Ang Bagong Robinson (Tomo 1)

Part 1

Chapter 1 3,726 words Public domain Markdown

Produced by Tamiko I. Rollings, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net. Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

ANG

=BAGONG ROBINSON,=

HISTORIANG NAGTUTURO

NANG MABUBUTING CAUGALIAN,

_NA GUINAUANG TANUN~GAN_

NANG ICATUTO AT ICALIBANG NANG MAÑGA BATANG BABAYI,T, LALAQUI.

TOMO I.

MANILA IMPRENTA DEL COLEGIO DE SANTO TOMÁS, Á CARGO DE D.G. MEMIJE.

=1879.=

ANG

BAGONG ROBINSON,

HISTORIANG NAGTUTURO

NANG MABUBUTING CAUGALIAN,

NA GUINAUANG TANUN~GAN

NANG ICATUTO AT ICALIBANG NANG MAÑGA BATANG BABAYI,T, LALAQUI.

ISINULAT NANG SEÑOR CAMPE,

isinalin sa uicang castilla ni D. Tomás de Iriarte, at n~gayo,y, tinagalog ni D. Joaquin Tuason.

TOMO I.

=MANILA= IMPRENTA DEL COLEGIO DE SANTO TOMÁS, Á CARGO DE D.G. MEMIJE.

=1879.=

Es propiedad de la Comunidad de PP. Dominicos.

=D. LUIS REMEDIOS, PRESBÍTERO,=

Prebendado de Esta Santa Iglesia Catedral Y Secretario de Cámara Y Gobierno Del Arzobispado De Manila, Etc., Etc.

Certifico: que á una instancia presentada por D. Joaquin Tuason, en solicitud de licencia de impresion, S. E. I. el Arzobispo mi Sr. se ha servido decretar lo siguiente:

[Nota: _Lugar del sello_]

«Manila 15 de Noviembre de 1878.--Por la presente y por lo que á Nos toca, concedemos la licencia necesaria para que se pueda imprimir el manuscrito tagalo titulado El Nuevo Robinson; en atencion á que de nuestra órden ha sido examinado, y no contiene, segun la censura, cosa alguna contraria al dogma católico y sana moral. Líbrese por Secretaría copia certificada de este decreto al interesado; y archívese original.--Fr. Pedro, _Arzobispo_.--Por mandado de S. E. I. el Arzobispo mi Sr.--Luis Remedios, Srio.»

En cumplimiento del preinserto decreto, libro la presente certificacion en esta Secretaría de mi cargo a quince de Noviembre de mil ochocientos setenta y ocho.--L. Remedios.

DIRECCION GENERAL DE ADMINISTRACION CIVIL De Filipinas.

El Excmo. Sr. Gobernador General de estas Islas, con esta fecha ha decretado lo siguiente:

«Vista la instancia suscrita por D. Gervasio Memije en la que solicita autorizacion para imprimir y publicar la obra titulada, Ang Bagong Robinson.--Visto el informe emitido por la Comision permanente de Censura:--Resultando que la obra de que se trata en nada afecta á la sana moral y buenas costumbres.--Este Gobierno General, de conformidad con la expresada Comision de Censura y lo propuesto por la Direccion general de Administracion Civil, autoriza á D. Gervasio Memije para imprimir y publicar la obra en tagalo «Ang Bagong Robinson»; debiendo sujetarse á lo que previene el art.° 4.° del Reglamento de Imprenta, prévio pago de los derechos de firma correspondientes.»

Lo que traslado á V. para su conocimiento, acompañandole la obra de que se trata. Dios guarde á V. muchos años. Manila 11 de Diciembre de 1878.--J. Cabezas de Herrera.

_Sr. D. Gervasio Memije._

PAGHAHANDOG NANG TUMAGALOG

SA MALOUALHATING ARCÁNGEL S. RAFAEL

Sa Pagbibigay Puri at Pagganting Loob Sa Caniya.

* * * * *

Pintacasi naming hayag ang alindog icatlong Principe sa Reino nang Dios; sa man~ga demonio,y, caquilaquilabot, daig pa ang lalong marahas na culog.

Sa carunun~gan ca,y talang maliuanag, sa capangyarihan ay sacdal nang taas, at sa caauaa,y, ualang itutumbas sa lahat nang tauo,y, pinalalaganap.

Isa ca sa pitong laguing nagbabantay sa daquilang trono na cagalang galang niong Pan~ginoong pinan~gin~ginigan nang lupa at lan~git at boong quinapal.

Haliguing matibay na hindi magahis niong man~ga diuang sacdal nang lulupit, at mabisang lunas sa dalita,t, saquit nang sinomang tauong napatatangquilic.

Iyong sinusugpa,t, hindi paguitauin ang capalaloan nang lilong Lucifer sampong tanang campon na man~ga souail dinuduahagui mo,t, laguing sinusupil.

Bunying catiuala nang Ualang capantay at sugo sa madla,t, malalaquing bagay, Icao ang ligaya,t, tan~ging caaliuan nang nan~galulugmoc sa capighatian.

Daraquila ca n~ga,t, di icatlo lamang nang hari sa lupa na may cahanganan, cundi nang sa lan~git na Ualang capantay at di matapos magpacailan man.

Yaong libolibong man~ga Espíritus sa camahalan mo ay nagsisisunod, palibhasa icao siyang ihinulos catiuala niyong Amang mapagcupcop.

At sa tumatan~gis na sangcatauohan habang na sa lupa,t, nan~gin~gibang bayan icao ang pang-ampat sa luhang nunucal na pinadadaloy nang capighatian.

Icao ang sumama sa batang cay Tobias, sa madlang pan~ganib iyong iniligtas, gayon din sa iba na nan~gaglalacad, bagama,t, di namin napagtatalastas.

Sa alin mang saquit nang nagdaralita sa banig nang dusa,y, lunas cang mabisa, lubhang mahalagang handog na biyaya nang Lan~git sa tauong ibig matimauà.

Man~ga nagnanasà na tumangap naman niong matrimonio sacramentong mahal, sa inyong saclolo,y, dapat na magsacdal sa magandang palad nang houag masinsay.

Man~ga bagong casal naman ay gayon din, ay nararapat ca nilang pintuhoin, nang sila,y, maligtas, at houag masupil nang lilong demonio Asmodeong tacsil.

Ang man~ga magulang na ang man~ga anac ay nan~gauaualay, dapat na tumauag sa camahalan mo, at nang man~galigtas sa madlang pan~ganib na tulad cay Tobías.

Sa catagang uica,y, ang ibig magcamit nang tunay na toua,y, sa iyo,y, manalig, mahal na Arcángel, na halal nang Lan~git, magtangol sa tauo sa bayan nang hapis.

¡Oh mapagcandili,t, maamong Arcángel! na taga pagampon sa madlang hilahil, alio sa pighati,t, paraluman mandin sa pacay nang nasang bayang Jerusalem.

Jerusalem bagang caloualhatiang tinutun~go namin habang nabubuhay, caming iyong lingcod doo,y, ipatnubay sa touid na landas nang houag masinsay.

Linalacbay nami,y, malauac na mundo na punô nang silo nang lilong demonio, ¿ito,y, dili caya icababalino nang puso mong handang laguing sumaclolo?

Diyan sa ligaya na hindi masaysay nang bait nang lalong capahampahaman at na sa piling ca niyong carurucan nang Dios na ualang hangang cataasan.

Ipamaguitan mo aco,t, nang maligtas sa di magpatantang tucso ni Satanás, na nan~gingimbulo,t, ibig mapahamac maramay sa caniya ang sangmaliuanag.

Sa di nasayaran nang sa salang dun~gis na Virgeng binucalan nang gracia at diquit, ay idalan~gin mo caming humihibic sa guitnâ nang ualang ulat na pan~ganib.

Yayamang sa caniyang mapalad na camay lahat nang biyayà ay pinararaan nang lumic-hâ nitong boong sangtinacpan, ani San Bernardong lingcod niyang hirang.

Cami tulun~gan mo, daquilang Arcángel, na magpasalamat sa maginang Virgen sa di tumitila,t, auang sapinsapin bagama,t, cuhila,t, sucab na alipin.

Joaquin Tuason.

_Pasig, arao ni San Rafael Arcángel, icadalauang puo,t, siam nang Setiembre nang taong isang libo ualong daan pitong può at ualo._

=PAOUNAUA NANG TUMAGALOG.=

* * * * *

_Ang cumat-hâ nitong Historia Moral, ay ang Sr. Campe, at ang inilagay na pamagat ay_ Ang Bagong Robinson, _at nang maiba sa isang isinulat ni Daniel Dafoe sa pasimula nang nacaraang siglo, na ang pamagat ay_ Buhay at man~ga cahan~gahan~gang aventuras ni Robinson Crusoé._Itong dating Robinson ang siyang nagbigay sa pagcat-hâ nang bago nang man~ga bagay na quinaoouian nang boong Historia nang isang bayaning totoong tan~gi dahil sa man~ga di caraniuang napagsapit nang caniyang buhay, na totoong cacaiba sa lahat nang man~ga tauo dahil sa man~ga sacunang nangyari sa caniya: ang buhay nang isang tauong nacaisaisa, napilitang gamiting ualang licat ang lacas nang caniyang catauan at ang boong ipinangyayari nang caniyang caloloua, sa pagca,t, ualang macatulong na sinoman at siya,y, nacaisaisa sa pulô.

Ang sumalin sa uicang castilà nito ay si Don Tomàs de Iriarte, at nang mangyaring paquinaban~gan nang man~ga binatang babayi,t, lalaqui, dahil sa magagandang aral na nacacalat sa buong librong ito. Humihicayat nang pagibig, paggalang at pagpapasalamat sa macapangyarihang Pan~ginoon at Ama nang lahat nang tauo; nagpapausbong sa pusò nang pagasa sa caniyang caauaan sa alin mang caguipitan at pag-ayon sa caniyang calooban.

Ito at madla pang mabubuting aral at cahatulan ang mananamnam nang babasa sa Historiang ito, na bucod sa pagcacaliban~gan, ay maraming bagay na macucunang uliran, at ito,y, siyang dahil caya co inihulog sa uicang tagalog.

Sa pagtagalog nito,y, aquing linisan ang inaacalà cong uari hindi paquiquinaban~gan nang man~ga tagalog; gayon din naman aquing dinagdagan nang pagmamacaauà sa mapagpalang Virgen sa touînang daratnan si Robinson nang anomang casacunaan; sa pagca,t, dili carampatang lisanin nang sinomang nagcapalad tumangap nang lunas na tubig nang santo Bautismos ang pagsasacdal, paghibic, at pagmamacaauà sa Ina nang ating Mananacop, na guinaua niyang alolod na aagusan nang dilang graciang ipinagcacaloob sa man~ga tauo, ayon sa uicà ni San Bernardo: _Deus nihil voluit nos habere, quod per manus Mariæ non transiret._ «Ayao ang Dios na pagcalooban tayo nang anomang gracia na di pagdaanin sa man~ga camay ni Maria.»

Idinagdag co rin naman dito na sa pagtitiis nang anomang cahirapan, ó pagcacamit nang anomang caguinhauahan ay hindi lamang ang dapat han~garin ay ang magandang capalaran sa buhay na ito, cundi lalonglalò na ang maguing daan nang ipaglilingcod sa Dios at ipagcacamit nang caloualhatiang ualang hangan.

Sa catapusa,y, inihandog co sa maloualhating Arcangel S. Rafael, pagbibigay puri bilang at pagganting loob dito sa lubhang maauaing Pintacasi nang man~ga maralitâ at icatlong Principe na lagui nang nagbabantay sa cagalanggalang at di matingcalang carorocan nang Ualang capantay. Bucod dito,y, totoong nababagay ang pamimintacasi dito sa totoong mapagcalin~gang Arcangel sa sinomang natitiualag sa caniyang magulang at nasa guitnâ, nang dilang casacunaan at caralitaan, tulad cay Robinson, na baga ma,t, isang halimbauà ó talinhagà lamang, ay magagauang uliran nang sinomang na sa sa isang caguipitan at capan~ganiban, nang houag huminà, malupaypay at maghinampo ang loob sa Namamahalà nang sangdaigdigan, bagcus umayon sa caniyang calooban, manalig sa ualang hangan niyang caauaan, sambahin ang di malirip niyang carunun~gan, na ang inaacalà natin na isang casacunaan at cahirapan ay bun~ga nang caniyang pagibig na pagcacaraanan nang ualang hanga nating caloualhatian, cung baga,t, ating matiis, at tangapin nating malumanay sa loob at pasalamatan, maguing caguinhauahan at maguing cahirapan man, ang minamarapat niyang ipagcaloob sa atin._

_Sucat hangan dito, bumabasang irog, at pagcaliban~gan mo naua,t, paquinaban~gan itong catouatouang buhay ni Robinson, na caya co tinagalog ay iniutos sa aquin nang man~ga Pareng Dominico, at nang cunang uliràn naman nang sinomang babasa._

=SINALIN SA TESTO=

Nang

=INCA GARCILASO DE LA VEGA.=

* * * * *

_Sa unang bahagui nang man~ga Comentarios reales ay nababasa sa capitulo VII. itong susunod:_

«Ang islang (capuloan baga sa tagalog) tinatauag na Serrana, na na sa pag-itan nang Cartegena at Habana, ay tinauag nang gayon, dahil sa isang castilang ang pan~galan ay Pedro Serrano, na ang caniyang daong ay napahamac na nabagbag sa malapit sa pulóng ito, at siya lamang ang nacaligtas, sa pagca,t, totoong mabuting luman~goy, at nacarating sa naturang pulô na uala isa mang bahay; di sucat matirahan nang tauo, ualang tubig at cahoy, doon siya tumahang may pitong taon, at sa caniyang casicapan ay nagcaroon siya nang cahoy at tubig, at nacacuha nang apuy, (ang nangyaring ito,y, isang bagay na catacataca, na marahil ay sasabihin natin sa ibang lugar.) Sa apellídong Serrano ay tinauag ang pulóng yaong Serrana, at Serranilla ang isang pulô namang calapit niyaon; at nang houag pagcamal-an ang baua,t, isa.»

_Saca sinasabi sa capitulo VIII._

«Nararapat munang bago natin ipatuloy, ay sabihin nating ang nangyari cay Pedro Serrano. Si Pedro Serrano ay luman~goy sa pulóng yaon na dati,y, ualang n~galan, na ang pagcasabi, ay may dalauang leguas sa binilogbilog. Gayon din halos ang sinasabi sa sulat nang paglalayag na ipinaquiquilala na may tatlong pulông totoong maliliit, na may maraming cababauan ó pungtod............................. at sinasabing gayon din ang pagcalagay niong tinatauag na Seranilla, na yao,y, limang maliliit na pulô na may lalong maraming pungtod mahiguit sa Serrana; at caya n~ga lumalayò doon ang man~ga sasac-yan dahil sa capan~ganibang ito ...»

«Si Pedro Serrano ay napahamac sa paglalayag dito, at nacarating nang lan~goy hangang sa naturang pulô, sabihin ang lumbay nang siya,y, naroroon na, sa pagca,t, ualang maquitang tubig, cahoy at halaman man na ipagpatid uhao, ó anomang bagay na sucat niyang pagcaliban~gan, at ninanasang magdaan ang alin mang sasac-yan, nang siya,y, macaalis doon, at nang houag siyang mamatay sa gutom at uhao, na inaari niyang lalò pang maban~gis sa cung siya,y, nalunod doon, sa pagca,t, lalong madalî ang hirap. Caya sa unang gabi ay uala siyang guinaua cundi tan~gisan ang sauî niyang capalaran, at di mamagcano ang lumbay dahil sa gayong capiitan na sucat icapighatî nang sinoman. Nang maguumaga na,y, muling linibot ang pulô, at naquita niya,y, maraming man~ga aliman~go, hipon at iba pang ganganito na nangagaling sa dagat, humuli siya nang ilan at caniyang quinain nang hilao, sa pagca,t, uala siyang apuy na paglutoan.

Dito,y, humintò siya hangang siya,y, nacaquita na may lumalabas na man~ga pagóng: nang maquita niyang malayò sa dagat ay hinandulong niya ang isa, at caniyang ibinaligtad; gayon din ang guinaua niya sa iba na caniyang nahuli, at nang houag macatacbo; at sacá quinuha niya ang isang sundang na caniyang daladala sa bayauang, na siyang dahil na iquinaligtas niya sa camatayan, hiniua niya ang isa sa naturang pagóng, at ininom niya ang dugô. sa pagca,t, ualang totoong maquitang tubig: ganito rin naman ang guinaua niya sa ibang man~ga pagóng; ang lamán ay ibinilad niya sa arao, at caniyang cacanin, na guinaua niyang pindang ó tapa, at nang mangyaring ang balat ay magaua niyang sahuran nang tubig cung umuulán, sa pagca,t, doon ay totoong maulán. Sa paraang ito,y, siya,y nabuhay, at nacacain sa man~ga unang arao na pagcatirá niya doon; pinapatay niya ang lahat nang man~ga pagóng na caniyang mahuli; at mayroong totoong malalaqui na hindi niya ma ibaligtad, at natatalo siya sa lacas; at cahit quinucubabauan niya at sinsac-yan ay hindi niya matalo, at itinatacbo siya sa dagat; caya natalastas niya cung alin ang man~ga pagóng na caniyang nahuli at cung alin ang hindi. Sa canilang talucap ay maraming nasahod na tubig si Serrano, sa pagca,t, mayroong totoong malalaqui na naglalaman nang dalauang arrobang tubig at mayroon namang mumunti na cacaunting tubig ang nasisilid.

Nang maquita ni Pedro Serrano na marami siyang baon na cacanin at iinumin, ay inacalà niya na cung siya,y, macaquita nang apuy, nang mailutò niya ang caniyang cacanin, at nang siya naman ay macapagpausoc, cung may dumadaang alin mang sasac-yan, sa pagca,t, ito,y, isang palatandaan, ay uala nang cuculan~gin sa caniya. Sa pagnanasang ito, sa pagca,t, siya,y, tauong magdaragat, na sa alin mang cahirapan ay madaling gumaua nang paraan sa iba, humanap siya nang bató na magagauang pingquian, sa pagca,t, ang caniyang sundang ay gagauin niyang binalol ó pamingquî; at sa pagca,t, ualang maquitang bató sa pulô, at yao,y, nababalot nang buhan~ging patay, ay ang guinaua,y, napasadagat, sumisid siya at humanap sa ilalim nang bató; at sa totoong pagpipilit ay nacacuha nang man~ga pinquian, at pinili niya ang lalong mabuti, at caniyang binibiac na pinaguumpog ang dalauang bató nang magcaroon nang talím na pagpipingquian, tinicman niya na piningqui nang caniyang sundang, at nang maquitang linalabasan nang apuy ay pinagpunitpunit niya ang capisang niyang barò, at pinagligasligas niyang maliliit, na siya niyang guinauang lulog, at sa caniyang catiyagaan at cauulit nang pagpingquî ay nacucuha siya nang apuy.

Nang mangyaring houag mamatay at houag mapugnao ang caniyang apuy ay cumuha siya nang maraming yaguit na ipinapadpad sa tabi nang man~ga alon sa dagat, at pinamumulot niya ang man~ga capicapisang na cahoy, na tinatauag sa castila na ovas marinas, at man~ga tabla nang man~ga sasacyang nadudurog sa dagat, at man~ga talaba at man~ga butó nang isdà, at iba pang man~ga bagay na magdidiquit sa apuy. At nang houag mamatay sa ulán, ay gumaua nang isang cubocubohan na pinagugnay-ugnay ang man~ga talucab nang man~ga pagóng na pinatay niya, at totoong pinacain~gatan na houag mamatay.

Sa loob nang dalauang bouan, at marahil ay culang culang pa, sa cauulán, sa arao at sa calamigan nang lugar na yaon ay siya,y, naguing hubo,t, hubad, dahil na nabuloc ang caniyang damit na bahaguià na lamang nacatatataquip sa caniya. Dahil sa totoong cainitan nang arao ay nahahapó siyang masaquit, sa pagca,t, damit man ay uala siya, lilim man ay uala siyang masilun~gan. Capag siya,y, totoong nahihirapan nang init, ay lungmulubog siya sa tubig. Nabuhay siya nang tatlong taon sa ganitong cahirapan, at sa panahong ito ay nacaquiquita siya nang man~ga ilang sasac-yan na nagdaraan doon; datapoua,t, cahit siya,y, nagpapausoc, na siyang tandà sa dagat nang tauong nasisinsay at napapahamac, ay hindi napupuná nang man~ga sasac-yan, ó dahil caya sa catacutan sa man~ga pungtod ay hindi macapan~gahas lumapit sa caniyang quinalalag-yan at nagpapatuloy nang paglayag. Ang bagay na ito,y, totoong ipinagpipighati ni Pedro Serrano, na pipiliin ang camatayan, houag lamang magtiis nang ganoong cahirapan. Sa sin~gao nang lugar na yaon ay totoong humahabà ang balahibo nang boong catauan, na anaqui balat nang hayop, na tila sa baboy damo; ang buhoc at ang balbas ay dungmarating hangang sa bayauang.»

«Nang macaraan ang tatlong taon, isang hapo,y, malayò sa gunità ni Pedro Serrano ay nacaquita nang isang tauo sa pulóng yaon, na sa gabing nacaraan ay napahamac siya sa man~ga pungtod ó cababauan doon, at ang caniya lamang natimbulan ay capisang na tabla nang sasac-yan, caya siya nacarating doon; at sa pagca,t nang magliuanag ay naquita niya ang usoc nang apuy ni Pedro, sinapantaha niyang may tauo roon, linapitan niya sa lan~goy, na ang caniyang quinacapitan ay ang naturang tabla. Nang magcalapit na ang dalaua, ay di sucat matalastas cung sino ang lalong napapaman~ga sa dalaua. Inisip ni Serrano na ang caniyang naquiquita ay ang demonio na naganyong tauo na tutucso sa caniya, nang siya,y, magpatiuacal. Ang isip naman nang bagong dating ay si Serrano ay ang tunay na demonio, sa pagca,t, totoong habà nang man~ga balahibo, balbas at man~ga buhoc. Capoua nagsitacbo, at si Pedro Serrano ay naguicà nang ganito: «Jesus, Jesus, iligtas mo aco, Pan~ginoon co, sa demonio.» Capagcarin~gig nito ay naalis ang tacot nang isa at inacalà na si Pedro Serrano ay tauo ring capoua niya, caya pinagbalican at pinagsabihan nang ganito: «houag cang lumayò sa aquin, capatid co, sa pagca,t, aco,y, cristiano ring para mo» at nang siya,y maniualà ay dinasal niya nang malacas ang _Sumasampalataya_, at nang marin~gig ni Pedro ay pinagbalican niya, at ang dalaua,y, nagyacap nang daquilang pagibig, at dinaluyan ang canilang man~ga mata nang maraming luhà, yayamang sila,y, pinagsing isang palad sa iláng na yaon, na uala nang pagasang macaalis pa. Halihaling sinasalita ang pinagdaanan nilang buhay. Inacalà ni Pedro na ang caniyang casama,y, nagugutom, ay binigyan niya nang pagcain at pagìnom; dahil dito,y, naauasuasan ang caniyang paghihinagpis, at pagcatapus ay pinagusapang mulî ang canilang pamumuhay sa macacayanan, na pinagbahabahagui ang man~ga oras nang arao at gabi sa paghanap nang canilang icabubuhay sa dagat, at ang man~ga cahoy at man~ga buto nang isdâ, at iba pang man~ga bagay na icapagdidiquit nang apuy; at lalong lalò na ang laguing paglalamay, na sila,y, naghahalihalili, nang houag mamatay ang apuy. Ganito ang canilang pamumuhay nang man~ga ilang arao; datapoua,t, hindi naglaon at sila,y, nagcaalit, at dahil dito,y, sila,y, nagbucod nang pagcain, na ang culang na lamang ay magbabag: nang dito,y, mapagquiquilala ang casam-an nang ating man~ga caugalian. Ang dahil nang canilang pinag-aauayan ay ang pagsasabi nang isa sa isa, na hindi quinacalin~ga ang dapat gauin; at ang cagalitang ito,t, man~ga pan~gun~gusap ay siyang ipinagcaalit nila at ipinagcahiualay. Datapoua,t, sila rin, nang macapagmunimuni na, ay naghin~gian nang tauad, at nagcaibigang mulî, at macasamang nabuhay na may apat na taon. Sa panahong ito,y, naquita nilang dungmaan ang ilang sasac-yan, at sila,y, nagpausoc; datapoua,t, hindi nila pinaquinaban~gan, at hindi sila napansin nang man~ga sasac-yan; caya n~ga di mamagcano ang canilang capighatian, na culang na lamang ay malagot ang canilang hinin~ga.»

«Sa catapusan nitong mahabang panahon ay nagcataong dumaan doon ang isang sasac-yang totong nalalapit sa canila, na nacaquita nang canilang pagpapausoc, at ibinunsod sa canila ang bangca, at sac-yan nila sa pagparoon sa daong. Si Pedro Serrano at ang caniyang casama na capoua nagsihabà na ang canilang man~ga balahibo at balbas, ay nang malapit na ang bangca, ay nang houag acalain nang man~ga marinero na sila,y, demonio, ay dinasal nila ang _Sumasampalataya_ at sinambit nila nang malacas ang n~galan nang ating Mananacop; at dahil dito,y, hindi nan~gatacot ang man~ga marinero, cahit sila,y, ualang anyong tauo. Dinala na sila sa canilang sasac-yan, na di mamagcano ang pagtataca nang balang sa canila,y, macaquita at macarin~gig nang man~ga cahirapang canilang pinagdaanan.

Ang casama,y, namatay sa dagat nang papatun~go sa España. Si Pedro Serrano,y, dumating dito, at lumipat sa Alemania, na siyang quinalalag-yan nang Emperador sa panahong yaon: hindi inaahit ang caniyang balahibo, balbas at buhoc, at nang maguing tandâ at catunayan nang caniyang pagcabagbag, at nang lahat nangyari sa caniya. Sa lahat nang bayang caniyang pinagdadaanan, cung ibig niyang paquita ay nagcacaroon siya nang maraming salapi. Ilang man~ga guinoo at man~ga caballero na nacaibig macaquita nang lagay niya, ay pinagcacalooban siya nang gugugulin sa caniyang paglacad; at ang Emperador sa pagcaquita sa caniya at pagcarin~gig ay pinagcalooban siya nang apat na libong piso, na bouis sa taon taon. Nang cucunin niya, ay namatay siya sa Panamá, na hindi niya nacamtan.»

«Ang lahat nang salitang ito, para nang nabanguit na, ay sinasalita nang isang Caballero na ang n~gala,y, si Garci-Sánchez de Figueroa, na sa caniya co napaquingan, at nacaquilala cay Pedro Serrano; pinatotoohanan niya na sa caniyang bibig napaquingan, at nang matapus na siya,y, maquita nang Emperador ay binauasan nang cauntì ang caniyang buhoc at balbas nang houag dumating hangan sa bayauang; at cung siya,y, natutulog sa bagi ay pinupusód niya, at cung hindi gayon, ay sungmasabog sa hihigan na nacalilingatong sa caniyang pagtulog.»

=ANG BAGONG ROBINSON.=

* * * * *

HISTORIA MORAL

* * * * *

PASIMULA