# Alamat ng Ilang-Ilang

## Part 2

Book page: https://www.cyberlibrary.org/tl/books/alamat-ng-ilang-ilang-13156/index.md

Ang m~ga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan; datapuwa't lubhang kailan~gang buhayin ang m~ga salinsaling balità yamang ang karamihan n~g ating pinaniniwalaan ay badhâ niyaon, at n~g m~ga pangyayari; kaya't ang sasalaysayin n~gayon ay tunay na hindi ko na malaman kung saan ko narin~gig ó kung sa aling kasaysayan ko nabasa bagamang sariwang sariwa sa aking ala-ala ang pagkakapangyayari.

Katanghalian dáw noon n~g buan n~g Marzo, mainit na lubha ang daloy n~g m~ga sinag n~g araw, kaya't ang kaalinsan~ganan, ay di magpatiwasay sa madlâ, lalong lalo na doon sa m~ga pangkating pinag-uusig n~g m~ga batas, doon sa nan~gabubuhay sa pamamag-itan n~g pawis n~g iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yun~gib sa kaparan~gan; doon sa lupalop na pan~gublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na lan~git ang tanang kabuhun~gan kanilang lagui nang ikinaaaliw.

Sa panig n~g sansinukob na pinangyarihan n~g buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa m~ga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'y man~ganlong, doo'y wala n~ga, iyaong malalabay na san~gá n~g nan~gag-lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madlâ n~g malalamig na lilim kung katanghalian, at tan~gi sa ilang halamang gumugubat na kawangki n~g palasan ay wala n~g iba pang sumisibol. Ang halamang ito'y mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang m~ga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kanyá; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas n~g isang di magpatahimik na kakatihán kawangki n~g tinatawag nating NALILIPA.

Umano'y sa m~ga kadawagang iyaón nan~gun~gublí ang m~ga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka't doo'y hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad. Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.

Sa di kawasa'y nakásalubong sila n~g isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matandâ.

Ang isa sa kanílá ay siyang unang umaglahi.

--Matandang hukluban, saan ka paro-roon sa ganitong kainitan?--ang pang-unang tanong.

--Ang dugo nito ang ating inumin--ang saad n~g pan~galawa--Kasabay nang bunot n~g itak sa sukbitan na biglang iniyambâ.

--Antabayanan muna nating siya'y tumugon, bago ganapin ang nais--ang saló n~g pan~gatló.

--Magsalita ka--ang paklí n~g pang-apat.

--Aking hinahanap--anang matanda--ang panig na aking tinutuklasan n~g pampawing uhaw.

Sa tuwing hapon--ang dugtong--kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makásimsím n~g pampawing uhaw.

--At saan ka naman kukuha n~g maiinóm sa kadawagang ito, na kinaigahan n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?

--Tingnan natin at tila ito ang makapag-aalay n~g ating kailan~gang di matuklas--ang anas n~g isa sa kanyang kasama.

--Kung ang pagkakatiwala sa kanya'y ating ilalagáy ay matitirá tayo sa isang kabiguan--ang paan~gíl na tugón.

--Narito--anang matandâ--ang lagui kong iniinom kung dumarating ang oras na aking sinambit.

--Dito'y walang batisan...

--Hindi ko kailan~gan ang makikináng na daloy n~g batis, upang ipamawi n~g kauhawan; sa aki'y sukat ang m~ga halamang inyong namamalas, pagka't sa kanya'y nánanamnam ko ang matamis at masaganang katás, sa m~ga oras na ang Sumakop sa tanán, ay nagsabing "AKO'Y NAUUHAW", sa kanyáng Pitóng Wikà, bago naglakbay sa kalowalhatian n~g Lan~git at tinalíkdán ang pagkatáo.

--Tila ito'y may nais magpalaganap dito n~g m~ga katâkatá niyaong m~ga mapagsampalataya n~g kung ano anong kadayaan.

--Ang táong ito'y tila tayo ang pag-lalaruan--ang sabád n~g isá.

--May orasán ba kayong tagláy--ang malumanay na usisà ng matandàng inaaglahi.

--Ang orasán namin ay anyo n~g araw na lumiliglig sa boong Tinakpan.

--¿Anó na kayang bahagui ang ating kinalalagyán?

--Tayo'y nasa ikatatló na n~g tanghali; yaong oras na inaantabayanan mo upang numamnam n~g pinakananais naming pampawing uhaw ... Hayo ipakita mo sa amin ang pagsipsip n~g katás n~g halamang iyong sinambit at kapagkayao'y aglahi lamang ay kaawâ-awa ang iyong sasapitin.

Pagkarin~gig n~g bihigkás na ito n~g nagtatapangtapan~gan tulisan ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa Lumikha ang kanyang kalagayan; at pagkaraos n~g pananalan~gin ay nagtuluyan bumakli n~g m~ga halamanang naroon at pinan~gós na sinipsip ang katás.

Pagkakita nito n~g m~ga tulisan ay nan~gágsitulad sa matandâ at nakipan~gos naman; datapwa't ang kanilang nalan~gap, ay ang di masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'y inasod n~g palo ang kagalanggalang na matandâ hangang sa nalugmok sa m~ga nagkabalibaling san~ga n~g halaman.

Sa gayóng kahabag habag na anyo'y nagturing:

--¡Oh m~ga kulang palad! Darating ang panahón na inyong pagsisisihan ang inasal na kaimbihan; págka't sa inyong panunumbalik sa puok na ito sakaling kayo'y magkapalad na tan~glawan ng pananampalataya sa ating Mánanakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa't tilamsik n~g m~ga dugo ko ay sisibulan n~g ganyan ding halamán; subali't ang bawa't dito'y tumubo, ay magdudulot sa katauhan n~g isang malinamnam at matamis na katas, na siyang katutuklasan n~g tanan, n~g isang mabisang pampawing uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailan~ganin n~g katauhan, Pinaslang ninyo ang isáng nahilig sa pagninilay n~g mahalagang "PITONG WIKA" n~g ating MANANAKOP, nawá'y siya ninyong laguing pakinaban~gan.

* * * * *

Nakaraan ang isang munting bahagui n~g panahón, ang pagkakataon ay naguing tagapamag-itan upáng ang apat na buhóng ay muling mápabalík sa kanilang pinagdausan n~g huling kalupitan at nang magunitâ nila an~g m~ga hulíng binikás n~g napan~ganyayang matandáng kanilang inumog, ay dumanas silá n~g isáng pagnanais na alamin kung tunay n~gâ ang kaniyang m~ga huling panambitan, at di nalaunan, ay su-matitig nilá ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matatabâ at lubhang mayabong, at siláng lahát ay di nakapiguil n~g gayong bigkás:

¡Tumubo! ... Naganap ang kanyang huling tagubilín.

At sabay na nan~gagsibaklí n~g naturang halaman at kanilang pinan~gós.

Isáng malinamnám at matamís na katás ang kanilang nálasap, at paulit-ulit na binigkás na-matamís ang _tubo_, na siyang kaipala'y sumapit sa ating kapanahunan at ang salitàng iyaon na niyaong una'y pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay _supling_, n~gayo'y biglâ na kung bigkasín at nakikilala sa pan~galang tubó.

Bilang pasasalamat ay isáng mataós na dalan~gin ang kaniláng pinailanláng sa kalawakan n~g hiwagà at isáng matamís na pag-aawit ang kanilang naulinig na ganitó ang badhâ:

"Ano kayâ yaong tinamâang malas na nan~gin~gibabaw sa tanang liwanag nagtaboy na bigla't humawi sa ulap na pinaglagusan n~g ningning at sinag at umaanyayang lubusang magalák yaring abang pusong sinupil n~g hirap?"

"Siya kayâ yaong maningning na Ilaw na pumapatnugot sa Sangkatauhan, panan~glaw sa gabí n~g nadidiliman at sa may pighati'y pang-aliw na tunay Badhang taga-turo n~g iisang daan sa m~ga alagad na nan~galiligaw?"

"Oh kulang na kulang yaring pan~gun~gusap upang patunayan nakikitang sinag, ayo't nagniningning, anaki'y busilak sa ibabaw niyaong buntón buntóng ulap, ayó't bawa't anyo ay isang pagliyag ang isinasaboy sa puso n~g lahat."

"Siya yaong Pusong Kamahal mahalan na n~gayon ay ating kinaháhan~gâan Siya ang dinusta at pinakapaslang n~g sibat n~g sala n~g Sangkatauhan, Siya ri't di iba ang kaguinhawahan at tunay na alíw n~g may kalumbayan."

Dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan n~g gayong kawiliwiling pag-aawit, at nang kanilang makita'y lubos napahan~gà pagka't dili iba kundi ang kaawâawang matandang kaniláng pinaslang na bigláng nawalâ sa kasukalan n~g gubat.

Ito n~gâ kayâ ang sanhing pinagbuhatan n~g halamang tubo? ...

=PAN~GARAP=

(_Sa laguing pinagalayan n~g m~ga katha ko_.)

I Sa galaw n~g tubig; gayón din sa himig na pabalik-balik sa lalim, at batong pinag saglit-saglit, doo'y namamasid n~g abang pag-big ang kagandahan mo sa linaw n~g batis.

II

Ang itim mong buhok lugay na nag-sabog sa maputing batok, ay siyang anag-ag sa batisa't ilog sa dakong pag-lubog n~g araw sa laot kung makaliglig na sa boong Sinukod.

III

At sa pan~gan~garap n~g sariling hagap, aking námamalas ang iyong larawang sipian n~g DILAG. Ampunan n~g lahat na m~ga bulaklak na níyuyurakan sa m~ga paglakad.

IV

Sa palad na abâ kung guinugunitâ ang pagdaralitá ay namamalas kong ikaw ay may awàng iniáapulà sa agos n~g luhà n~g lunós kong buhay at pusong mahinà.

V

N~guni't ... ¡Pagkasawi! ... Ang abang ibinudhi'y hindi namalagui, Dagling binagabag, at ang pag mumuni'y kumalag sa tali, at itiniwali ang aba kong palad na inilugami.

VI

Bigláng nasiwalat dini sa hinagap at ipinamalas Ang iyong larawang may hinampong in~gat na nagtutulak sa aba kong palad at sa lantang pusong napapawakawak.

=Wakás=.

Mga Talababa:

[1] Hayop pa sakdal ban~gis na pagkaamoy sa tao'y sinisila; ito'y kawangki n~g kalabaw baga man may kaliitan, at kailan may hindi napaaamo.

[2] Tuláng binikás n~g magandang binibining Natalia Buencamino sa "veladang" idinaos sa, "INSTITUTO DE MUJERES", niyong ika 23 n~g Diciembre n~g taong 1906.

Palatuntunan.

Ilang-ilang, Tudling, 3.

Ang hitsó, Tudling, 16.

Himig nang pighatì, Tudling, 30.

Ang tubó, Tudling, 33.

Pan~garap, Tudling, 44.

M~ga nobelang sinulat n~g Kumatha nito

Mapagpuyat P.0.20 Pag-ibig n~g isang General P.0.20 ¡M~ga imbí! (unang bahagui) P.0.30

KASALUKUYANG NILILIMBAG

Mapagkandili. ¡M~ga imbi! (pan~galawang bahagui)

End of Project Gutenberg's Alamat ng Ilang-Ilang, by Jose N. Sevilla

