silò.

Quinacailan~gang magisip nang ibang paraan sa paghuli sa canila, at natalastas ni Robinson ang paraang ito. ¡Totoo n~ga na ang pagiisip nang tauo ay cung gagamiting magaling, para nang nararapat, ay totoong madaling gumanà nang paraan sa icatataquip nang caniyang man~ga cailan~gan, at icararagdag nang caniyang caguinhauahan! Natatalastas niya na ang man~ga hayop na llama sa touing masusumpun~gan niya na iinom sa batisan, ay nagtatacbuhan sa isang cagubatan sa dacong licod nang pinacamataas na lupa. Sa taguiliran nito ay may lupang natatamnan nang damo at diyan pumapanhic sa pinacaburol na ang taas ay may calahating vara. Naramdaman ni Robinson, na sa pagtacbo nang man~ga llama, ay caraniuang nagdaraan doon; at dahil dito,y, bumungô sa caniyang pagiisip ang dapat gau-in. Sa macatouid ay humucay siya nang isang malalim na balon sa lugar na yaon, at nang cung magdaan doon ang man~ga hayop na llama ay man~gahulog at maculong sa balon. Hangang tanghaling hinucay nang ualang capaguran ni Robinson ang balon; tinacpan nang ilang damo ang ibabao, at sa icalauang arao ay naquita niyang nahulog doon ang dalaua niong man~ga hayop na totoong malalaqui.

Inacalà niyang sucat na sa caniya ang caniyang inihandang pagcain; datapoua,t, uala sana siyang pagtataguan nitong caniyang baon sa panahon nang taglamig, cundi siya pinagcalooban nang lan~git nang isang pinacasilong dahil sa paglindol; sa pagca,t, dapat nating matalastas, na sa malapit sa caniyang yun~gib ay may gumuhong bató, na naguing parang isang yun~gib na ang lalim ay may tatlong vara, na ang pinapasucan ay ang pinacapatio nang caniyang tahanan. Dahil dito,y, nagcaroon siya nang isang munting silid, cusina at pinacasilong, na totoong mabuti ang pagcacalagay, na parang sinadiya.

Tatlo pang bagay ang hindi niya natatapus naihahandà sa panahon nang invierno ó taglamig, na inaantay niya; ang magtipon nang maraming damo na cacanin nang caniyang man~ga hayop; ang pagtitipon nang cahoy, at ang paghucay nang lahat nang patatas na itatago niya sa caniyang silong.

Ang man~ga damó na caniyang tinipon, ay ibinunton sa harapan nang caniyang bahay, para nang naquiquita niyang guinagauà nang man~ga magsasaca dito; at sa baua,t, paglalagay niya ay pinapaicpic nang caniyang paa at nang masinsing magaling na hindi tagusin nang ulan. Datapoua,t, natalastas niya, na siya,y, nagcamali dito; sa pagca,t, hindi niya pinatuyong mabuti muna ang damó. Sa pagca,t, cung hindi ganito ang caniyang gauin, ay sa totoong casinsinan ay magiinit at maguusoc. Hindi naririn~gig ni Robinson ang bagay na ito niong caniyang cabataan, sa pagca,t, ualang quinacalin~gang anoman, ay hindi niya natutohan ang man~ga quinacailan~gan sa isang bahay nang magsasacá. Dito niya napaguari ang malaquing capaquinaban~gan nang matuto nang anomang bagay, cahit hindi niya natatalastas ang sucat paggamitan balang arao.

Labis ang pagtataca ni Robinson nang maquitang umuusoc ang isang bunton nang damó: at lalò pang nanguilalas siya nang ipasoc ang caniyang camay, at maramdamang nagiinit sa loob. Inacala niyang mayroong apuy, bagama,t, hindi niya maalaman cung paano ang pagdidiquit nang sariuang damó, at cung cailan nalaglagan nang apuy.

Mínulan nang pagaalis na isaisa nang damó; at totoong malaqui ang caniyang panguiguilalas nang maquitang ualang apuy, at ang lahat nang damó ay nagiinit at basabasà pa. Sa catapusa,y, napaguari niya na ang casariuaan nang damó ang siyang naguiguing dahil nang pagiinit, bagama,t, hindi niya matalastas cung paano ang pangyayari nito.

Si Juan. Aco ma,y, di co mapaguari ito.

